CHAPTER 26

1642 Words
"Nagtiwala ako sa'yo, Alex," umiiyak na niyang saad, "Minahal kita sa lahat ng aking makakaya pero bakit nagawa mo pa rin sa akin 'to?" dagdag pa niya habang luhaan ang kanyang mga mata. "Saan ba ako nagkulang?!" singhal niya. Pakiramdam niya kasi, sa ganu'ng paraan niya mapapaginhawa kahit papaano ang kanyang naninikip na kalooban dahil sa masakit na nalaman. "Xia." Mabilis niyang iniwaksi ang kamay ng kanyang asawa nang sinubukan siya nitong hawakan. "Sinungaling ka. Sinungaling ka!" Kahit na anong kontrol na gagawin niya sa kanyang sarili ay hindi pa rin talaga niya nagawa dahil sa sakit na kanyang nadarama. Matatalim na tingin ang ipinukol niya sa kanyang kaibigan na takot na takot na rin sa kanya ng mga sandaling 'yon habang bahagyang nakatago sa likuran ng kanyang asawa. Ang ganu'ng eksena ay lalong sumasaksak na lamang sa kanyang munting puso. Imbes na sana siya ang nakatago sa likuran ng kanyang asawa, imbes sana siya ang pinuprotketahan nito ay ibang babae pa. "Nagtiwala ako sa'yo, Nicole. Parang kapatid na nga ang tingin ko sa'yo pero bakit nagawa mo pa rin akong lukuhin?" galit niyang tanong dito habang puno sa luha ang kanyang mga mata. "Bakit mo ako niluko? Bakit?!" muli niyang tanong dito at nang akma sana niya itong sugurin uli ay bigla naman siyang hinarangan ni Alex kaya sa pangalawang pagkakataon ay muling dumapo ang kanyang palad sa pisngi nito saka niya ito matiim na tinitigan. "Sana, masaya kayo sa mga pinaggagawa niyo. Sana, hindi niyo pagsisihan ang ginawa niyong panluluko!" singhal niya saka niya tiningnan isa-isa ang mga ito ng tingin na para bang anytime ay kakainin niya ang mga ito ng buhay dahil sa galit na kanyang nararamdaman pagkatapos ay walang lingon-likod na iniwan niya ang dalawa. "Xia!" tawag sa kanya ni Alexander at nang hahabulin pa sana siya ng kanyang asawa ay agad naman itong hinawkaan ni Nicole sa braso nito para pigilan. "Let her cool first," anito at wala namang nagawa si Alexander. Tiningnan na lamang niya sa likuran ang asawang unti-unting nawawala sa kanyang paningin at nakita pa niya ang pagpahid nito sa luhang umaagos sa magkabila nitong pisngi. Isang bar ang naging destinasyon ni Xia. Panay ang kanyang tungga sa alak na nasa harapan niya habang pabalik-balik naman sa kanyang isipan ang eksenang kanyang natagpuan. Ang eksena kung saan nakita niya ang kanyang asawa na kayakap ang matalik niyang kaibigang si Nicole. Wala sa isipan niya na magagawa siyang lukuhin ang mga ito. Hindi ni minsan sumagi sa kanyang isipan na pagkakaisahan siya ng mga taong parehong mahalaga sa kanya, parehong malapit sa kanyang puso. Napakasakit talaga para sa kanya ang lahat. Sobrang sakit! Muling bumalik sa kanyang ala-ala ang panahon kung kailan niya nakita ang kamay ni Nicole na hawak-hawak ng kanyang asawa nang nasa isang beach sila. Bakit hindi niya binigyang pansin ang eksenang 'yon? Bakit binalewala niya iyon? Kung du'n pa lamang ay naging mapagmatyag na siya, malamang maaga pa lang ay nabuko na niya ang mga ito pero wala, eh. Naging tanga siya! Masyado siyang nagtiwala sa mga taong hindi niya aakalaing tatraydorin din pala siya sa bandang huli. "Hindi ka umuwi nu'ng kaarawan namin ni Marco?" tanong niya kay Glendon nang panahon na nakapag-usap sila. "I really want to kaya lang, my schedule was so hectic kaya hindi na ako nakauwi during your