CHAPTER SIX

1142 Words
Nagkalat ang mga gamit sa loob ng kwarto ni Leticia. Basag ang isang vase sa sahig. Nakatabingi ang mga upuan. Parang dinaanan ng bagyo ang buong silid. Nakatayo si Leticia sa gitna ng kwarto—magulo ang buhok, nanginginig ang kamay, namumula ang mga mata. “Hindi ko kailangan ng psychiatrist!” sigaw niya. “Hindi ako baliw!” Napaatras ang isa sa mga katulong sa takot. “Nakita ko siya!” dagdag ni Leticia, halos mabaliw na ang boses. “Nakita ko si Alejandra!” Tahimik ang paligid. “Palagi ko siyang nakikita…” bulong niya, pero mas nakakatakot ang tono. “Nakatayo siya, nakatingin sa akin…” Napahawak siya sa ulo niya. “She’s not dead… she’s not dead…” Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Hugo. Madilim ang mukha habang nakatingin sa ina. “Enough,” malamig niyang sabi sa ina. Napalingon si Leticia sa kanya. “Nandito siya, Hugo!” sigaw niya habang tinuturo ang isang sulok ng kwarto. “Hindi mo ba siya nakikita?!” Napatingin si Hugo sa tinuturo niya. “Stop it, Ma,” sabi niya, mas matigas ang boses. “There’s no one there.” “Meron!” sigaw ni Leticia. “Nakatayo siya diyan! Nakatingin sa akin!” Lumapit si Hugo sa kanya at hinawakan ang balikat niya. “You need help,” sabi niya sa ina. Tinabig ni Leticia ang kamay niya. “Hindi ako baliw!” sigaw niya. “Hindi ako baliw! Kung ano-ano na ang sinasabi mo. You're hallucinating. Pati sarili mo ay napapabayan mo na. Kailangan mo ng tulong. Kailangan mong gumaling, okay? Hindi pwede na palagi kang nagwawala. Darating ang psychiatrist. And you will cooperate. Mapapagaling ka niya.” Umiling si Leticia. “No! Ayoko! Hindi ko kailangan ‘yon!” “Hindi malalaman ng mga tao kung yun ang iniisip mo. This stays inside the house.” Napahawak si Leticia sa dibdib niya, nanginginig. “Hindi ako baliw…” paulit-ulit niyang bulong. Napailing si Hugo..Pagkalabas niya ng kwarto, agad niyang tinawag ang isang tauhan. “Make sure everything is ready,” utos niya. “I want that psychiatrist here as soon as possible at kung maaari, walang makakaalam nito, okay?” “Yes, sir.” Huminto siya sandali. “No leaks.” Tumango ang tauhan at umalis. Sa loob ng kwarto, naiwan si Leticia pero unti-unti siyang napatingin sa salamin. At sa likod ng sarili niyang repleksyon parang may aninong nakatayo. Napasinghap siya. “Hindi…” bulong niya. Mabilis siyang napalingon. Walang tao…Pero sa isip niya nandun pa rin. Nakatingin sa kanya. Naghihintay. At sa bawat segundo, mas lumalalim ang takot niya. Dahil kahit pilit niyang ikinukumbinsi ang sarili, hindi siya sigurado kung guni-guni lang ba iyon… o bumalik na talaga —-si Alejandra. Kung kinakailangan niyang hukayin ang pinaglibingan niya kay Alejandra ay gagawin niya. Hindi siya pwedeng maisahan ng babaeng yun. Isa pa rin siyang Gallarzo. *********************** PUNONG-PUNO ng tao ang burol. Mula sa labas hanggang loob ng chapel may media, may mga kilalang personalidad, may mga taong nakikiramay. Sa gitna ng lahat ay nakatayo si Hugo. Naka-itim. Maayos ang itsura. Namumula ang mata na parang pagod sa pag-iyak. Isang “ulirang asawa” sa paningin ng lahat. “Stay strong, Congressman,” sabi ng isang bisita habang kinakamayan siya. “Thank you,” sagot niya, mahina ang boses. “She meant everything to me.” Sa