"WHERE'S Chief?" Tanong ni Ice sa isang katulong ng makapasok sya sa mansion na pagmamay-ari ng lolo nya.
Napangiti ang katulong saka bahagyang yumuko. "Nasa opisina nya po young lady."
Tumango sya saka tinungo ang opisina ng lolo nya. She knocked three times before she open the door. Nakita nya ang lolo nya na nakaupo sa swivel chair habang nagbabasa ng libro.
"Hey Chief." Bati nya dito saka isinara ang pinto.
Napatingin sa kanya ang matanda saka ngumiti. Isinara ang librong binabasa saka tumayo para lapitan sya.
"Miho." Banggit nito sa pangalan nya saka niyakap sya. "How are you?" Iginaya sya nito paupo sa visitors chair. Umupo naman ito sa kaharap nyang upuan.
"I'm okay. How about you?"
"Well, I'm great."
"I see." Tiningnan nya ito ng nagtataka.
Ngumiti lang ang lolo nya. May kakaibang kislap ang mga mata nito. Kita nga nya na okay lang ito at... Masaya? Alam nyang hindi lang ito masaya dahil nagkita sila, may iba pa itong dahilan at 'yon ang pinagtataka nya.
"You look happy Chief. May I know why?" Inu-obserbahan nya ang ekspresyon ng lolo nya.
Tumawa ito. "I am, well it's secret."
Tumikhim sya. "Baka naman may nililigawan ka na kaya ka masaya."
Tumawa ng malakas ang lolo nya saka sya pinalo sa may balikat. Sinamaan nya ito ng tingin ng medyo napalakas ang pagpalo nito sa balikat nya.
"Silly girl. Of course not. Hindi ko ata ipagpapalit ang lola mo."
Napailing sya ng may ngiti sa labi. That's his Chief. Kahit ilang taon ng namatay ang lola nya ay hindi na ito nag-asawa pang muli. Hindi kaya ng lolo nya na ipagpalit ang maganda at mapagmahal nyang lola.
"Anyway, pinapunta kita dito dahil may nakita na akong pwedeng pumalit sayo, pansamantala." May kinuha itong folder sa mesa saka binigay sa kanya.
"Kung okay naman sayo Chief, okay na din sa akin." Ibinalik nya sa mesa ang folder.
"Kailangan mo parin makilala dahil sa bahay mo naman 'yon titira. Sige na, tingnan mo."
"Okay na sa akin kung sino ang mapili mo Chief, and besides ilang araw lang naman ako sa Singapore. I won't stay long there." Nakangiti nyang sabi.
"Ow." Hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya ang lolo nya. "Himala ata na hindi ka magtatagal don." Nagkibit-balikat ito saka sumandal sa upuan. "Sa twing umaalis ka ng bansa, matagal bago ka pa naman umuuwi. Ang pinakamatagal, isang buwan ah."
Natawa saka sya naman ang napakibit-balikat. Ngumiti sya sa lolo nya. "I think I like him Chief."
"Who?" Nagtaka sya ng makitang parang hindi nagulat ang lolo nya pero pinagsawalang bahala nya lang.
"It's Cray Chief." Napabuntong-hininga sya. "I really think I like him Chief."
"Ano bang nararamdaman mo?"
"Masaya ako sa twing nasa paligid ko lang sya. Bumibilis ang t***k ng puso ko sa twing malapit sya sa akin. May nararamdaman akong parang bolta-boltahing kuryente sa twing nagkakadikit ang mga balat namin. I... I don't know Chief. Lahat ng nararamdaman ko para sa kanya, ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko."
Napatingin sya sa lolo nya ng hawakan nito ang dalawa nyang kamay.
"You don't like him Miho." Nagsalubong ang kilay nya.
Hindi nya gusto si Cray? Imposible. Kung hindi nya gusto ang binata, bakit nya nararamdaman ang mga ganitong pakiramdam?
"Cause your in love with him." Mas nagkasalubong ang kilay nya.
"In love? Agad Chief?"
"Yes." Pinisil nito ang kamay nya. "Kasi 'yang mga nararamdaman mo ay sinyales 'yan na mahal mo ang isang tao." Umiling-iling sya. "Sige ganito. Magiging masaya ka ba kapag nalaman mo na may gusto syang iba?"
Natahimik sya sa tanong ng lolo nya. In-imagine nya si Cray na may gustong iba, may kasamang iba, may katawanang iba. Sa mga naisip nya ay bigla syang nakaramdam ng kirot sa puso.
Napahawak sya sa dibdib. Masakit. Sobrang sakit ng naramdaman nya. Nasa isip pa lang nya ang sinasabi ng lolo nya ay sumasakit na ang puso nya, paano pa kaya kapag nakita na talaga ng dalawa nyang mata?
