“ANONG nangyari?” gulat na tanong ni Calixa kay Gilbert. Katatapos lang nilang mananghalian sa isang restaurant ng biglang mataranta ang binata pagkatapos nitong makipag-usap sa cellphone nito. “Perry called me. Nasa ospital daw sila ngayon. Nabangga ang kotse niya sa tapat ng Hermani’s. Nasa loob ng kotse si Danyela.” Pagbabalita ng binata. Ang Hermani’s na tinutukoy nito ay isang fine dining restaurant na pag-aari din ni Hermani Advincula. “Sinong Danyela?” medyo nabigla ding tanong niya. “Hermani’s girlfriend.” Napa-oh ang bibig niya. Kahit hindi niya nakikilala ang kasintahan ni Hermani ay nag-aalala din siya para sa babae. “Puntahan mo na. Baka kailangan ka doon ng kaibigan mo.” “Papunta na sila sa hospital. Ihahatid na muna kita sa pwesto niyo bago ako dumiretso doon.” Anito. I

