Chapter 6

1191 Words
Hindi ito inintindi ni Mayo at tumawa lang. Napangiti sya. Ang saya ng pamilya na meron si Cray. Bigla syang nalungkot. Naalala nya ang mga yumao nyang magulang. Ganito din sila kasaya dati. Napatingin sya kay Cray ng hawakan nito ang kamay nya na nasa ilalim ng mesa. "You okay?" May pag-aalala nitong tanong. "Yeah." Ngumiti sya kaya ngumiti na din ito. Ayaw nyang mag-alala ito sa kanya. "Pasensyahan mo na sila iha, ganyan talaga sila minsan. Mga isip bata." Bumaling sya kay tita May. "Bonding din nila 'yan." Napatingin sya sa tatlong binata na ngayon ay nagbabangayan. Parang may humaplos sa puso nya habang nakikitang naiinis tapos tatawa ang binata. Nakikita nyang masaya ito na kasama ang mga kapatid nito. Kahit kailan ay hindi nya naranasan ang nararamdaman ng binata habang nakikipagtawanan sa mga kapatid. She's the only child of her parents, kaya kahit kailan ay hindi nya mararamdaman ang pagmamahal ng isang kapatid. Don't get her wrong. She have her friend. The five crazy men who were always right there for her. Na kahit hindi sila magkakadugo ay tunay naman na magkakapatid ang turingan nila sa isa't-isa. Pero iba parin talaga ang kadugo mo. "Minsan lang kasi umuwi si Cray dito kaya nami-miss din namin ang batang 'yan. Simula ng sumali sya sa boy band na 'yan ay minsan nalang sya kung umuwi. Lalo na ng sumikat ang grupo nila." Nakikita nya sa mukha ni May ang pagmamahal ng isang ina sa anak. Ganon na ganon din sya tingnan ng mommy at daddy nya noon, noong nabubuhay pa ang mga ito. "Pero kahit na busy sya sa career nya ay hindi naman namin nararamdaman na nagkukulang sya. Nagpapadala sya pera, tumatawag at kung kaya nya ay nakakapunta sya sa mga importanteng okasyon. Gaya nalang ng anniversary namin ng daddy nya." Ngumiti sa kanya ang ginang. Hindi nya maiwasang mapangiti sa ginang. Masyadong mabait at sweet ang ina ni Cray dahilan para mapangiti din sya. Nakakahawa ang ngiti nito gaya ng kay Cray. 'Yong klasi ng ngiti na nakakahawa. Ganon na ganon ang ngiti ng binata. Hindi na sya magtataka kung paano nya napapangiti at napapasaya ang mga fans nito kahit na isang simpleng ngiti lang ang binibigay nito. "Kahit minsan lang namin nakakasama si Cray ay mahal na mahal namin sya. Alam mo, proud na proud ako sa batang 'yan. Kasi bata palang ay pangarap na nya kung saan sya ngayon. I'm just so happy dahil naabot na nya ang mga pangarap nya." Kahit hindi nito sabihin ng ginang ay kitang-kita naman nya sa kislap ng mga mata nito na proud at masaya ito para sa anak. Napatitig sya sa ginang ng hawakan nito ang kamay nya saka pinisil. "Alam mo iha, gustong-gusto kita." Nagulat sya sa sinabi nito. "Gustong-gusto kita para sa anak ko. Kaya sana, maging kayo." "Nako! Mukhang imposible naman po ata 'yan." Nahihiya nyang sabi. "Hindi imposible 'yon iha. Tingnan mo si Cray." Turo nito sa binata. Nakatitig ito sa kanya at ngumiti. Ngumiti sya pabalik dito. "Look at his eyes. Alam ko kahit hindi nya sabihin, may gusto sya sayo." Biglang bumilis ang t***k ng puso nya. Gusto? Si Cray? May gusto sa kanya? Posible ba 'yon? Kakikilala palang nila ay magkakagusto na sa kanya ang binata. "Kilala ko ang batang 'yan at masasabi kong gusto ka nya." Tumingin sya kay tita May. "At nakikita ko din sa mga mata mo na may gusto ka din sa anak ko." "Ho?" Gulat na tanong nya. Sobrang gulat ang naramdaman nya sa nasabi ng ina ni Cray. Sya? Oh great. Really? Tumango