Volume 1: Chapter 3

1216 Words
Kaagad kong itinapat saaking tenga ang cellphone. "Mom." Bungad ko. "Why did you call?" I asked. "I want you to attend something." Napabuntong hininga ako. Here we go again. "Where?" "At Hangzhou School. You're the chosen guest." "I see. I'll come." "Alright, **きだよあきらちゃん!" I love you, Akira-chan. "Mom! I'm not a kid anymore. I love you too." Tumawa lang ito sa kabilang linya at in-end ang tawag. Napailing nalang ako at natawa sa pang-aasar ni mama. Ganoon talaga siya madalas. Lagi niya akong inaasar tuwing kasama ko siya. She's the best mom ever! Naisip ko ang pagiging guest sa Hangzhou. That was my junior high and elementary school. Doon rin nag-aaral ngayon si Ran. I just graduated 12th grade there and they already invited me as a guest? Nagpunta ako sa mall para bumili ng damit na aking isusuot. I also bought a makeup set and a contact lens with vision corrector. I will practice to fix myself and my style. Medyo nahihirapan narin ako sa glasses ko especially kapag nagbabasa. Medyo nakakasakit ito ng ulo. Pagkauwi sa bahay ay kaagad kong triny ang magmakeup. I thought it was going to be easy, but heck! It was freaking hard. Nakailang ulit pa ako bago ko magaya ang makeup na nasa YouTube tutorial. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. I look really different without my glasses on. Mukha akong isang anime character ngayon. I love it. Bukod sa pagbabasa ng libro, panonood ng anime ang isa sa mga hobbies ko. Doon ko lang kasi nakikita ang mga ideal man na wala talaga sa totoong buhay. Binura ko lahat ang makeup at naghilamos bago natulog. Kinabukasan ay maaga akong nagising at kumain. Kaagad din akong naligo upang makapag ayos. Matagal pala talaga ang magmake up kahit na natural look lang ito. Nagsuot ako ng contact lens at naglagay ng eye liquid. I think I look cute hahaha. Pagkatapos mag-ayos ay dumiretso na ako sa kotse at nagdrive papunta sa bahay nila Ran. Hindi paman ako nakakarating ay pagod kaagad ang nararamdaman ko. Napakakulit kasi ng tinuturuan ko tsk. Ilang minuto rin akong nagdrive hanggang makapunta sa bahay nila tita Rose. Pagkapark ko ng kotse ay kaagad akong bumaba. Nagtataka pa ako dahil walang tita Rose na sumalubong. "Hi po ate, where's tita Rose?" I asked one of the maid. Tinignan ako nito na parang hindi nakilala. "I-ikaw ba yan ma'am Akira?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Hindi ba bagay saakin ang walang salamin? "Yes, it's me." Nginitian ko ito. "Grabe ma'am hindi ko kayo nakilala. Medyo iba po pala ang mukha niyo kapag walang salamin. Maganda na po kayo pero mas lalo po kayong gumanda!" Tingin ko'y namula ang mukha ko dahil sa hiya. I'm not used at getting compliments. Minsan lang ako mabigyan dahil hindi ako pansinin. Masyado raw akong tahimik. "T-thank you po. Do you know where tita Rose is?" I asked again. "Ay si mam po? Umalis po siya kasama si Sir kanina! Pinapasabi po niya na pumasok po kayo." She answered. "Ah ganon po ba? I will go inside na po. Thank you so much!" "Wala po yon mam! Sige po pasok na po kayo!" Yumuyuko pa ito at tinuturo ang pintuan. Nginitian ko ito at pumasok na. Tahimik ang bahay ngayon. Wala rin sa baba si Ran kaya umakyat nalang ako sa taas. Nang malapit na ako sa kwarto niya ay nakita kong nakabukas ito ng kaunti. Kakatok sana ako bago pumasok pero nagulat ako sa aking nakita. Sa maliit na siwang may nakita akong dalawang tao. Ran and his girlfriend? Are they kissing? What the heck? Kaagad akong napaatras at dali-daling bumaba. Parang sasabog ng mukha ko sa hiya. That was my first time seeing people kissed. It looks weird. I was really speechless. What the hell. Ang bata-bata pa nila para gawin yon. "Oh ma'am? Bakit andyan parin po kayo sa baba? Nasa taas po si Sir Ran." Hindi ko namalayan na pumasok na pala ang kanina kong pinagtanungan. "Ah eh! I received a call kaya sinagot ko muna." I lied. Naniwala naman ito at tumango-tango. "Gusto niyo po bang ihatid ko kayo?" Nataranta ako sa sinabi niya. I don't want to go back! Siguradong maaalala ko lang ang nakita ko. I want to go home already. "Ah no no! Hihintayin ko nalang siya dito sa baba." Tumango nalang ito at umalis. Naupo ako sa sofa at napahilamos. s**t! This is gonna be akward. Ilang minuto akong nag-iisip sa sofa bago ako makarinig ng mga taong pababa ng hagdan. Nagtatawanan sila. Pagkababa nila nang tuluyan sa hagdan ay kaagad akong tinignan ni Ran. I see some lipstick smudges oh his lips. Naglilipstick na pala ang mga bata ngayon? Inilihis ko ang tingin sakanya at inilipat ito sa babaeng kasama niya. She looks really beautiful. Kaya pala napapalitaw nito ang sweet side ni Ran. "Who is she, love?" Tanong nito sa kanyang kasintahan. "Nothing, love. She's just my tutor." Wala siyang reaction sa mukha. Pero hindi nito inaalis ang tingin saakin. Parang kinakabisado nito ang aking mukha. "Really? I didn't know na ganito kaganda ang tutor mo! Hi miss!" Mabilis itong lumapit saakin at hinawakan ang aking kamay. "Ah hi?" Gusto kong batukan ang sarili ko dahil halatang-halata na kinakabahan ako. "You're so prettyyy!! May lahi ka? You don't look like a Filipino." She asked. "I'm a Japanese." Lumiwanag ang mata nito. "Wow a Japanese! Do you have a boyfriend?" Ang daldal naman neto. "I don't have. Why?" Tumingin muna ito kay Ran bago tumingin ulit saakin. "Really? But you're really beautiful. Imposibleng wala kang jowa. Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki?" "Itachi." Tila naguluhan ito sa aking sagot. "Si Itachi. Older than me, smart, and hella fine." Natawa pa ako ng kaunti dahil sa tono ng pagkakasabi ko ng fine. "I see! I want to see him." Hindi ba siya nanunuod ng anime? That's sad. "Aren't you going to teach me 'ate'?" Napabaling naman ang tingin namin kay Ran nang magsalita ito. "No, I just came here to see tita Rose. But I guess she's not here so I'm gonna go na." Pagkatayo ko ay nagsalita nanaman ito. "Mom said we do have class today." Matigas nitong sabi. Tumingin ako sa girlfriend nito na ngayon ay nakatingin kay Ran na puno ng pagtatakha. "I have a really important meeting today kaya hindi kita matuturuan." Ayoko rin na makita kayong dalawa. I feel gross. Pagkasabi ko non ay tumalikod na ako at naglakad palabas. Kaagad akong sumakay sa kotse at nagmaneho. Bago ako tuluyang umalis sa bahay nila ay nakita ko pang nakatingin siya sa sasakyan ko. Tinted naman itong kotse ko pero feeling ko ay tumatagos ang tingin niya. Busangot ang mukha nito at tila wala sa mood. Katulad ng reaction niya nang umuwi ako nang maaga. He's really weird talaga. Kapag nandoon ako ay gusto niyang umuwi ako. Pero kapag umuuwi ako ay nagagalit ito. Hindi ko siya maintindihan. Daig niya pa ang babaeng may monthly period sa pagbabago ng mood eh. Mabuti nalang at nalusutan ko sila kanina. Ayoko pang makita silang dalawa. I feel disgusted because of their act. Sinampal ko nang mahina ang pisngi ko. I should focus for tomorrow. Yeah I should focus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD