Matapos ang ilang oras ng usapan, unti-unting gumaan ang pag-uusap nila na para bang matagal na silang magkakilala. Magaan ang pakiramdam ni Denise sa lalaki. Isa pa, siguro naman matatakot ito sa kanya kapag binastos siya nito lalo na at magaling siyang humawak ng baril.
“You’re interesting,” sabi ni Abraham habang nakasandal sa upuan.
Napatingin si Denise sa kanya, bahagyang ngumiti. “That’s not something I hear often.”
Napangisi si Abraham.
“Then people don’t pay enough attention.”
“So…” sabi ni Abraham habang inaabot ang bill, “I’m glad I asked you for coffee.”
“Me too,” sagot ni Denise—at sa pagkakataong iyon, totoo iyon. Hindi lang dahil sa plano niya. Kundi dahil ibang klaseng tao si Abraham. Hindi tulad ng mga nakilala niya dati. Oo, makapangyarihan ito pero sa nakikita niya mukhang mabuti itong tao.
Tumayo sila at sabay na lumabas ng café. Sa labas, bahagyang humangin.
Nagkatinginan sila.
“Denise,” tawag ni Abraham.
Huminto siya.
“Yes?”
Sandaling nagdalawang-isip si Abraham pero hindi rin nagtagal. “Can I get your number?”
Bahagyang natigilan si Denise. Dahan-dahan siyang ngumiti.
“Sure,” sagot niya. Inabot niya ang phone niya. Nagpalitan sila ng number. Habang tina-type ni Abraham ang pangalan niya.
“Denise,” sabi niya, parang inuulit para tandaan.
“Yeah,” sagot niya.
Pagbalik ng phone, nagkatinginan sila ulit.
“I’ll call you,” sabi ni Abraham.
“I’ll answer,” sagot ni Denise.
Bahagyang napangiti si Abraham na parang kinikilig..“Good.”
Naghiwalay sila sa harap ng café. Habang papalayo si Abraham napahinto siya sandali at napalingon. Tumingin siya kay Denise. Parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi na niya itinuloy.
Sa kabilang banda, nakatayo lang si Denise. Pinagmamasdan siyang lumalayo. Sa loob-loob niya..This is bigger than I planned. Hindi lang siya basta nakahanap ng kakampi.
Nakahanap siya ng taong pwedeng magbago sa takbo ng laban.
Pagkauwi nila, hindi pa man nakakaupo si Denise ay sinalubong na siya ni Ella, halos tumatalon sa excitement.
“Ate?! Totoo ba?!” sigaw nito. “Nakilala mo si Senator Abraham?!”
Napangiti si Denise habang inilalapag ang bag niya.
“Oo,” simpleng sagot niya.
“OMG!” napahawak si Ella sa pisngi niya. “Ang gwapo nun sa TV, ate! Sa personal… gwapo ba talaga?!”
Napailing si Denise pero may bahagyang ngiti.
“Oo… gwapo sa personal,” sagot niya.
“AAAAHHH!” halos mapasigaw si Ella. “Sana sumama pala ako sa’yo!”
Napatawa si Denise ng mahina.
“Para saan?” tanong niya.
“Eh di para nakita ko siya!” sagot ni Ella. “Sayang! Once in a lifetime na ‘yon!”
Umupo si Denise sa sofa, pero halatang pagod pa rin.
Biglang napatingin si Ella sa kanya, mapanukso ang ngiti.
“Crush mo?” tanong nito.
Natigilan si Denise.
“Of course not,” agad niyang sagot.
Napataas ang kilay ni Ella.
“Sure ka?” tanong niya, kinikilig pa rin.
Huminga ng malalim si Denise. “Kahit naman hindi kami nagkakausap ni Levi…” sabi niya, medyo mahina na ang boses, “at kahit nasaktan niya ako, mahal ko pa rin siya.”
Natahimik si Ella. Nawala ang kilig sa mukha niya. “Ate…” mahina niyang sabi. Bahagyang ngumiti si Denise pero may lungkot.
“It’s complicated,” ani Denise.
Lumapit si Ella at naupo sa tabi niya.
“Pero… hindi ka na ba nasasaktan?” tanong nito.
Saglit na napatahimik si Denise. “Masakit,” sagot niya. “Pero hindi ibig sabihin na mawawala agad ang nararamdaman.”
“Si Senator Abraham…” dagdag ni Ella, “mukhang mabait naman.”
Napatingin si Denise sa kanya.
“Mabait,” sagot niya. “At matalino.”
“Then maybe…” sabi ni Ella, “pwede siyang maging kaibigan mo.”
Bahagyang ngumiti si Denise. “Maybe,” sagot niya. Pero sa loob-loob niya, hindi lang kaibigan. Pwede itong maging susi sa pagbagsak ng mga Gallarzo.
“Sana talaga sumama ako,” muling sabi ni Ella, bumalik ang excitement. “Next time, isama mo na ako ha!”
Napatawa si Denise. “Tingnan natin, pero may pasok ka hindi ba..”
“After class, pwede naman yun eh!” Ani pa Ella kaya napangiti na lamang siya.
Kakatapos lang nilang magkwentuhan nang biglang may naalala si Ella.
“Wait, ate…” sabi niya habang tumitingin sa laptop na nakapatong sa mesa. “May email ka kanina.”
Natigilan si Denise.
“Email?” ulit niya.
Tumango si Ella. “Galing sa… Gallarzo.”
Parang biglang nanlamig ang hangin sa paligid. Unti-unting tumayo si Denise.
“Open it,” sabi niya, mababa ang boses.
Agad nag-click si Ella. Lumabas ang email. Tahimik silang dalawa habang binabasa iyon.
Subject: Private Psychiatric Engagement
“We are seeking a discreet and professional psychiatrist for a private arrangement…”
Nagpatuloy ang mata ni Denise sa pagbabasa. “For Mrs. Leticia Gallarzo.”
Napahigpit ang kamay niya.
Leticia.
Ang babaeng kasama sa nagtangkang pumatay sa kanya. Ang naglibing sa kanya..
“Recommended profile: low-profile, confidential, willing to handle sensitive cases…”
Napatingin si Ella kay Denise.
“Ate, kumagat sila sa patibong natin.”
Hindi agad sumagot si Denise.Nakatitig lang siya sa screen. Parang unti-unting nabubuo ang isang ideya sa isip niya.
“Ano sa tingin mo?” tanong ni Ella. Dahan-dahang napangiti si Denise. Pero hindi iyon ordinaryong ngiti pero ngayon ay wala ng kaba..
“This is it…” bulong niya.
“Huh?” nagtatakang tanong ni Ella.
Napalingon si Denise sa kanya. “Hinahanap nila ako,” sabi niya. “Hindi ako bilang Alejandra,” putol niya. “Kundi bilang Denise Aranda na isang psychiatrist. Gusto nilang pumasok ako sa bahay nila…” dagdag ni Denise.
Nanlaki ang mata ni Ella. “Ate… delikado ‘yan.”
“Exactly,” sagot niya.
Lumapit siya sa laptop.
“At iyon ang kailangan ko, Ella. Planado natin ito. Access,” dagdag niya… “Inside access.”
Napahawak si Ella sa braso niya.
“Pero ate… si Leticia ‘yan. Siya mismo ang—”
“I know,” putol ni Denise.
“At mas gusto kong ako ang lalapit sa kanya kaysa hintayin kong siya ang lumapit ulit para patayin ako.”
Napahigpit ang kamay ni Ella. “Sigurado ka ba?”
Tumango si Denise. “This is the perfect opportunity,” sabi niya. “They’re opening the door for me.”
Napatingin si Ella sa screen. “Private psychiatrist…” bulong niya.
Napatingin siya kay Denise. “Ate… kaya mo ba ‘yan?”
Bahagyang ngumiti si Denise.
“I don’t have to be perfect,” sabi niya. “I just have to be convincing.”
“Gusto mong sagutin?” tanong ni Ella.
Napaisip si Denise sandali. Pagkatapos ay umupo siya..Kinuha ang laptop at nagsimulang mag-type.
“Good day,” binasa niya ng mahina habang tina-type. “I am willing to accept the position under strict confidentiality…”
Huminto siya sandali at ngumiti. “Looking forward to assisting Mrs. Gallarzo.”
Pinindot niya ang send.
Pagkatapos ay tumayo siya pero malinaw sa mukha niya na ito na ang susunod na hakbang. Hindi na siya lalayo sa mga Gallarzo. Sa pagkakataong ito siya mismo ang papasok sa pugad ng mga demonyo. At sa loob ng bahay na minsan siyang pinatay magbabalik siya.
Hindi bilang biktima. Kundi bilang—banta.