BIGLANG nagdilim ang paligid. Mukhang brownout. Kasasabi lang ni Cali kay Gilbert kung bakit ayaw niya dito ay biglang nagwalan ng ilaw. “Again?!” bulalas ng binata. “Anong again? Nag-brown out na din kanina?” pabulalas na tanong din niya.. Kung nawalan na din ng kuryente ay hindi niya alam dahil hinimatay siya. Bigla ay naitanong niya sa sarili kung ano ang mga nangyari habang wala siyang malay. Naglumikot ang isipan ni Cali. “Yeah…” may bahid ng frustration ang tinig nito. Mukhang nalihis sa kung saan ang pinag-uusapan nila. Narinig niyang tumayo si Gilbert. “Sir Gilbert!” tawag niya dito. Bigla siyang nagpanic. Hindi siya matatakutin pero kung iiwan siya ng binata doon ay matatakot siya. Hindi siya sanay na lugar lalong hindi siya pamilyar doon at malakas ang pagkidlat at pagkulog

