CHAPTER 22

2006 Words

"SIYA BA?" Napakislot si Gilbert nang marinig niya ang boses ni Madeline sa likuran niya. Kalalabas lang niya ng CR. Katatapos nilang maghapunan nang magpaalam siyang magpupunta lang sa banyo pero hindi niya namalayan na sinundan siya ni Madeline. Mabilis niyang iginala ang tingin sa paligid. Umasang wala si Calixa doon. Ayaw niya itong mag-isip ng hindi maganda tungkol sa kanila ni Madeline. “She’s not here.” Nakasimangot sa sabi nito. Napansin sigurong hinahanap niya si Calixa. Tumingin siya dito. “Nandoon siya sa sala kasama ang mama mo. Masyado ng busy ang mama mo sa babaeng iyon kaya ikaw nalang ang pinuntahan ko. Anyway, I can sense naman na hindi nila ako masyadong mapapansin doon.” Diretsong sabi nito saka hinagod siya nito ng tingin. Nangislap ang mga mata nito. “So, siya ba?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD