ABALA si Denise sa loob ng shooting range. Tahimik ang paligid maliban sa sunod-sunod na putok na kanyang pinakawalan.. Diretso ang tindig niya. Matatag ang kamay. Kontrolado ang paghinga.
Sunod-sunod ang pinakawalan niyang putok. Lahat ay tumama sa gitna.
“Nice shot,” sabi ng instructor mula sa likod.
Hindi siya sumagot. Hindi siya nandito para magpakitang gilas. Nandito siya para maging handa. Para sa susunod na laban. Habang inaayos niya ang baril, may naramdaman siyang presensya sa likod niya.
May lumapit sa kanya.. Hindi siya agad lumingon.
“Ang galing mo.”
Napahinto siya. Malalim ang boses nito pero maganda sa pandinig ang boses... Dahan-dahan siyang napalingon.
At doon, bahagya siyang natigilan. Isang lalaki ang nakatayo sa likod niya. Matangkad. Maayos ang tindig. Malinis ang aura. At higit sa lahat gwapo. Bahagya pa siyang natigilan nang makita ito. Pero agad siyang nagbalik sa composure. Hindi siya pwedeng magpahalata.
“Pulis ka?” tanong ng lalaki, nakangiti habang nakatingin sa target niya.
Bahagyang napataas ang kilay ni Denise.
“Do I look like one?” kalmado niyang sagot.
Napangiti ang lalaki.
“Hindi naman,” sabi nito. “Pero your stance, your control… hindi pang-beginner.”
Hindi agad sumagot si Denise. Sa halip, muling tinutok ang baril at muling bumaril.
Bullseye.
Napalingon ang lalaki sa target, bahagyang humanga.
“Impressive,” sabi nito..
Ngayon, tuluyan na siyang humarap dito at tinitigan ng mabuti.
“Practice,” simpleng sagot niya. Pinagmasdan siya ng lalaki parang sinusukat..Hindi bastos. Pero mapanuri.
“You don’t look like someone who just ‘practices.”
Bahagyang ngumiti si Denise. “Looks can be deceiving.”
Napangisi ang lalaki.
“I like that answer.”
Sandaling natahimik sila. May kakaibang tension sa pagitan nila hindi romantiko agad, pero may curiosity.
“By the way,” sabi ng lalaki, iniabot ang kamay, “I’m—”
Hindi pa nito natatapos ang sasabihin pero alam na ni Denise kung sino ito. Kilala niya ang mukha nito.. Kilala niya ang pangalan. Isang sikat. Isang makapangyarihan.
Tinignan lang niya ang kamay nito. Pagkatapos ay nakipagkamay siya.
“Denise,” sabi niya.
Ngumiti ang lalaki. “Nice to meet you, Denise.”
“Pamilyar ka sa akin…” mahinahong sabi ni Denise habang nakatitig sa lalaki. “Ikaw si Senator Abraham, right?”
Bahagyang napangiti ang lalaki..“Yeah,” sagot niya, simple pero may kumpiyansa.
Mas gwapo pala ito sa personal pero mabilis niyang itinago ang reaksyon. Hindi siya pwedeng madistract.
Hindi ngayon.
“So you’re practicing?” tanong niya, bahagyang tinaas ang baril na hawak.
Umiling si Abraham.
“Hindi,” sagot niya. “Nagpapalipas lang ng oras.”
Napataas ang kilay ni Denise.
“Sa shooting range?” tanong niya, may konting amusement.
Napangisi si Abraham
.
“Better than sitting in meetings all day,” sagot niya. “At least dito… tahimik.”
Tumango si Denise.
“Fair enough.”
Pinagmasdan siya ni Abraham kaya naiilang siya..
“You shoot like you’ve been doing this for a while,” sabi niya.
“Maybe,” sagot ni Denise.
“Maybe?” napangiti si Abraham. “That’s not a denial.”
Bahagyang ngumiti si Denise.
“I don’t answer questions I don’t have to.”
