Chapter 6

1836 Words
The Beast. Pag pasok ko sa dorm ko ay namangha ako sa naabutan. Masiyado itong malaki para sa isang dormitory na para sa dalawa. May dalawang kwarto at may receiving area na malawak, carpeted ang sahig na kulay itim gayon din ang mahabang sofa. Naka centralized air con din kaya masarap sa pakiramdam na nalalamigan ulit ako ng ganito. Umupo ako sa sofa at isinandal ang aking katawan. Hindi ko alam kung ano ang silid ko sa dalawang pinto kaya't kelangan ko pang hintayin ang makakasama ko rito. Bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng naka-uniporme na puti at itim na palda na hanggang hita lang, naka suot din ito ng medyas na hanggang tuhod at itim na sapatos. Nagulat ito ng makita akong naka-upo sa sofa. "S-sino ka?" Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot, kaya't itinuro ko nalang ang dalawang pinto na nasa kaliwa. Noong una ay naguluhan siya, hanggang sa narealized niya ang ibig kong ipahiwatig. "Ikaw ang roommate ko?" - tanong nito, kaya't kahit isang katangahan ang katanungan niya ay tumango ako. "OMG! Hi uhmmm.. ako nga pala si Marou." - nakangiting pakilala niya. Sa nakikita ko ay mabait naman ang babaeng ito, magiliw din siya sa ibang tao ngunit nakikita ko sakaniyang mata ang pagkailang. "Yohan." - pakilala ko. Pero mukhang hindi yata niya naintindihan ang nais kong sabihin kaya't gumuhit ang napakalaking tandang pananong sa mukha niya. "Huh?" "Pangalan ko." Bigla niyang sinara ang bibig niya at tumango tango ng mabilis. Tinignan ko ang dalawang pinto, alin kaya diyan ang akin? "Nga pala Yohan, yung kwarto mo yung nasa kanan at sa akin yung nasa kaliwa, kung may kelangan ka katukin mo lang ako, okay?" Napatingin ako sakaniya at tumango. Lumapit ako sa pinto at aakmang bubuksan ng makitang wala na naman saraduhan. Bakit ba ganito ang mga pinto dito? May nakita akong asul na pindutan sa gilid kaya't pinindot ko ito. Maya maya ay biglang lumabas na imaheng nakalutang mula rito. Kung tama ako, hologram ang tawag dito sabi nung kaibigan ni Takeo kasi may ganito rin sa bahay niya 'e. "Put your thumb on the screen." Nagulat ako ng magsalita yung hologram. Itinaas ko ang kamay ko at idinikit ang daliri ko sa screen daw. "Fingerprint scanning..." Biglang umilaw ng asul. "Access confirmed. Welcome to your room Ms. Yohan Winchester." Biglang bumukas ang pinto at pumasok ako. Kakaiba talaga ang mga gamit sa lugar na ito. Hindi na ako nagulat sa nakita kong loob ng magiging kwarto ko. Malawak ang silid ngunit isang malaking kama lang ang laman, kasama ang malaking closet, isang lamesa na mayroong upuan na may gulong, ilaw sa tabi ng kama at isa pang pinto sa tapat na sa palagay ko ay ang banyo, carpeted din ang sahig at kulay itim ito, maging ang ilang gamit ay itim o kung hindi ay puti, gusto ko ang silid na ito dahil bukod sa malawak, hindi masakit sa mata tignan. Tumunog ang telepono mula sa maliit na lamesa sa gilid ng kama. Tinungo ko ito at sinagot. ["Ms. Winchester?"] Bakas ang lamig sa naturang boses na ito. Isang babae. Walang emosyon ang boses. Mukhang kilala ko na kung sino ito. "Speaking..." ["I guess you're in your room now. This is the dean of this school, I called you to say that your package are already on the safe vault hidden behind your closet, the password is your fingerprint. Do you have any question or  violent reaction with the room so we may have change it on based on your suggestion..."] Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. "The room is good and it is fine with me. Yes, I have a question." ["I am honored to answer the question, Ms. Winchester."] "Why did you choose her to be my roommate?" Hindi ako tanga at alam ko na sinadya ng dean na ito na makasama ang babaeng ito sa iisang silid. Maraming ideya ang tumatakbo sa isipan ko ngunit sa akin nalamang iyon. Nakarinig ako ng pagngisi mula sa kabilang linya. ["As expected from a Hokkaido princess, as for your question, all I can say is there's always a reason behind."] Sa puntong ito, ako naman ang ngumisi at alam kong maririnig niya iyon. "As expected to a woman like you." Alam ko naman hinding hindi niya masasagot ang katanungan ko dahil tulad ng sinabi ko, iba ang pagkatao niya at nakikita kong marami siyang binabalak. ["I actually like you, but you don't know me yet Yohan Winchester."] Mukhang nasira na ang composure niya at natawag na niya nalang ako sa pangalan ko. Kaya niyang makipag sabayan sa asaran ngunit madali kong nawari na may pagka-pikunin siya na itinatago niya lang sa kaloob-looban niya. Napangisi ako. "Not enough to scare me." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at agad ng binaba ang tawag. Lumapit ako sa malaking aparador ko at binuksan ito. Makikita rito ang marami kong damit na naka sampay samantalang sa ibaba ang mga sapatos ko. Hinawi ako ang mga damit at kaagad kong napansin ang parisukat na hugis sa pader ng aparador. Tinulak ko ng kaonti ang parisukat na ito, sunod ay unti unti itong nagbukas hanggang sa asul na pindutan ang aking nakita, pinindot ko ito at inilagay ang daliri ko sa screen. "Access confirmed. I am honored to take care of your belongings Ms. Winchester, Miyako is the name." Katulad ng sinabi ko, masyadong maluwag ang silid at kakaonti lamang ang gilid. Unti unting bumukas ang sahig at bumungad sa akin ang isang malaking vault na yari sa bakal. Inikot ko ang bukasan at tsaka dahan dahang inangat ang takip nito, napailing ako sa isipang medyo nahirapan ako noong una na iangat ang takip ng vault dahil sa sobrang bigat nito. Napangisi ako ng makita ang loob ng vault. Dumating na nga ang package ko. Gusto kong patayin ngayon ang dean dahil sa nakakadisgustong uniporme na suot suot ko ngayon sa totoo lang. Hindi ko akalaing kelangan kong suotin ito. Sa mga oras na ito, naiilalarawan ko na sa aking isipan kung papaano ko papaslangin ang dean ng paaralang ito. Naka suot ako ngayon ng puting uniporme na naka tuck-in sa palda na kulay itim na halos hanggang kalahati ng hita ko lang, sinuot ko rin ang medyas na hanggang tuhod at ang sapatos na itim na si Takeo ang bumili. Napagawi ang tingin ko sa kulay gold na coat (yung katulad ng uniform sa Hana Yori Dango kaso kulay gold lang, tapos hanggang bewang lang ang sukat. Parang crop top ganon pero syempre coat siya, tapos yung skirt na black ay high waste.) Sinuot ko ito at dinampot ang kulay gold din na neck tie at isinuot ito sa leeg ko. Lumabas ako ng silid bitbit ang itim kong bag na pambabaeng pambabae tignan at nakita ko si Marou na nakaupo sa sofa. Ang kaibahan lang ng uniporme niya ay ang kulay ng coat niya at ang kulay ng neck tie niya, pareho itong puti samantalang sa akin ay parehong kulay ginto. Ibig sabihin scholar siya? Halos lumuwa ang mata niya at malaglag ang panga niya ng makita ang uniporme ko. Bakas ang takot sa kaniyang mga mata. "I-isa kang elite?" - natatakot nitong tugon. "Alam ko ang iniisip mo at wala akong gagawing masama sayo, huwag mo lang akong pakikialam." - tugon ko rito. Hindi na siya nakaimik kayat lumabas nako ng silid. Nakaupo ako ngayon sa silid ng unang magiging klase ko. Naisip kong sa dulo umupo upang hindi agaw pansin ang puwesto at malayo kong napagmamasdan ang mga estudyante na malakas na nagtatawanan habang nagkkwentuhan. Ramdam ko ang prisensya ng bawat isa sakanila at mukhang mahihina ang mga taong naririto. Halo halo ang estudyante, mayroong elites katulad ko, gangster, average student at scholar. Papaano ko nalaman? Dahil sa kulay ng uniporme nila, pero sa silid na ito ay iisa lang ang scholar at iyon ay ang room mate ko. Nakaupo siya sa unahan habang nakayuko, walang ibang pumapansin sakaniya. Majority ng estudyante sa silid na ito ay kabilang sa average student dahil mga naka asul sila, tatlo ang naka silver (gangster), at dalawa lang ang naka kulay ginto, iyon ay yung nasa kabilang dulo na ka-row ko. Napakunot ang noo ko ng hindi maramdaman ang prisensya ng taong nasa linya ko ngunit nasa kabilang dulo. Elite din ito ngunit katulad ko ay tahimik lang din siyang nakaupo roon. Maputi at makinis ang balat niya, pero mukhang mas bata ito sa akin dahil nga sa balat nito. Unti unti nitong inikot pakanan ang ulo niya at malamig na tumingin sa mga mata ko. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sakaniya. Bakit ganoon? Walang emosyon ang mga mata niya at parang may kamukha ang lalaking ito, hindi ko lang mawari kung sino. Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaki na nasa edad bente, naka round glass ito at ramdam ko na isa siyang mabait ngunit istriktong guro. Napatingin ako sa mga babaeng estudyante na biglang naghiyawan at ang iba ay parang bulate na naputulan ng katawan kung gumalaw. Sabagay, gwapo kasi ang gurong ito. Nagsimula itong magturo. Lumipas ang halos kalahating oras ng marahas na bumukas ang pinto at pumasok ang matangkad na lalaki na kulay abo ang buhok. Kaagad tumahimik ang paligid at walang sinoman ang umimik. Ramdam ko ang takot sa mga estudyante ng pumasok ang taong ito. Lihim akong napailing sa prisensyang nararamdaman ko sakaniya. Masyado itong mabigat at mapanganib. Isa siyang elite, hindi siya nakasuot ng coat ngunit kita naman sa neck tie niya na kulay ginto ito. Sigurado ako na hindi basta basta ang taong ito. Kung ang lalaking nasa row ko ay hindi maramdaman ang prisensya, itong lalaking ito ay ramdam na ramdam ko at nakasisiguro akong mapanganib na tao ito, ngunit anopaman ay hindi ako nakararamdam ng takot. Lumapit ito sa puwesto ko ngunit hindi ako nagabalang tumingin. Hinayaan ko lang siya na tumayo sa gilid ko. Sa totoo lang, naiilang ako sa klase ng tingin na ibinabato nito sa akin kahit na hindi ko nakikita. "Move!" - malamig ngunit puno ng otoridad na wika nito. Still, not enough to scare me. Kaagad kong naramdaman ang balak nitong pagumpog sa akin sa lamesa, ngunit hindi ko hahayaang mangyari iyon, bago pa dumapo ang kamay niya sa ulo ko ay agad ko ng iniharang ang braso ko. sa braso ko tumama ang kamay niya, hindi manlang gumalaw ang braso ko mula sa lakas ng impact na pagkakahampas niya, ngunit kahit na ganoon, ramdam ko ang sakit dito. Nahawak niya ako. Hindi ako papayag na ganito. Tumayo ako at matigas na nakipag tinginan sakaniya. Kahit hanggang dibdib niya lang ako, hindi parin ako nakararamdam ng pagkadehado sa pwesto ko. Alam kong nagulat siya sa ginawa kong pagsalag sa kamay niya at sigurado ako ngayon na napapaisip na ito. Hindi ako nakararamdam ng pagka-arogante sa pagkatao niya, mukhang gusto niya lang akong paalisin sa upuan gamit ang dahas niya. "Move or I will kill you." Puno ng pagbabantang pahayag nito. Kinuha ko ang bag ko at umalis sa upuan, ngunit bago pa siya makaupo ay nginisian ko siya na sigurado akong maghahatid sakaniya ng hindi kaaya-ayang pakiramdam. "Be thankful I'm not in the mood to kill an insect." - pahayag ko. Nagpasya akong lumabas na ng silid. Nakatingin parin siya sa akin na parang di makapaniwala sa sinabi ko, mukhang wala na siyang balak gumalaw kayat umalis nako. Nasira ang umaga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD