Chapter 7

1963 Words
Threaten The Beast Napalingon ako kay Takeo ng dumating ito. Lunch na pero bakit parang mataas pa sa sikat ng araw ang ngisi nito? "I heard na-meet mo na si Racliff?" - bungad nitong tanong sa akin. Napakunot ang noo ko sa narinig. Wala naman akong kilalang ganon. Sa lugar na ito, ang tanging kilala ko lang ay itong si Takeo, ang dean at ang room mate ko. "Ah, yeah you don't know his name. I am referring to the gray-haird man you encounter earlier." This time ay napatingin ako sakaniya. Hindi na ako magtataka na mabilis niyang nalaman ang nangyari kaninang umaga. Naging usapin ito dahil kita ko naman sa mga estudyante kung papaano nila ito pagusapan. Tumango ako sakaniya. "Sino kayang mas malakas sa inyong dalawa?" - nakangising tanong sa akin. "Hindi ko gusto ang iniisip mo Takeo Sato." Nakarinig lang ako ng pagtawa ngunit hindi ka na siya pinansin. Bumaba ako mula sa puno at nagsimulang maglakad. Nakarinig narin ako ng pagbagsak kaya't sa tingin ko ay bumaba narin sa Takeo at sumunod sa akin. Naglalakad kaming dalawa ni Takeo sa mahabang hallway ng gusaling ito ng biglang may duguang lalake ang bumagsak sa harapan ko. Halos wala na itong buhay at hindi na humihinga. Marami rin itong pasa sa katawan kaya't sa palagay ko au binugbog siya. "Damn that weak man, minantsahan niya ang uniform ko." "Napapala ng mga taong nagtatapang-tapangan. Hahaha!" "He should have never messed with us." Hindi ako lumingon ng marinig ang usapang iyon ng mga lalake. Nakarinig ako ng mabibigat na yabag kaya't sa pakiwari ko ay palabas na ang mga nilalang na iyon sa silid. Nilapitan ni Takeo ang lalake at hinawakan ang bandang pala-pulsuhan ng lalake. "He's unconscious, not yet dead. Yohan, can you bring this man to the infirmary? I just need to handle those assholes." - pagsuyo sa akin ni Takeo. Tatanggi pa sana ako ng lumabas na sa silid ang tatlong lalake na matatangkad. Napagalaman kong gangster sila dahil sa kulay ng uniporme nila. Napatingin ako sa lalakeng nakahandusay at nakitang kulay asul ang uniporme nito. "M-Master Take..." Nagulat ang lalake na nakatayo sa gitna matapos makita si Takeo na nakatayo katabi ko, maging ang dalawa nitong kasama ay waring nanginig sa takot. "Killing here is allowed, but didn't I warn you not to get caught by the Council president? Ready yourselves. Follow me to the office!" - Takeo Kaagad nanlumo ang tatlong lalake sa narinig kay Takeo. Napayuko nalamang ang tatlo kahit bakas sa mukha nila ang pagrereklamo. Mukhang walang palag ang mga ito kay Takeo. Nakakatakot din naman kasi si Takeo, inaamin kong hindi basta basta ang lalaking ito at masasabi kong hindi siya nahuhuli kung pagdating sa pakikipaglaban, malakas din siya at matalino pero hindi ito sapat para matakot ako Umalis na si Takeo at sumunod sakaniya ang tatlong gangster. Aalis na sana ako ng marinig ko ang ungol ng lalaking nakahandusay sa sahig. Hindi ako makapaniwalang tutulungan ang taong ito. Mahigpit kong bilin na huwag na huwag makikialam sa mga tao rito. Hindi ko na ito pinansin at tumalikod na ng.. "H-H-Help..." Napatigil ako at napatingin sakaniya. Nakadilat siya at bakas sa itsura niya na hirap na hirap na siya. "Sabihin mo, bakit nangyari yan saiyo?" - tanong ko rito. Umabot ng ilang segundo bago ito sumagot. "They are bullies... they used to bully me and it seem they got worse." - sagot nito. I actually hate those people who are weak. Hindi ko naman sila masisisi kung talagang mahina sila physically, pero bakit kelangan pati emotionally? "Why did you let those dirts bully you?" - muli kong tanong. "Because I... I can... cannot fight them.." Nakapagtataka talaga ang mga tao. "You should've run and hide or better yet not involve with them in the first place.." Bahagya itong napatawa. "You, why are you involving yourself now?" Nagulat ako sa tanong nito. Una sa lahat, gusto ko lamang kumain ng bigla nalang bumagsak ang katawan nito sa harap ko, at itong si Takeo ay inutusan akong dalhin ito sa pagamutan, pero ayoko kaya't aalis na sana ako pero biglang