ang ginang. "Yes iha. I can see the spark in your eyes." Nahihiya syang ngumiti dito saka napakamot sa kilay. "Paano nyo ba masasabi kapag may gusto ka sa isang lalaki?" Napakurap-kurap ang ginang sa sinabi nya. Nahihiya syang napayuko. Medyo nahihiya sya dahil ilang taon na sya pero hindi nya alam kung paano mo ba malalaman na gusto mo ang isang lalaki. "So you mean, hindi ka pa nagkakagusto sa isang lalaki?" Nahihiya ulit syang umiling. Napasapo ito sa bibig para pigilan ang pagtili. "Oh my God!" Bumubungisngis ito. "Malalaman mo lang na gusto mo ang isang lalaki kapag..." Hindi na natuloy ang sasabihin nito ng marinig nilang mag-ring ang cellphone nya. Kinuha nya at tiningnan kung sino ang tumawag at nagpaalam sya ng makitang Chief nya ang tumatawag. "Excuse me tita." Tumango naman ang ginang. Pumunta sya sa garden at doon sinagot ang tawag. "Chief?" "Where are you?" Bungad sa kanya ng lolo nya. "Wala ka dito sa bahay mo. Tinawagan ko ang secretary mo, hindi ka naman daw pumasok. Tinawagan ko din ang mga kaibigan mo, hindi ka daw nila kasama. Where the hell are you Ice Miho Finn?" Napalabi sya. His lolo will call her full name when her grandpa is worried about her. "Relax Chief." Pagpapakalma nya dito. Naririnig nya ang paghinga nito ng malalim. "Kasama ko si Cray. Sinama nya ako sa pag-uwi nya." "Ow." Rinig nya ang boses nito na may gulat. "So nandyan ka sa bahay nila?" "Yes?" May pagtatanong na sagot nya. "Bakit parang masaya ka?" Narinig nya kasi ang pagbungisngis nito sa kabilang linya. "Wala naman. Nakakapanibago lang." Napahiga sya sa duyan saka napatingin sa langit na puno na ng mga bituin. Hindi nya namalayan na gabi na pala. Kay bilis ng oras. "Yeah?" "Hmm." His grandpa hummed. "Anyway, that's improvement of yours." Napangiti sya. "Yeah." At hindi nya alam kung magiging masaya pa ba sya kapag natapos na ang isang buwan. Magiging masaya pa ba sya kapag umalis na ang mga binata na dahilan kaya maingay ulit ang bahay nya. Magiging masaya pa ba ako kapag umalis na si Cray? "Okay." Pinutol na nya ang tawag at sunod na tinawagan ang lolo nya. Nakaka-tatlong ring palang ay sinagot na ito. "Alam ko na ang sasabihin mo." Bungad sa kanya ng lolo nya. "You still have 2 weeks, so may time pa ako para maghanap ng papalit sayo." "Bakit hindi mo nalang pabalikin ang manager nila?" "I can't. His on vacation right now with his family, remember?" Sinabi pa ng lolo nya na dalawang linggo pa naman sya aalis ay maghahanap ito ng papalit sa kanya. Pansamantala. Babalik din naman agad sya eh. Hindi sya magtatagal don, lalo na't may dahilan sya para umuwi ng maaga. Napatingin sya sa binata na nagsasayaw ng special number nito. It's a sexy dance but not too sexy, tamang-tama lang para patiliin ang mga babae. Mas naa-attract tuloy sya habang sumasayaw ang binata. "Wait, wait. Attract? Me?" Saan nanggaling ang salitang 'yon. Napahawak sya sa dibdib. "Am I having a crush on him? Did I like him already?" Pero parang ang dali lang naman ata. She searches the sign of having a feelings toward to an opposite s*x at ang ilan don ay natutugma sa nararamdaman nya para sa binata. But she's still not sure and there is something on her that its scare her. Paano kapag nasaktan sya? Na sigurado naman syang masasaktan talaga sya. Sa oras na umalis na ang binata ay masasaktan na sya. She's not ready to be hurt. She's scared.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD