GAYA NA ng nakasanayan ni Ice ay nagising sya ng maaga para ipagluto ang mga kasama. Nang matapos nyang linisin ang sarili ay agad syang bumaba saka tinungo ang kusina. Bahagya syang nagulat ng bumungad sa kanya si Kaiden na naghihiwa ng mga gulay nang makapasok sya.
"Good morning." Bati nya dito para makuha ang atensyon nito.
Umangat ito ng tingin sa kanya saka ngumiti. Gaya nya ay minsan lang din ito ngumiti at tahimik din. Gaya ng ekpresyon ni Cray sa kanya ay may pagka-masungit ang una nyang tingin dito. Akala nya snober ito but she was wrong.
Mabait ito saka maalaga, sadyang hilig lang nito ang katahimikan.
"Good morning." Bumalik ito sa paghihiwa. She's impress nang makita nya ang husay nito sa paghiwa ng gulay. "Ang aga mo ata nagising."
"Sisihin mo ang lolo ko." Kumuha sya ng tasa saka nagtimpla ng kape.
Natawa si Kaiden sa sinabi nya. "Ginigising ka pala ni CEO Finn para sa amin. Sorry for that. Mukhang nakakaabala na ata kami sayo."
"Nah, your not." Umupo sya sa harap nito. "And beside gumising talaga ako ng maaga para ipagluto kayo ng agahan." Tumingin si Kaiden sa kanya. "Sana." Bahagya syang ngumiti dito. "But here you are."
Hindi nya alam kung bakit ang bilis nyang makangiti sa binata. Siguro ay dahil pareho silang hindi palangiti. Mabilis ngumiti sa taong kagaya mong hindi palangiti.
"Sorry." Nilagay nya sa pinggan ang carrots na tapos na nyang hiwain. "Nahihiya na kasi ako sayo. Lagi nalang ikaw nagluluto ng agahan namin." Ngumiti lang sya dito. "Medyo sanay na kasi ako na pinagluluto ang apat na 'yon."
"Ikaw ang kuya?"
"No." Kinuha nya ang kamatis saka ito naman ang hiniwa. "Si Jace talaga. Ako lang ang taga-luto."
"Ow." Humigop sya ng kape. "Ikaw ang chef nila."
Nagkibit-balikat ito. "Sort of."
"You want me to help?"
Umiling ito. "No need. Let me cook for all of us."
"Okay." Hindi na sya umangal. Gusto din nya tikman kung gaano kasarap magluto ang isang Kaiden Miller na isang idol, na kinatitilian ng mga babae.
Nakaupo habang umiinom ng kape habang nakatingin sa ginagawa ni Kaiden. 'Yon ang ginawa nya habang nagluluto ito. She's impress. Hindi lang sa paghihiwa ito magaling, magaling din itong humawak ng kutsilyo at sa pagluto. The way ito magluto ay napakalinis ng galaw.
Kung hindi nya lang kilala ito bilang idol ay iisipin nyang isa itong chef. Magaling na chef.
"Mahilig ka bang magluto?" Hindi na nya napigilang tanongin ito.
"Yeah." Sagot nito habang naglalagay ng pampalasa sa niluto. "Actually, I graduated HRM."
"Really?" Hindi na sya nagulat sa sinabi nito.
Halata naman kasi sa galaw nito sa pagluluto. Hindi na din nakapagtataka kung bakit ito ang taga-luto ng grupo.
"Hmm-hmm."
"Then, why did you become an idol?" Curious nyang tanong.
"Is this an interview?" Biro nito.
Nagkibit-balikat sya. "If you want to. I can get a ballpen, notebook and a camera na din para kompleto."
Natawa ito sa sinabi nya. "Hindi na kailangan."
Tinikman nito ang niluto saka pinahinaan ang apoy sa stove. Umupo ito sa harapan nya.
"Well, I really love cooking kaya ito ang kinuha kong course. Then one day, humihingal na pumunta ng bahay ko ang apat at sinabi sa akin na sasali daw sila sa Idol audition."
"Sila? So, hindi ka kasama?"
"Yeah. Tapos ang mga gago, sinali pala ako. Then there, we debuted together. Napamahal na din kasi ako sa ginagawa ko. Masaya ang mga kaibigan ko at nakapagpapasaya ako ng mga tao. 'Yon naman ang importante sa pagiging Idol di ba?"
"Yeah."
Magtatanong pa sana sya ng pumasok na ang apat. Tamang-tama naman na luto na ang niluto ni Kaiden.
"Good morning Ice." Bati nina Jace, Archer at Asher.
"Good morning." Balik bati nya.
"Good morning Miho." Natahimik ang apat sa sinabi ni Cray.
"Good morning Cray."
"Miho?" Nagtatakang tanong ni Asher saka palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Cray.
"That's my second name." Kibit-balikat nyang sagot saka binuksan ang laptop para tingnan na naman nya ang mga e-mail nya.
"Ow." Napataas-kilay syang napatingin kay Archer dahil sa uri ng tono nito. "So, close na kayo."
"Well, nagkausap lang kami kagabi then he asked me if he can call me with my second name. That's all." Tinaasan nya ng kilay si Archer. "Is there anything wrong about that?"
"No." Umuling-iling ito. "Nothing." Tumingin ito kay Cray. "So, we can call you Miho too?"
"Of course." Si Cray na ang sumangot. Ngumiti ito kay Archer saka sinamaan ng tingin. "You can't."
"Oh! I smell some jealousy in the kitchen." Nilagyan ng ulam ni Cray ang bibig ni Asher.
"Kumain ka na nga. Gutom lang 'yan, kaya kung ano-ano 'yang sinasabi mo."
Napailing nalang sya sa inasta ng mga ito.
***
DAHAN-DAHAN na iminulat ni Ice ang mga mata saka napahikab. She's still sleepy, so that's what she did. Pinikit nya ang mga mata at hinayaan ang sarili na lamunin sya ng antok.
Nagising sya ulit ng makaramdam sya ng mainit sa bandang paa nya. Napatingin sya sa bintana. Napaupo at napasandal sya sa head board saka inayos ang buhok na medyo magulo. Napatingin sya sa orasan.
"Tanghali na pala. I over sleep." Tumayo na sya saka nilinis ang sarili.
Nang matapos ay bumaba na sya sa kusina para kumain. Nakaramdam na kasi sya ng gutom. Napakunot-noo sya ng makita si Cray sa kusina na naghahanda ng pagkain. Hindi sya napansin nito sa sobrang atensyon na binibigay nito sa paghahanda.
Lumapit sya sa ref saka kumuha ng malamig na tubig. Humarap sya sa binata. Nakatingin na ito sa kanya at ngumiti pa.
"Bumaba ka na din." Inilagay nito ang kutsara't tinidor sa plato. "Kumain na tayo."
Lumapit na sya sa upuan saka umupo. Hindi na sya nakaimik ng pagsilbihan sya nito. Ito na ang naglagay ng ulam at kanin sa plato sya. Napataas-kilay sya ng makitang madami itong nilagay na pagkain sa plato nya.
"Hey-hey." Pigil nya dito para mapahinto ito. "Okay na. May balak ka atang patabain ako eh."
Napatingin ito sa plato nya at nahihiyang napangiti.
"Sorry. Baka kasi gutom ka." Napakamot ito sa kilay. "Hindi ka pa naman nag-agahan."
Napangiti sya. "So, you cared about me?" She teased him. Napatawa sya ng mamula ang mukha nito. "Just kidding." Tumitig ito sa kanya kaya nginitian nya ito. "Let's eat."
Tumango ito. Tahimik silang kumain hanggang sa matapos. Ito na ang nagpresenta na linisin ang pinagkainan nila kaya ang ginawa nya ay dating gawi na naman. Harapin ang laptop saka basahin ang mga e-mail.
Nang matapos si Cray sa ginawa nitong paglilinis ay umupo ito sa kaharap nyang upuan. Napatingin sya dito saglit bago bumalik sa laptop ang atensyon.
"Nasaan na pala ang apat?" Tanong nya habang nagbabasa.
"Umuwi sa mga bahay nila."
Napatango-tango sya saka tumingin kay Cray. "Eh ikaw? Bakit hindi ka umuwi sa inyo?"
"Wala kang kasama dito kaya nagpaiwan ako." Tiningnan nya ito ng taimtim. "Bakit?"
"You need to go home. Minsan lang kayo umuwi sa mga pamilya mo. And besides," tumingin ulit sya sa laptop. "Sanay akong mag-isa."
Bahagya syang napaangat mula sa kinauupuan dahil sa gulat ng hampasin nito ang mesa.
"Hindi pwede 'yan!" Malalaki ang mga mata na nakatingin sya kay Cray na nakatayo. "Simula ngayon hindi ka na pwedeng mag-isa! Ngayon na nandito na ako, pinapangako ko, hindi ka na mag-iisa kahit kailan! Kahit saang sulok ka pa ng mundo pumunta sasamahan kita."
***
HINDI ALAM ni Ice kung paano sya napasakay ni Cray sa sasakyan nito at ngayon papunta na sila sa bahay ng binata. Ayaw man nyang aminin ay medyo kinakabahan sya. Hindi na nya mabilang kung ilang beses na syang bumuntong-hininga para pakalmahin ang sarili.
Kinakabahan ba sya dahil ito ang unang beses na pupunta sya sa bahay ng binata? Hindi naman kasi sya kinakabahan kapag pumupunta sya sa bahay ng mga kaibigan nya. Kailan nya lang nakilala ang binata at ngayon ay pupunta na sya sa bahay nito at makikilala nya ang pamilya nito.
Napatingin sya sa binata ng hininto nito ang sasakyan saka sya napatingin sa paligid. Bumungad sa kanya ang isang magandang tanawin.
"We're here." Bumaba na ito sa sasakyan.
Napatingin sya sandali sa kamay ni Cray na nakalahad sa kanya ng buksan nito ang pinto. Kinuha nya ito saka bumaba.
Napatingin sya sa paligid at namangha sa sobrang ganda ng lugar. Simple lang ang bahay at mas gumanda ito dahil sa garden. Maraming bushes, iba't-ibang bulaklak at ang bermuda grass. May dalawa ding malalaking puno sa gitna nito at may duyan.
"Ang ganda." Wala sa sariling sabi nya.
Napapikit sya ng humangin. Kahit ang hangin ay magaan sa pakiramdam. Mas masarap ang simoy ng hangin dito kaysa sa lungsod.
"Salamat." Nakangiting sabi ni Cray. "Si mama ang nag-alaga ng lahat ng 'yan." Pagkukwento nito habang nakatingin sa garden. "Hindi kasi pinagtatrabaho ni papa si mama kaya ang garden na 'to ang pinagkalibangan nya."
Napatingin sya kay Cray na nakangiti habang nakatingin sa mga halaman. Para itong may magandang alaala na binabalikan sa isip nito. Sa ngiti nito ay masasabi nyang maganda at masaya ang kinalakihan nito.
"Si papa lang ang nagtatrabaho para sa amin. Ayaw nyang pagtrabahuin si mama dahil sabi ng papa ko, ang babae dapat minamahal at nire-respito. Kailangan ituring na reyna, dapat pinagsisilbihan." Tumingin ito sa kanya. "Kaya kung ako ang mag-aasawa, hinding-hindi ko hahayaan na magtrabaho sya. Ako ang magtra-trabaho para sa amin at para sa magiging pamilya natin."
"Ha?" Para kasing natin ang sinabi nito.