nanghingi ng tulong itong tao na ito, anong gagawin ko? Hayaan itong mamatay? Wala naman akong pakialam kung may mamatay pero napaka inosente ng taong ito. "I am not involving myself--" - hindi pa ako tapos magsalita ng putulin ito ng taong nakahandusay. "The moment you give attention to me, you already involve yourself. Even how much you deny it, there's nothing you can do." Napapikit ako at tumalikod tsaka nagsimulang maglakad. Kapag tinulungan ko siya, magpapasalamat siya, gagambalain niya ako at ipipilit ang sarili niya na mabayaran ako, tatanawin niya itong utang na loob at iyon ang ayoko, ayoko magkaroon ng utang na loob sa akin ang mga taong walang kinalaman sa buhay ko. Mas mabuting mapalayo sakanila kaysa mapalapit sakanila. Hindi makulay ang buhay ko katulad nila at wala akong balak lagyan ng kadiliman ang makulay nilang buhay. "I want to live..." Napahinto ako bigla ng marinig iyon. Gusto niyang mabuhay. Sino ako para alisan siya ng karapatang mabuhay? "I don't want to die..." - napapikit ako ng mariin. "I know you're not a bad person... I want to live, please.." Hindi nga ba ako masamang tao? Doon siya nagkakamali dahil masama akong tao, ipinanganak ako para maging masamang tao at hindi ko itinatanggi iyon. Bumuntong hininga ako naglakad pabalik sa kinaroroonan niya. Tinaas ko siya at nang makatayo na siya, tsaka ako yumuko ng kaonti at ipinatong ang tiyan niya sa balikat ko. (Binuhat ni Yohan yung lalake na parang sako.) Nagsimula akong maglakad at habang palayo ng palayo ang nalalakad ko, ay siya ring padami ng padami ang estudyante na nakaka-kita sa amin. Nasa dulong parte kasi kami kanina kaya't walang estudyante gaano. Nagtataka talaga ako at halos lahat ng makakakita sa amin ay nanlalaki ang mata. Ngayon lang ba sila nakakita ng duguang tao? Akala ko ba normal na ito dito? Habang naglalakad, hindi ko maiwasang maramdaman ang mga matang nakamasid sa paligid na siguradong nakaagaw ng atensyon nila. Ito ang ayoko. Bakit ba kasi kelangan dito ang daanan sa maraming tao papuntang pagamutan? "T-thanks..." - rinig kong bulong ng lalake. "Shut. Up!" Nanggigigil ako sa mga tingin nila. Gusto ko nang ibalibag ang taong ito pero dahil may prinsipyo ako ay hindi ko magawa, natulungan ko na ang lalaking ito at sasagarin ko na kahit ang pasensya ko ay malapit ng masagad. Tanaw ko na ang mataas na gusali na may tatlong palapag. Pumasok ako sa loob at nakita ang mga nag gagamot na gulat na gulat matapos akong makita na buhat buhat ang taong ito. Napahinto ako sa gitna kung saan maraming nurses ang halos hindi nakakilos sa kinatatayuan. "Gagamutin niyo ba 'to o mamamatay to?" - Malamig kong tanong at dahil doon ay parang biglang natauhan ang lahat at agad may lumapit na nurse na may hila hilang kama na may gulong. Inilapag ko doon ang duguang lalake. Nakangiti siya sa akin. Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. Bigla akong nanigas sa kintatayuan ko. Hinawakan niya ako. Walang sinoman ang puwedeng humawak sa akin. Biglang nagdilim ang paningin ko. Pero bakit hanggang ngayon ay hindi parin kumikilos ang katawan ko para paslangin ang taong ito? "T-Thank you, for saving me.." Malamig akong tumingin sakaniya, alam kong nakaramdaman siya ng takot base sa naging reaksyon niya pero wala akong pakialam. Tapos ko ng gawin ang dapat kong gawin at wala na siyang kakaylanganin sa akin. "Forget. About. Me." - simple kong tugon tsaka nilisan ang lugar. Halos mawasak na ang sobrang kapal na libro dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaking may kulay abo ang buhok. Nasa library ito at tahimik na nakaupo habang inaalala ang hindi magandang nangyari kaninang umaga. "Dying to kill her eh?" - nakangising sambit ng lalaking halos kararating lang mula sa kawalan. "Shut up kid!" Singhal ng lalaking may kulay abo na buhok. Kumuha muna ng libro ang lalaking kadarating lang bago ito umupo sa tapat ng lalaking may ano na buhok. Binuklat ng lalake ang libro na kinuha niya at pinagmasdan ang bawat pahina. "She's interesting, isn't she?" Mukhang hindi nagustuhan ng lalaking may kulay abo ang buhok sa pinahayag ng taong kaharap niya. "She will pay for calling me an insect." - tiim bagang turan ng lalake habang matalim na nakatitig sa isang libro na sa paningin niya ay ang babaeng bumastos sa pagkatao niya kanina lamang. Napatawa ang kaharap nitong lalake. "The very first time you lost your composure. Now, I'm starting to like her. She easily changes your mood within seconds." - sarkastiko nitong pahayag. Lalong nanggigil ang lalaking kulay abo ang buhok. "Stay away from me kiddo! I don't wanna waste my anger over you. She needs to know where she should stand." "Sweet." - pang aasar ng lalake. Titingin na sana ang lalaking kulay abo ang buhok sa unahan niya kung saan nakaupo ang lalaking kadarating lang ng makita niyang wala na ito sa kinauupuan niya. Napailing ito ngunit isinawalang bahala narin dahil sanay na siya sa lalaking iyon, sa lalaking ni minsan ay hindi niya naramdaman ang prisensya.. Naglalakad magisa si Yohan sa pasilyo ng makasalubong nito ang lalakeng nakauniporme ng kulay ginto. Kilala ito sa mukha ni Yohan dahil ang taong ito ay ang ni minsan ay hindi niya naramdaman ang prisensya. Nagkatinginan sila ni Yohan at nang magkakasalubong na ang kanilang katawan, nagulat ang babae ng biglang ngumisi sakaniya ang lalakeng iyon. Napatigil ito sa paglalakad at mabilis na lumingon sa likuran ngunit lalo itong nagulat ng makitang wala na ito sa likod niya. "Napaka bilis niya..." Nakaramdam si Yohan ng mabigat na prisensya kaya't agad itong humarap, nakita niya ang lalaking may kulay abo na buhok ang matalim ang titig sakaniya. Nakakuyom ang kamao ng lalake at waring gigil na gigil na mapatay ang babaeng kaharap niya. "You will pay for disrespecting me, b***h!" - Naiinis na turan nito. Kaagad sumugod ang lalake at akmang hahablutin ang kuwelyo ng babae ng bigla nalamang bumaligtad ang sitwasyon, mabilis na kumilos ang babae at agad ibinalya ang lalake pababa sa sahig, ni hindi naramdaman ng lalake na bigla nalang bumaligtad ang katawan niya dahil sa bilis ng pangyayari. Mabilis nag counter attack ang lalake at siniko ang tuhod ng babae, napaatras ang babae kaya't agad nakatayo ang lalake. "I didn't see that coming..." inis na bulong ng lalake sa sarili nito. Muling sumugod ang lalake pero this time ay ginamitan niya ito ng bilis, agad nawala sa paningin ng babae ang lalake ngunit alam niyang nasa likod na niya ito, biglang may malamig na bakal ang nakatutok ngayon sa leeg niya. Isang dagger na hawak ng lalake. Iniling ng babae ang leeg niya pakanan sabay mabilis na hawak sa kamao ng lalake at mabilis na binaluktot ang kamay nito, sabay kuha ng mabilisan sa hawak na dagger nito, binato niya ito pagkatapos. "She's fast..." - sa isip ng lalake. This time, nagulat ang lalake ng mawala sa paningin niya ang babae, kaagad nitong nilinga linga ang paningin niya ngunit wala ito sa paligid. "Did she just escaped? f**k! And I let her did that? Damn---" Hindi inaasahan ng lalake, bigla nalang siyang napaluhod hawak hawak ang batok niya, agad nagdilim ang paningin niya dahil sa lakas ng pagkakahampas dito, hindi na nito alam ang nakikita sa paligid hanggang sa naramdaman nalang niyang tumilapon siya pasandal sa pader, at naramdaman ang matulis na bagay na tumusok sa dibdib niya. "Try to block my way again and I will never let you see the sun rise anymore." Napaluhod ang lalake sa sakit, ng mahimasmasan ito at idinilat niya ang mata niya ngunit wala na ang babae sa paligid, napatingin siya sa bandang ibaba kung saan may dagger na nakatarak sa dibdib niya. "Damn you woman!" Pagtayo ng lalake ay napalingon ito sa bultong nakatayo di kalayuan sa puwesto niya. Kaagad siyang nainis matapos makita ang ngisi sa labi nito. "For the first time again, the well known Racliff was defeated by a woman. Marvelous! Are you getting weak now Or she's just more stronger than you? It must have hurt your ego, Adamovich." Nagtagis ang bagang ng lalake sa narinig. "I will f*****g kill that b***h!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD