Short Update Prime Aragon's Hindi ko makalimutan kung paano nagtapos ang eksena namin sa cafeteria. Hindi ko maiwasan mapailing sa reaksyon nilang lahat matapos makilala si Yohan. Grabe, pagtapik palang yung ginawa niya pero natigilan na silang lahat. Kung makikita lang sana ang mga mukha nila kanina, nakakatawa. Pabalik na ako ng dorm dahil malapit lapit narin ang mag curfew ng makita ko si Racliff na naglalakad marahil papunta narin sa dorm niya. Ah, buong araw ko siyang hindi nakita ah? Saan kaya siya nanggaling? Nakita ko siya kanina na umalis at mukhang nagmamadali. Base sa itsura niya, mukha siyang may malalim na iniisip. Teka, bumabagabag ba sakaniya ang sinabi ko? Pero hindi naman siya naniwala sa akin nuong una kahit na nagsasabi ako ng totoo. Ah, siguro naghihinala narin siy