Hindi nya lang sigurado kung 'yon ba talaga ang narinig o napaglaruan lang sya ng pandinig nya. Pero bago pa sya makasagot ay may narinig na sila na isang tili.
"Cray, baby!" Tumakbo ang isang babaeng maganda pero medyo may edad na.
Tingin pa lang nya ay masasabi na nyang ina ito ng binata. Medyo magkahawig kasi ang mga ito.
Bahagya syang umatras ng malapit na ang babae. Tama nga sya sa naisip, inamba agad ng yakap ng ginang ang binata. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan.
"Mom naman. Bakit ka ba tumakbo? Paano kung nadapa ka?" Sermon nito sa ina.
Kahit nanirmon si Cray ay niyakap parin nito ng mahigpit ang ina. Napalabi sya, halatang-halata sa binata na alagang-alaga nito ang ina.
"Na-miss kita anak." Natawa sya ng pugpugin ng ina nito ng halik ang mukha ni Cray.
"Mom." Napalabi sya ng tumingin sa kanya ang binata, animo'y nahihiya sa inakto ng kanyang ina. "Nakakahiya." Bulong nito sa ina pero rinig naman nya.
Nanlaki ang mga mata ng ginang ng makita sya. Napangiwi sya sa inakto nito. Nakakatakot ba ang itsura nya para ganon ang maging reaksyon nya?
"Oh my god!"
"Mom!" Sita ni Cray sa ina nya ng tumili ito.
Nagulat sya ng yakapin sya nito. She feel awkward by hugging someone she just meet right now. Napakurap-kurap sya ng sapuin nito ang buo nyang mukha.
"Ang ganda-ganda mo iha. Oh my god!" Napatingin sya kay Cray. Cray just mouthed sorry and she just nodded to say 'it's fine'. "Girlfriend ka ba ng anak ko iha?"
"Ho?"
Bahagya itong tumampal sa hangin na ikinangiti nya. The gesture was cute on her.
"I'm sorry. That was rude of me. What's your name iha?"
"Ice Finn is the name ma'am." Pormal nyang pakilala sa sarili.
"Call me tita. Napaka-pormal mo naman. Anyway, girlfriend ka ba ng anak ko?"
Bago pa sya makasagot ay tumabi si Cray sa kanya at inakbayan sya. "Mom! Nakakahiya. Isa pa, dito talaga kayo magkukwentohan? Pwede naman sigurong sa loob, di ba?"
"Oh sorry. Tara, tara. Pasok ka sa munting bahay namin."
Nauna na itong pumasok sa bahay saka sila sumunod dito. Tumabi ng paglakad si Cray sa kanya.
"Sorry talaga kay mommy ha? Masyado kasi syang energetic and," napakamot ito sa batok na animo'y nahihiya. "Ito kasi ang unang beses na may dinala akong babae sa bahay namin."
Nakaramdam sya ng saya dahil sa sinabi nito. Masaya sya dahil sya ang unang babae na dinala nito at ito din naman ang unang beses na sumama sya sa isang lalaki, maliban sa mga kaibigan nya. Then they are even.
***
"SAAN PALA kayo nagkakilala nitong kapatid ko Ice?" Tanong sa kanya ng nakakatandang kapatid ni Cray na si Charlie.
Kanina ng makapasok sila sa bahay nito ay isa-isa syang pinakilala sa parte ng pamilya ni Cray. Nakilala nya ang ina nito na si tita May, ang ama naman nito na si tito Cross. Ang nakakatanda nitong kapatid na si Charlie kasama ang girlfriend na si Lisa at ang nakababatang kapatid nito na si Mayo.
Lahat sila ay lalaki. Si Cray at Charlie ay kamukha ni tito Cross, samantalang si Mayo ay kamukha ni tita May.
"Kuya!" Saway ni Cray sa kapatid at pinandilatan ng mata.
Tumawa lang ang kapatid nya. "What? Nagtatanong lang eh."
"It's okay." Tango nya kay Cray. "My grandfather are the CEO of WoodBand Entertainment, the company who are handling their band." Turo nya kay Cray. "Pinakiusap sa akin ni Chief kung pwede ako muna ang bahala sa kanila habang nandito sila sa Pilipinas. Chief introduce me to them."
Napatingin sya kay Cray ng maramdaman nya ang titig nito. Hindi nya mabasa kung anong emosyon ang dumaan at bigla nalang nawala sa mukha ng binata. Ngumiti ito sa kanya.
"Hindi talaga kayo magsyota ni kuya?" Bumaling sya kay Mayo at umiling. Ngumiti ito ng malapad. "So, pwede kitang ligawan? - Ow! Kuya!"
"Tumigil ka!" Pinandilatan ni Cray si Mayo ng mata.
"Asus! Nagseselos si kuya."
"Sabi ng tumigil ka!" Inamba nito ng tinidor si Mayo.
Hindi ito inintindi ni Mayo at tumawa lang. Napangiti sya. Ang saya ng pamilya na meron si Cray. Bigla syang nalungkot. Naalala nya ang mga yumao nyang magulang. Ganito din sila kasaya dati.
Napatingin sya kay Cray ng hawakan nito ang kamay nya na nasa ilalim ng mesa.
"You okay?" May pag-aalala nitong tanong.
"Yeah." Ngumiti sya kaya ngumiti na din ito. Ayaw nyang mag-alala ito sa kanya.
"Pasensyahan mo na sila iha, ganyan talaga sila minsan. Mga isip bata." Bumaling sya kay tita May. "Bonding din nila 'yan."
Napatingin sya sa tatlong binata na ngayon ay nagbabangayan. Parang may humaplos sa puso nya habang nakikitang naiinis tapos tatawa ang binata. Nakikita nyang masaya ito na kasama ang mga kapatid nito.
Kahit kailan ay hindi nya naranasan ang nararamdaman ng binata habang nakikipagtawanan sa mga kapatid. She's the only child of her parents, kaya kahit kailan ay hindi nya mararamdaman ang pagmamahal ng isang kapatid.
Don't get her wrong. She have her friend. The five crazy men who were always right there for her. Na kahit hindi sila magkakadugo ay tunay naman na magkakapatid ang turingan nila sa isa't-isa. Pero iba parin talaga ang kadugo mo.
"Minsan lang kasi umuwi si Cray dito kaya nami-miss din namin ang batang 'yan. Simula ng sumali sya sa boy band na 'yan ay minsan nalang sya kung umuwi. Lalo na ng sumikat ang grupo nila."
Nakikita nya sa mukha ni May ang pagmamahal ng isang ina sa anak. Ganon na ganon din sya tingnan ng mommy at daddy nya noon, noong nabubuhay pa ang mga ito.
"Pero kahit na busy sya sa career nya ay hindi naman namin nararamdaman na nagkukulang sya. Nagpapadala sya pera, tumatawag at kung kaya nya ay nakakapunta sya sa mga importanteng okasyon. Gaya nalang ng anniversary namin ng daddy nya."
Ngumiti sa kanya ang ginang. Hindi nya maiwasang mapangiti sa ginang. Masyadong mabait at sweet ang ina ni Cray dahilan para mapangiti din sya. Nakakahawa ang ngiti nito gaya ng kay Cray. 'Yong klasi ng ngiti na nakakahawa. Ganon na ganon ang ngiti ng binata.
Hindi na sya magtataka kung paano nya napapangiti at napapasaya ang mga fans nito kahit na isang simpleng ngiti lang ang binibigay nito.
"Kahit minsan lang namin nakakasama si Cray ay mahal na mahal namin sya. Alam mo, proud na proud ako sa batang 'yan. Kasi bata palang ay pangarap na nya kung saan sya ngayon. I'm just so happy dahil naabot na nya ang mga pangarap nya."
