“GIRL, may naghahanap sa iyo sa labas.” sabi sa kanya ni Sonia ng lumapit ito sa kanya. Abala siya sa paghuhugas ng pinggan ng mga sandaling iyon. Sandali lang niyang pinukulan ng tingin ang kaibigan saka ipinagpatuloy ang ginagawa. “Sino daw?” wala naman siyang natatandaang kakilala niya doon na maaring maghanap sa kanya. Kung si Gilbert iyon ay kaalis lang nito at maaring nasa opisina na nito ang binata. Kung bumalik man ito ay hindi na nito kailangang magpasabi kay Sonia dahil siguradong papapasukin na ito ng mga kasama niya. “Hindi ko natanong ang pangalan eh. Pero ang gwapo niya girl ha!” namilog ang mga mata nito. “Gwapo? May iba pa bang gwapo para sa iyo bukod kay Gilbert?” biro niya. “Oo naman! Yung mga kasama niya sa trabaho. Pero iba itong naghahanap sa’yo. Ngayon ko lang n