birthdays. Pasensiya na, huh?" sagot naman nito sa kanya. "What are you doing here? Kanina ka pa hinahanap ni Alex." Muli niyang naaalalang tanong sa kanya ni Martha nu'ng mga sandaling tahimik niyang pinagmamasdan si Nicole na may lalaking kayakap noong araw ng kanyang kaarawan. "S-si Alex?" "Why Nicole is there?" "Kanina pa ba kayo diyan?" "Bago lang. Anong ginagawa mo rito?" "M-may kausap lang ako." "Sino?" "Sino, Nicole?" "S-si Glendon." "Si Glendon?" "Oo. Nakabalik na siya." "Bakit hindi siya nagpakita sa amin?" "Gusto niya kaya lang... alam niyo naman kung ano ang sitwasyon ng tatlong lalaki, di ba?" "But he promised na magpapakita siya kapag tuluyan na kaming magiging okay." Hindi kaya ang lalaking kayakap ni Nicole ng gabing 'yon ay walang iba kundi ang kanyang pinakamamahal na asawang si Alexander? Sa kanyang naisip ay lalo lamang siyang napahikbi ng iyak. Lalo lamang siyang nasaktan. Lalo lamang siyang nawasak. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa bote ng alak na kanyang iniinom. Bakit ba napakatanga niya? Bakit ba napakamanhid niya? Masisisi ba siya kung ganu'n siya? Nagtiwala lang naman siya sa kanyang kaibigan. Naging tapat lang naman siya sa kanyang asawa pero bakit napakalupit ng tadhana para sa kanya? Saan ba siya nagkamali? Parusa ba iyon sa kanya dahil sa maling nagawa niyang pigilan ang kanyang pagbubuntis? Hindi ba parang sobra-sobra naman ang naging ganti sa kanyang nagawa? Napaiyak na lamang siya nang lubos habang paulit-ulit na nanariwa sa kanyang balintataw ang lahat-lahat. Napahinto si Nicole sa kanyang paglalakad palapit kay Alexander  habang tahimik itong nakaupo sa gilid ng kama. Katatapos lamang niyang maligo at nang paglabas niya ng banyo ay nakita niya itong natutulala. Ang layo ng takbo ng isipan nito at kahit na wala itong sinsabi sa kanya ay alam niyang si Xia ang laman ng utak nito ng mga sandaling 'yon. "Anong iniisip mo?" Napalingon sa kanya si Alexander habang nanatili itong nakaupo sa gilid ng kama. "Wala," matipid nitong sagot saka ito ngumiti at alam niyang pilit na ngiti lamang ang ipinakita nito sa kanya. Nilapitan niya ito saka niya bahagyang pinisil-pisil ang magkabila nitong balikat. "Gusto mo bang imasahe kita?" malandi niyang tanong at napatango naman sa kanya si Alexander. "Masarap ba?" tanong niya pagkaraan habang patuloy pa rin niyang pinisil-pisil ang balikat nito. "Yeah," tanging salitang namutawi sa bibig nito at para bang nainis si Nicole du'n. Hindi naman kasi ganu'n dati sa kanya si Alexander kapag sasagot ito sa kanyang mga tanong. Iba ang ipinapakita nito sa kanya ngayon, para bang wala itong ganang kausapin siya. Para bang ayaw nitong makipag-usap sa kanya dahil nga siguro sa katotohanang nabuko na silang dalawa ni Xia. "Gusto mo ba ng ibang masahe? 'Yong tipong buong katawan ang gagalaw?" pang-aakit niya rito at kahit hindi pa nakasagot si Alexander ay sinimulan na niyang in-unbutton ang suot nitong polo shirt habang hinalik-halikan niya ito sa punong tainga nito at ang isa niyang kamay ay hinahaplos sa dibdib nito. Mula sa punong tainga ay bumaba ang kanyang mga labi sa pisngi nito. Dahan-dahan namang bumaba ang kanyang kamay hanggang sa sinapit nito ang zipper ng suot nitong chinos. Dahan-dahan niya itong ibinaba kasabay ng pag-angkin niya sa mga labi nito na agad naman nitong tinugunan. Agad siyang inihiga ni Alexander sa ibabaw ng malambot  na kamang inuupuan nito kanina habang walang tigil ang kanilang paghahalikan hanggang sa tuluyan na nga nilang ginamot ang sarili nilang uhaw na uhaw sa yakap ng bawat isa. Pagkatapos ng mainit na sandali ay agad na bumangon si Alexander na para bang walang nangyari. Bumaba ito ng kama saka pinulot ang mga gamit na nasa ibaba ng kama at muli nitong isinuot. Pagkatapos ay nagsindi ito ng sugarilyo na ginagawa lamang niya kapag may gumugulo sa kanyang isipan. Nanibago naman si Nicole nang makita ang ginawa ni Alexander. Dati-rati kasi, pagkatapos nilang magtalik ay mananatili ito sa kanyang tabi habang nakayakap sa kanya. Iba ang ipinakita nito sa kanya ngayon. Tatlong buwan na nila ginagawa ang pagtataksil na ito. Nang panahon na unang beses nilang ginawa ang pangluluko ay ang panahon kung kailan, nangangailangan siya sa kanyang asawang si Glendon at nagkataon na ng sandali ring 'yon ay desperado na si Alexander na magkaanak. At dahil na rin sa tawag ng laman, hindi na nila napigilan pa ang bawat isa na gawin ang ipinagbabawal. Pero, ang hindi alam ng lahat, may mas malalim pang dahilan kung bakit nagawa niyang patulan ang asawa ng kanyang kaibigan. Magsisisi man siya ay huli na. Nandito na sila at alam na ni Xia ang lahat. Ipagpapatuloy niya kung ano man ang kanyang nasimulan hangga't hindi pa siya nasa-satisfied! Samantalang mapupungay ang mga matang napatingin si Xia sa kanyang phone nang bigla itong mag-ring. Ang buong akala niya ay ang kanyang asawa pero laking dismaya na lamang ang kanyang naramdaman nang pangalan ni Martha ang kanyang nakita sa kanyang phone screen at hindi ang pangalan ng kanyang asawa. "Hello?" lasing niyang sagot. "Are you drank?" tanong ni Martha mula sa kabilang linya. Napahikbi na lamang siya dahil pakiramdam ba niya ay nakahanap siya ng kakampi sa katauhan nito. "W-wait! What's wrong?" nag-aalalang tanong nito. Ramdam niya sa boses ng kanyang kaibigan ang pagtataranta nito para sa kanya kaya lalo lamang siyang napaiyak. "Mars?" parang batang sambit niya rito. "Where are you? Pupuntahan kita." Sinabi niya kung nasaan siya at agad naman nitong ibinaba ang phone dahil sa pag-aalala sa kanya. Nakailang tungga pa siya bago dumating sa kanyang kinaroroonan ang kanyang kaibigan. Agad na inagaw ni Martha ang basong may lamang alak nang tutunggain na sana ito ni Xia. Napatingin ito sa kanya at nakita niya sa mga mata nito ang kalasingan. "What happened?" tanong niya pero imbes na sagutin nito ang kanyang tanong ay bigla na lamang itong napayakap sa kanya nang mahigpit kasabay ng muling pagdaloy ng mga luha nito sa magkabila nitong pisngi. "Mars, ang sakit. Ang sakit-sakit," humahagulhol na saad nito. Kahit pa wala siyang naiintindihan ay ramdam naman niya ang sakit na nararamdaman nito ngayon. "Bakit, ano bang nangyari?" naguguluhan niyang tanong habang nakayakap pa rin ito sa kanya. "I caught them." Natahimik siya sa naging sagot ni Xia. "They're cheating on me," dagdag pa nito. Bahagya niyang inilayo sa kanyang sarili ang kaibigang umiiyak upang maayos niyang matingnan ito sa mga mata. "What do you mean?" nakaawang ang mga labing tanong niya ulit dito. Mabilis na tinungga ni Xia ang alak na nasa wine glass niya. "Alex... he's cheating on me with Nicole." Lalong napamaang si Martha sa kanyang narinig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD