Forbidden Tattoo Infernum Mafia, Netherland base Alexxa Aragon My my, it's been a very long time simula nang makatapak ako rito sa mansion na tinuring kong tahanan. Halos walang pinagbago. Pero hindi kompara noon, mas tahimik na ang mansion ngayon. Dati kasi, medyo maingay dahil sa lakas nang pagbabangayan ni Damien at Prime. s**t. Namiss ko ang mga sandaling iyon. Natawa ako sa tatlong reaper na humarang sa akin kanina. Sayang. Akala ko makakapaslang na ako. Bwiset na matandang yon umeksena pa. Those reapers are quite good actually. Mukhang mga baguhan palang sila pero ramdam sa aura nila na hindi rin sila basta. Kumatok ako nang makarating sa tapat ng library ni señor. Well, I came here para mangamusta. Matagal tagal din akong hindi nakadalaw sakaniya. Medyo namiss ko ang uugod ugod