Kahit hindi nito sabihin ng ginang ay kitang-kita naman nya sa kislap ng mga mata nito na proud at masaya ito para sa anak. Napatitig sya sa ginang ng hawakan nito ang kamay nya saka pinisil.
"Alam mo iha, gustong-gusto kita." Nagulat sya sa sinabi nito. "Gustong-gusto kita para sa anak ko. Kaya sana, maging kayo."
"Nako! Mukhang imposible naman po ata 'yan." Nahihiya nyang sabi.
"Hindi imposible 'yon iha. Tingnan mo si Cray." Turo nito sa binata. Nakatitig ito sa kanya at ngumiti. Ngumiti sya pabalik dito. "Look at his eyes. Alam ko kahit hindi nya sabihin, may gusto sya sayo."
Biglang bumilis ang t***k ng puso nya. Gusto? Si Cray? May gusto sa kanya? Posible ba 'yon? Kakikilala palang nila ay magkakagusto na sa kanya ang binata.
"Kilala ko ang batang 'yan at masasabi kong gusto ka nya." Tumingin sya kay tita May. "At nakikita ko din sa mga mata mo na may gusto ka din sa anak ko."
"Ho?" Gulat na tanong nya.
Sobrang gulat ang naramdaman nya sa nasabi ng ina ni Cray. Sya? Oh great. Really?
Tumango ang ginang. "Yes iha. I can see the spark in your eyes."
Nahihiya syang ngumiti dito saka napakamot sa kilay. "Paano nyo ba masasabi kapag may gusto ka sa isang lalaki?"
Napakurap-kurap ang ginang sa sinabi nya. Nahihiya syang napayuko. Medyo nahihiya sya dahil ilang taon na sya pero hindi nya alam kung paano mo ba malalaman na gusto mo ang isang lalaki.
"So you mean, hindi ka pa nagkakagusto sa isang lalaki?" Nahihiya ulit syang umiling. Napasapo ito sa bibig para pigilan ang pagtili. "Oh my God!" Bumubungisngis ito. "Malalaman mo lang na gusto mo ang isang lalaki kapag..."
Hindi na natuloy ang sasabihin nito ng marinig nilang mag-ring ang cellphone nya. Kinuha nya at tiningnan kung sino ang tumawag at nagpaalam sya ng makitang Chief nya ang tumatawag.
"Excuse me tita." Tumango naman ang ginang. Pumunta sya sa garden at doon sinagot ang tawag. "Chief?"
"Where are you?" Bungad sa kanya ng lolo nya. "Wala ka dito sa bahay mo. Tinawagan ko ang secretary mo, hindi ka naman daw pumasok. Tinawagan ko din ang mga kaibigan mo, hindi ka daw nila kasama. Where the hell are you Ice Miho Finn?"
Napalabi sya. His lolo will call her full name when her grandpa is worried about her.
"Relax Chief." Pagpapakalma nya dito. Naririnig nya ang paghinga nito ng malalim. "Kasama ko si Cray. Sinama nya ako sa pag-uwi nya."
"Ow." Rinig nya ang boses nito na may gulat. "So nandyan ka sa bahay nila?"
"Yes?" May pagtatanong na sagot nya. "Bakit parang masaya ka?"
Narinig nya kasi ang pagbungisngis nito sa kabilang linya. "Wala naman. Nakakapanibago lang."
Napahiga sya sa duyan saka napatingin sa langit na puno na ng mga bituin. Hindi nya namalayan na gabi na pala. Kay bilis ng oras.
"Yeah?"
"Hmm." His grandpa hummed. "Anyway, that's improvement of yours."
Napangiti sya. "Yeah."
At hindi nya alam kung magiging masaya pa ba sya kapag natapos na ang isang buwan. Magiging masaya pa ba sya kapag umalis na ang mga binata na dahilan kaya maingay ulit ang bahay nya.
Magiging masaya pa ba ako kapag umalis na si Cray?