"Hindi ba masakit?" Napatingin sya ulit sa lolo nya. "Masakit kasi mahal mo sya. Alam mo apo, ganyan na ganyan din ang naramdaman ko para sa lola mo. Mahal na mahal ko sya, sobra." Napatitig sya sa lolo nya na nakangiti habang nakatingin sa litrato ng lola nya. "Kaya kahit wala na sya, hindi ko parin sya kayang palitan. You know Miho, walang pinipiling lugar o oras ang pag-ibig. Hindi mo naman kasi pwedeng utosan ang puso mo na magmahal. Kusa 'yang titibok para sa isang tao."
YOU KNOW MIHO, walang pinipiling lugar o oras ang pag-ibig. Hindi mo naman kasi pwedeng utosan ang puso mo na magmahal. Kusa 'yang titibok para sa isang tao.
Ganon ba talaga ang pag-ibig? Walang pinipiling oras o lugar. Napabuntong-hininga sya saka napatingin sa family picture nila. Ito ang huling litrato na nakuha bago mawala ang mga magulang nya.
Mom, dad, tama ba ang sinabi ni Chief na mahal ko si Cray? Mahal ko na ba talaga sya?
Napabuntong-hininga sya. Bakit pa sya nagtatanong sa iba, eh alam naman nya na ang sarili lang naman nya ang makakasagot sa mga tanong nya.
Napatingin sya sa pinto ng may kumatok. "Pasok." Agad syang napangiti ng makita ang binata. "Cray, may kailangan ka?"
"Ahm..." Napakunot-noo sya ng napakamot ito sa batok. "You want to go out for dinner? I... I mean, dinner lang. Ahm, inubos na kasi ng apat ang pang-dinner natin. H-hindi tayo tinirhan."
Napangiwi sya, pakiramdam nya kasi ay hindi talaga 'yon ang dahilan kung bakit gusto sya nitong ilabas pero sasabayan nalang nya. Alam nya kasi na kinakabahan at nahihiya ang binata. Halata kasi sa namumula nitong tenga.
"Okay. Tara na." Tumayo na sya.
Nagulat ang binata sa sinagot nya dahilan para magtaka sya. "Ha? Pumayag ka?" Mas napakunot-noo sya. "I... I mean, oo nga. Tara."
Napailing-iling sya saka naunang lumabas. Nang makababa ng sala ay hindi nya nakita ang apat. Lumingon sya kay Cray.
"Where are they?" Nagtataka nyang tanong habang pinapalibot ang tingin sa sala.
"Nasa kanya-kanya ng kwarto. Tara na."
Napalunok sya ng maramdaman na naman nya ang kuryente ng hawakan sya nito sa siko saka ginaya palabas ng bahay. Pigil hininga syang naglalakad hanggang sa makarating na sila sa sasakyan nito. Pinagbuksan sya ng pinto nito saka inalalayang pumasok.
Nang umikot ito papunta sa kabila ay huminga sya ng malalim. "Relax, relax."
Nang makasakay ito ay tumingin ito sa kanya saglit saka ngumiti bago binuhay ang sasakyan. Tahimik lang sila habang bumabyahe. Napakunot-noo sya ng makita na papunta sa The Palace ang daan na dinadaanan nila.
"Saan ba tayo kakain?"
"Sa The Palace." Napa-'o' sya, so tama nga sya. Doon nga sila papunta.
Hindi na sya umimik pa hanggang sa makarating sila sa restaurant. Gaya ng kanina ay pinagbuksan sya pinto saka inalalayang lumabas.
Nagpasalamat sya dito ng may ngiti. Napatingin sya dito ng hawakan ang kamay nya saka sya ginaya papasok sa restaurant.
"Good evening sir." Bati ng receptionist.
Alam nyang gustong magpa-cute ng babae sa binata pero hindi ito itinuloy ng makita sya. Kilala sya lahat ng stuff dito dahil dito sila madalas kumain ng mga kaibigan nya.
"Good evening. I have a reservation, Cray Sandoval."
"Yes sir. Mike?" May lumapit na isang lalaki dito. "Table for Mr. Sandoval."
Tumingin sa kanila si Mike. "Good evening sir." Nagulat ito ng makita sya. "Good evening boss, I mean ma'am." Ngumiti lang sya dito. "This way, please."
Nauna na itong maglakad saka sila sumunod. Kumapit sya sa braso ni Cray. Hindi naman sya nag-aalala na kumapit sya sa binata dahil wala namang makakakita sa kanila. It's a secret pathway ang dinadaanan nila papunta sa pina-reserve ni Cray.
