MALAKAS na napabuga ng hangin si Calixa pagkababang-pagkababa niya sa kotse ni Gilbert. Nanatiling alalay siya nito sa siko ng pareho na silang makatayo sa harap ng magarang pinto ng mansiyon ng mga Del Pierro. Una ng nabanggit sa kanya ng binata na hindi ito doon madalas tumutuloy dahil may sarili itong condo unit sa Ortigas malapit lang sa pinagtatrabahuhan nito. Ang naroon lang ay ang mga magulang nito at mga kawaksi. Bumakas ang matinding paghanga sa kanyang mukha ng mapagmasdan ang buong paligid ng mansiyon. Maliwanag ang buong paligid. Magara ang parking area at may fountain pa sa gitna. Sa kabila niyon ay hindi nabawasan ang matinding kabang nadarama niya. Iyon ang unang beses na makikilala niya ang mga magulang ni Gilbert. At hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ng mga

