Ripper Gang Third Person's Nagsisilayuan ang mga estudyante sa tuwing mapapadaan sakanila ang seryong si Racliff na mabilis na naglalakad patungo sa parking lot. Lahat ng naroon ay kaagad nagsialisan matapos makita ang lalaking kulay abo ang buhok na paparating, naglayuan at ang iba ay nagtakbuhan sa takot na sila ay masaktan ng lalake. Kaagad sumakay si Racliff sakaniyang Ashton Martini tsaka mabilis na pinaharurot paalis ng Frontier. Lahat ay nagtataka kung bakit at kung saan tutungo ang binata. Huminto ang sasakyan nito sa isang liblib na lugar na tanging iisang malaking mansyon lamang ang nakatayo. Ang buong paligid ay napaliligiran ng puno at halaman at kung lalakarin pa iyon ay siyang magiging tungo sa kakahuyan, nagiisa ang mansyon sa malawak na kakahuyan sa lugar. Tumayo ito