Alam nya na doon ang punta nila dahil ito din ang daan na dinadaanan nila ng mga kaibigan nya kapag pumupunta sila sa private room para kumain.
"Your food will be here in a minute sir, ma'am." Sabi ni Mike bago sila iniwan.
Pinaghila sya ng upuan ni Cray saka sya pinaupo. Umupo na din sa harapan nya si Cray.
"Si Bolt mismo ang nag-suggest na dito kita dalhin."
Ngumiti sya dito. Kaya pala dito sya dinala ng binata, kakuntyaba pala nito ang mga kaibigan nya. Mukhang pati ang mga ito ay natutuwa sa nangyayari sa buhay nya.
Kung titignan nya ang buong silid ay ibang-iba ito sa nakasanayan nya. It's look a very romantic place. Natatakpan ng wine curtain ang mga bintana kaya mas nagiging romantic sa paningin nya ang lugar. May mga kandila sa bawat sulok nito at may petals sa mesa. It's really look romantic on her.
"So, magkakilala na pala kayo ng mga kaibigan ko."
Nahihiya itong napatango. Napatawa sya ng mahina, hindi nya akalain na ang confident, nagpapakilig sa mga babae na kakilala nilang Cray Sandoval ay mahiyain pala sa personal.
Mas napatawa sya ng takpan nito ang mukha. "Please Miho, don't laugh at me."
"Why?" Natatawa nyang tanong.
"Cause it made me shy."
Mas natawa sya sabay iling. "I'm sorry. Hindi ko lang inaasahan na mahiyain pala ang isang Cray Sandoval."
"Sayo lang naman ako ganito eh." Natahimik sya sa naging sagot nito.
Mukhang nabigla din ito sa sinabi nito dahil malalaki ang mga mata na napabaling ito sa kanya. Bumukas ang bibig nito pero hindi na nakapagsalita ng dumating ang pagkain nila.
"Enjoy your meal sir, ma'am." Sabi nito ng matapos ihanda ang mga pagkain at wine sa mesa nila.
"Let's eat." Tumango sya saka sila nag-umpisang kumain.
Tahimik lang silang kumain. Napansin nyang napapatingin sa kanya amg binata pero sa twing tumitingin sya dito ay iiwas agad ito. Napabuntong-hininga nalang sya.
Mukhang naging awkward ang atmosphere nila dahil sa huling sinabi ng binata. Pati tuloy sya ay hindi nya mapigilan mag-isip kung anong ibig sabihin ni Cray sa sinabi nito kanina.
Napabaling sya sa likod ng may malamyang musika syang narinig. Nakita nya ang isa sa mga musikero ng resto na nagpapatugtog gamit ang violin.
"May I have this dance?" Napatingin sya kay Cray na hindi nya namalayang nasa harap na pala nya.
May ngiti sa labi na tinanggap nya ang kamay na nakalahad dito. Iginaya sya nito sa gitna, napalabi sya ng humawak ito sa magkabila nyang bewang habang sya naman ay nakapulupot ang braso sa batok nito.
"Miho?"
"Hmm?" Napalunok sya ng pag-angat nya ng tingin ay gahibla nalang pala ang layo nila.
Tumikhim ito. "Pwede ba kitang ligawan?"
"Ha?" Wala sa sariling tanong nya.
Para syang nabingi sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso nya. Pakiramdam nya ay hindi na maayos ang tenga nya.
"Ang sabi ko, pwede ba kitang ligawan?" Hindi sya nakasagot. Nakatitig lang sya sa binata na masuyong nakatingin sa kanya. "W-wala ka namang kasintahan 'di ba?" Kinakabahan nitong tanong.
Wala sa sariling napailing sya na ikinangiti ni Cray.
"So, pwede ba?" Tanong ulit nito.
Pwede nga ba? Gusto nya ang binata at masaya sya habang kasama ito. Masaya sya kapag nasa tabi nya ito, napapangiti sya sa isang ngiti lang nito. Ito lang ang lalaking nakapagpasaya sa kanya.
Lihim nyang hinawakan ang dibdib. Dinadama at pinakikinggan kung anong sinasabi ng puso nya. Napangiti sya. Hindi pa man sya sigurado kung mahal nya ang binata, pero sigurado naman sya na gusto nya ito at gusto ng puso nya na pumayag sa gusto nito.
"Yes Cray. You may."
Ngumiti ang binata saka sya niyakap. "Thank you."
Niyakap nya ito pabalik. Sana lang sa desisyon nyang ito ay hindi sya masaktan. Pero hindi na muna nya iyon iisipin, ang iisipin na muna nya ay ang saya na nararamdaman nya kapag kasama nya ang binata.
Basta masaya sya sa pagpayag nya.