MAINGAY ANG PALIGID. Maharot at malakas ang tugtog ng musika na umaalingawngaw sa buong lugar. Kasabay niyon ay ang mga boses ng mga taong pumupuno sa malawak na bar na iyon. Marami ang nagsasayawan sa gitna. Halo-halo ang mga tao. Iba-iba ang edad. Maharot ang sayaw ng mga babaeng pusturang-pustura ang pananamit. Gayundin ang mga lalake. Wala siyang kilala ni isang mukha doon. Tanging si Cali lamang ang nakasuot ng t-shirt at pantalon. Namalayan niyang nasa entrada siya ng disco bar. Palinga-linga siya sa paligid. May hinahanap siya pero hindi niya sigurado kung sino o kung ano. Sa isang iglap ay bigla siyang nasa gitna ng dance floor. Bigla ay nagkaroon ng espasyo para sa kanya at ang spot light ay tumutok sa kanya. Parang biglang nag-zoom in at nag-zoom out ang buong paligid. Bigla si

