NAPANGIWI ako sa aking narinig. That's disgusting.
'Yan ang epekto ng gadgets sa mga kabataan. They should limit their screen time and focus on their studies. Reading books is much better.
"Watch your mouth." I said. Itinuro ko pa ang tinidor sa kanyang bibig. "I'm full." Pagkasabi ko niyan ay kaagad akong tumayo at nagpunta sa sala upang hanapin si tita Rose.
Kailangan ko nang umuwi para ireview ang mga lessons na ituturo ko sa anak niya. Pagkarating ko sa living room ay nakita ko siya na nanonood ng tv.
"Tita Rose." I called. Lumingon ito saakin at dali-daling tumayo.
"Why, my Akira? are you leaving already?" She asked. Tumango ako at nagkamot ng batok.
"I need to review some lessons po, para po bukas hehe." Paliwanag ko. Malungkot naman itong tumango.
Anaknam, nagdadalawang isip tuloy ako kung aalis pa ako.
"I see! I will send you off." Hinawakan nito ang aking kamay at sinamahan akong lumabas. "You are really tall!" Hindi parin ito nakakamove-on sa height ko.
"Kumpleto po sa tulog eh." Biro ko. Tumawa naman ito at hinampas ako nang mahina sa may kamay. Nagku-kwentuhan lang kami hanggang sa makarating ako sa aking sasakyan.
Nagpaalam na ako sakanya at sumakay ng aking kotse. Dumaan muna ako sa mall upang bumili ng bagong libro. Natapos ko na kasing basahin ang isa kong libro tungkol sa science.
Sumaglit din ako sa Jollibee para bumili ng fries. My favorite! Kapag nakakakain ako nito ay umaandar nang maayos ang aking utak. Dinamihan ko na ito para hindi ako mabitin.
Pagkatapos dumaan sa mall ay kaagad na akong umuwi sa bahay. Naglinis muna ako ng sarili bago umupo sa aking kama. Bago ko simulan ang pagrereview ay binuksan ko muna ang i********: ko.
20,000 hearts?
Nagulat ako dahil sa likes ng aking kauna-unahang post. Nakasuot ako dito ng isang polo at shorts.
Napailing ako at pinatay na ang aking cellphone. Nagsimula na akong magbasa-basa ng mga lessons. Pagkatapos nito ay nahiga na ako sa kama at natulog.
KINABUKASAN ay maaga akong bumangon at nag-ayos. Ngayon ang unang araw na tuturuan ko si Ran. Hindi ko alam kung kakayanin ko dahil napakatigas ng ulo ng batang 'yon.
Nang makarating ako sa bahay nila ay kaagad akong sinalubong ng mahigpit na yakap ni tita Rose.
Hindi nanaman ako makahinga!
"Goodmorning, Akira! come inside." Hindi paman ako nakakasagot ay kaagad niya na akong hinila papasok ng kanyang bahay.
Naabutan ko sa loob ang wala sa mood na si Ran. Magkasalubong nanaman ang kilay nito at tila bagot na bagot sa buhay.
"Say goodmorning to your ate, Ran." Masayang wika ni tita Rose. Hindi naman ito pinansin ni Ran at nagkunwaring walang narinig.
"It's okay tita." I whispered. Nginitian ko pa ito para hindi niya na kulitin si Ran. Baka sumigaw nanaman yon. Nakakarindi panaman ang boses niya, ang ingay.
Kumain muna kami bago umakyat sa kwarto ng kaniyang anak. Halos kulay itim at puti ang makikita rito. Madilim din at puno ng mga gaming devices.
He really need to limit his screentime.
"Iwan ko na kayong dalawa, pagdadala ko nalang kayo ng pagkain mamaya. Ran, huwag kang pasaway ah. Makinig ka sa ate mo." Suway ni tita sa anak. Labag sa loob namang tumango si Ran.
Pagkalabas ni tita ay kaagad kong inilapag ang aking gamit sa study table na gamit namin. Nang makaupo siya sa upuan ay kaagad akong nagsimulang magturo.
I want to end this as soon as possible.
Sa unang mga oras ay ayos naman siya. Tahimik at nakikinig siya saakin. Pero nang tumagal ay hindi na ito nakikinig.
Kinagat ko ang aking labi dahil sa inis.
"Are you listening, Ran? Stop using your phone please." Pakiusap ko. Mababakas din sa boses ko ang pagkairita.
"I don't want to." Ang tanging sagot niya. Padabog kong ibinaba ang librong hawak ko.
"Please cooperate, I want to leave." Pagmamakaawa ko. Ang hirap talagang turuan ng mga ganitong edad. Mas ayos talagang turuan ang mga elementary students.
Bakit ngaba pumayag ako rito? Ngayon ko tuloy naramdaman ang pagsisisi.
Umirap naman ito saakin at inihinto ang pagccellphone.
"Thank you."
"Faster. End it." s**t! Bakit ganito siya huhu.
Kaagad kong ipinagpatuloy ang aking pagtuturo. Mabilis siyang makamemorize at matuto.
Kung masunurin lang siya at hindi magagalitin ay siguradong mageenjoy pa ako.
Lahat ng tanong ko ay nasasagot niya. Malapit na sana kaming matapos pero biglang nagring ang phone niya.
Nasulyapan ko ang caller.
'Babe'
Oh, he do have a lover. Napatango-tango ako. Hindi na ako magtataka dahil sa ganitong edad nagsisimula ang pagkakaroon ng love interest.
Kailan kaya ako?
Napailing ako sa aking naisip. Never pa kasi akong nagkaroon ng interest sa lalaki. Hindi ko sila gusto. I don't hate them, pero tingin ko ay magkakapareho lang sila.
Average.
No one has ever piqued my interest. Tsaka na siguro, kapag nakakita ako ng lalaking kaiba sa lahat. A man that loves books as much as I do. Hindi yung puro gadgets at games lang.
"Answer it." Tumango pa ako bilang sign na pumapayag ako na sagutin niya ito.
Tumingin muna siya saakin bago niya ito sinagot.
"Hello babe! I miss you!" Bungad ng nasa kabilang linya. Nakaloud speaker ito. Maliit at malambing ang boses ng babae.
Cute voice.
"Hello babe, I miss you too." Malambing na sagot ni Ran. Nakangiti pa ito. Gusto kong matawa dahil hindi ko alam sa may side siya na ganito. Akalain mo yon, meron palang magpapaamo sa tigreng to.
"Let's go shopping together!" Nagp-please pa ito. Mukhang maaga ata akong makakauwi ah. Nice!
"I have a tutor, I cant leave righ no-"
"No, you can. You can go shopping with her." Putol ko sa sinasabi niya. I badly want to go home. Gusto kong matulog at magbasa ng libro.
"Wait a moment." May pinindot ito sa kanyang cellphone bago humarap saakin. Hindi na ito nakangiti katulad kanina.
"Does your mom ever told you that it is rude to interrupt somebody when they're talking to someone?" He said. Napakunot ang noo ko sakanyang sinabi.
"Why are you angry? I already gave you the permission to go with her. Aren't you happy? Besides, I want to go home already." I replied. Irritation was visible from my voice.
"Sayang ang binabayad sa'yo ni mommy. You should teach me! Hindi 'yung sinasabihan mo akong pumunta sa mall for shopping." Napatampal ako sa aking noo. Hindi niya ba alam?
"Your mom doesn't pay me anything. I do this for free." Napabuga ako ng hangin at tumayo.
Inayos ko ang aking mga gamit at linagay lahat iyon sa aking bag.
"Kahit na! Duty ng teacher na turuan ang estudyante, hindi yung hinahayaan niya itong umalis." Patuloy parin ako sa pag-aayos ng bag.
Inalis ko ang aking salamin at ilinagay ito sa lalagyan.
I can't see him right now, so blurry.
"Thank God I'm just a tutor, and not a teacher." 'Yan ang huli kong sinabi bago lumabas sa kanyang kwarto. I don't know why he's acting like that.
He should be happy. Makakasama niya nanga yung girlfriend niya ngayon. He's really weird. I can't read him.
Hinanap ko si tita para sana magpaalam pero wala raw siya sa bahay. Kaya binigyan ko nalang ito ng isang text message at umuwi na. Habang nagmamaneho ay nagring ang aking cellphone.
Sino naman ang tatawag saakin? Tinignan ko kung kanino galing ang call.
"Mom." I whispered.