ROGUE Napaayos ng upo si Alexxa sa kaniyang swivel chair habang nanunuod ng balita sa telebisyon. Tungkol ito sa pagtakas ng tatlong hindi kilalang preso sa united state penitentiary. Hindi sila pinangalanan ng FBI dahil nais nilang tugisin ang mga kriminal sa kanila mismong paraan ng walang madadamay na sibilyan. Malalim na nagiisip si Alexxa. Inaalala ang kaniyang dalawang kaibigan na nakakulong ngayon doon. 14 years ago nang malaman nito kung nasaan sina Giovanni at Damien. Kaagad itong lumipad pa-Amerika para sana itakas ang dalawa ng pigilan siya ni señor gustave. Dahilan ng señor ay ang batang anak ni Alexxa. Mas mabuting alagaan niya na lamang daw ito at si senor na ang bahala sa dalawa na sinunod naman ni Alexxa. "Paano kung may mangyari sayo doon? Paano na ang anak mo? Mawawal