harap, naroon ang urn. Wala nang bangkay. Dahil nasunog ang katawan ni Alejandra ng sumabog ang sasakyan at agad niyang ipinacremate. Tahimik na nakamasid ang media. Perpekto ang eksena. Malinis ang lahat ng kasinungalingan ni Hugo.. Walang bahid. Biglang nagkaroon ng bahagyang kaguluhan sa likod. May paparating. Napalingon ang ilan. At doon nakita niya si Levi—naka-wheelchair. May benda ang katawan. Maputla ang mukha. Pero matalim ang tingin sa kanya. “Sir, dahan-dahan po,” sabi ng nurse kay Levi pero hindi siya nakikinig. Diretso ang tingin niya kay Hugo. Kung nakakatayo lang siya, ito ang ipapasok niya sa urn. Napahinto si Hugo ng makita si Levi. Saglit pa itong nagulat. Isa pa, alam ng buong bayan nila na si Levi ay ex ng asawa niya. Kung makakabuga lang siya ng apoy ay nabugahan niya na si Levi..Pero agad niyang inayos ang mukha niya. “Levi…” sabi niya, parang nagulat pero may halong awa kunwari dahil sa sinapit nito. Dahan-dahang nilapit si Levi sa kanya. Hindi niya kayang itulak ang sarili niya nang maayos, pero sapat para makarating. Tahimik ang paligid, tila nakikiramdam ang ilang bisita. Maraming nakatingin. Pero ang usapan nila ay pabulong. Hinintay ni Hugo na makalapit sa kanya si Levi. “Ang kapal din ng mukha mo ano…” mahina pero matalim na sabi ni Levi. Ngumiti ng bahagya si Hugo. “Na magpakita sa burol ng asawa ko,” dagdag ni Levi, nanginginig ang boses sa galit. “Excuse me?” sagot ni Levi, pabulong din. Bahagyang tumigas ang panga ni Hugo. “She was my wife, iginalang mo man lang sana ang libing ng asawa ko,” sagot niya. Napangisi si Levi. “Mas makapal ang mukha mo,” bulong niya. “Umiiyak ka pa na akala mo apektado ka.” Sandaling natahimik si Hugo. Nakatingin lang siya kay Levi. “Samantalang ikaw naman talaga ang pumatay,” dagdag ni Levi. Tumalim ang tingin ni Hugo. “Careful,” mahina niyang sabi. “You’re in no position to accuse anyone.” Napahigpit ang hawak ni Levi sa armrest ng wheelchair. “I know what you did,” bulong niya. “Kilalang-kilala kita Hugo. Maamoy pa lang kita, alam ko ng kapatid mo si satanas..” “And what can you prove?” sagot ni Hugo. “You think this ends here?” dagdag ni Levi. Bahagyang ngumiti si Hugo. “It already did,” sagot niya. “She’s gone.” Napatingin si Levi sa urn. Saglit. May kirot sa mata niya. Pero bumalik agad ang galit para kay Hugo… “You’re wrong,” sabi niya. Napatingin si Hugo sa kanya. “This isn’t over. Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Alejandra.” Nagkatinginan silang dalawa. Dalawang lalaking parehong may galit, pero magkaiba ng paraan ng laban. “Then try,” sabi ni Hugo, bahagyang yumuko para mas marinig. “But next time… make sure you can actually stand.” Napangiwi si Levi. Pero hindi siya umatras. “I don’t need to stand…” sagot niya. “Para pabagsakin ka. Siguro naman nabalitaan mo na ang na-raid ninyong pasugalan? Nagawa ko hindi ba? Kahit pa lumpo ako.” Sandaling natahimik si Hugo. “Damn you, Levi.” “f**k you, Hugo. Nagsisimula pa lang ako. Akala mo ba makakabawi pa kayo? Walang-wala na kayo at sisiguraduhin ko na walang matitira sayo,” ani pa Levi. Kulang na lang ay sipain ni Hugo si Levi pero pinigilan niya ang sarili.. Kailangan niyang magtimpi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD