(OREB’S POV) PESTENG babaeng ‘yon, ang liit ng butas ng bintana sa loob ng banyo ngunit nagawa pa nitong makatakas ! Dali-dali tuloy akong pumunta sa cctv room upang alamin kung na saan ito. Ngunit gusto kong magmura nang hindi ko makita ang bulto ng babae. Saan dumaan ‘yon. Oo nga pala, wala pang cctv camera sa likod ng bartolina. Nasira kasi ‘yon. Kaya naman dali-dali akong lumabas ng bahay para pumunta roon sa likod ng bartolina malapit sa may cr, baka nandoon lang sila nagtatago sa akin. “Boss Oreb, mukhang nakalabas na ng bahay si Kimelines,” pagbibigay alam sa akin ng isang kasamahan ko. “Sige, alamin ninyo! Suyurin ang daang tinahak niya!” mariing utos ko sa mga kasamahan ko. Dali-dali silang umalis sa aking harapan. Ako naman ay gigil na gigil na bumalik sa loob ng bartolina

