Winchester's Thoughts Infernum Mafia, Netherland Base 13:30, 10°c. Yumuko nang bahagya si Lucifer sa harapan ni señor tanda nang mataas nitong pag galang sa matanda. "Pinatawag niyo raw po ako, señor Gustave." Kasalukuyang nagrerecover ngayon si Lucifer nang ipatawag siya ni señor sa mansion. Bilang miyembro nang council, at dahil narin sa mataas nitong pagrespeto sa pinuno nang pinaka makapangyarihang black organization sa mundo, kahit pa ito ay nasa bingit ng kamatayan ay pupuntahan niya ito. "Maupo ka, hijo." Dahan dahan ang naging pag galaw ni Lucifer dahil medyo hindi pa nito masyadong naigagalaw ng maayos ang ilang pinsala sa katawan. Lalo pa itong napuruhan nang nakaharap niya si Raven na katawan ng Triumvirate. "Kamusta ang iyong lagay, hijo?" Paunang katanungan ng matanda.

