Paper - Answers Infernum Mafia, substation Amsterdam, Netherlands Galit na galit ang señor matapos malaman ang nangyaring krimen sa mansion ng mga council. Halos hindi ito makapaniwala na namatay ng ganon-ganon lamang ang apat na council ng walang kaalam-alam kung sino ang assailant nito. Walang magawa ang sekretarya nito kundi mapayuko na lamang habang pinagmamasdan ang nagwawalang matanda. Masyadong biglaan para sa matanda ang nangyari na labis niyang hindi inaasahan kung kaya naman nangangapa parin sila ngayon sa kung anong susunod na gagawin. Hindi man sabihin ng matanda, bakas sa mga mata nito ang banta na nararamdaman. Wala silang idea kung sino ang kalaban ngunit nakasisiguro itong hindi iyon basta. Nakagawa ito ng isang perpektong krimen na nagiwan ng banta sa kaninoman sa unde

