(Kimelines Pov) Kitang-kita ko ang inis sa mukha ni Oreb. Ngunit wala akong pakialam dito. Marami itong kasalanan sa akin. Hayop na ito. Hindi ko na lang sinagot ng tanong nito. Agad akong umiwas ng tingin sa lalaki. Ang tanging hiling ko ay makatakas si Ceje at makarating sa pantalan, doon kami magkikita-kita. At kung ako ang tatanungin ay dapat mauna na ito upang hindi makita ni Mr. Kent. Hindi ito puwedeng makuha ni Mr. Mafia. Alam na ka agad namin ang mangyayari kapag nahuli ito. Kukuhanin ni Lucero ang bata. Kawawa naman ang kaibigan ko. Hindi na ako pumalag pa nang isakay ako ng kotse nila. Pagdating sa bahay ni Mr. Lucero ay agad akong dinala sa loob ng bartolina. “Kung hindi ka magsasalita Kimelines ay habang buhay kang nakakulong dito sa bartolina!” mariing sabi ni Oreb.