Napatawa si Abraham ng mahina. “Interesting.”
May ilang segundong katahimikan.
“You’re not from here, are you?” tanong ni Abraham.
Napatingin si Denise sa kanya.
“What makes you say that?”
“Your accent,” sagot niya. “And your eyes.”
Bahagyang natigilan si Denise. “My eyes?”
“Yeah,” sabi ni Abraham. “Parang may hinahanap… or maybe may tinatakasan.”
Sandaling natahimik si Denise. Muntik na siyang mapangiti pero pinigilan niya.
“You read people too much, Senator,” sagot niya.
“Occupational hazard,” biro ni Abraham.
Napatingin si Abraham sa target. “Mind if I try?” tanong niya.
Iniabot ni Denise ang baril. “Go ahead.”
Kinuha iyon ni Abraham. Inayos ang tindig at huminga ng malalim bago bumaril. Tumama—pero hindi sa gitna.
Napangiti si Denise. “Not bad,” sabi niya. “For someone just ‘passing time.’”
Napangisi si Abraham.
“Guess I need more practice.”
Napangiti si Denise. Mukhang magaan naman kausap ang lalaki.
Hindi alam ni Abraham na ang babaeng kaharap niya ay konektado sa kasong iniimbestigahan niya. At hindi rin alam ni Denise na ang lalaking kaharap niya ang posibleng maging pinakamalakas niyang kakampi. O ang pinakamapanganib niyang kaharap.
Tahimik sandali ang shooting range matapos ang ilang putok ng baril. Ibinaba ni Abraham ang baril at napalingon kay Denise.
“Coffee?” bigla niyang alok, parang casual lang.
Bahagyang natigilan si Denise. “Now?” tanong niya.
Tumango si Abraham.
“Yeah. Unless you’re busy,” dagdag niya. “I know a quiet place nearby.”
Tahimik si Denise sandali.
Sa loob-loob niya..Ito na ‘yon. Isang taong tulad ni Abraham, makapangyarihan, may impluwensya hindi basta-basta lumalapit.
At ngayon, siya mismo ang nag-offer.
“This might be useful…” bulong niya sa isip.
Hindi siya pwedeng magkamali. Pero hindi rin siya pwedeng umatras. Dahan-dahan siyang ngumiti.
“Sure,” sagot niya. “Why not?”
Napangiti si Abraham. “Great.”
Ilang minuto pa, nasa loob na sila ng isang maliit pero eleganteng café. Hindi matao ang naturang café.. Perfect para sa private conversation.
Umupo sila sa isang sulok.
“Order ka lang,” sabi ni Abraham.
“Black coffee,” sagot ni Denise.
“No sugar?”
Umiling siya.
“I prefer it bitter.”
Napangiti si Abraham.
“Interesting choice.”
“Honest choice,” sagot niya.
Pagdating ng kape, sandali silang natahimik. Pinagmasdan ni Abraham si Denise.
“You’re not like most people I meet,” sabi niya.
Napatingin si Denise. “How so?”
“You don’t try to impress,” sagot niya. “You don’t ask questions just to sound smart.”
Bahagyang ngumiti si Denise. “Maybe I don’t need to.”
Napangisi si Abraham. “Confidence.”
“Or experience,” sagot niya.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Abraham.
Napahinto si Denise sa pag-inom ng kape.
“Depends,” sagot niya. “What do you think I do?”
Napangiti si Abraham. “Not a cop… not military…” sabi niya. “But definitely trained.”
Napatingin si Denise sa kanya. “You’re observant.”
“It’s part of the job,” sagot ni Denise..
“Senator ka… at mukhang investigator pa,” biro niya.
Napatawa si Abraham. “Something like that.”
“Then ikaw?” tanong ni Denise. “Anong ginagawa mo sa shooting range… besides ‘passing time’?”
Napatingin si Abraham sa kanya.
“For cases,” sagot niya.
Nanatiling kalmado ang mukha ni Denise.
“Cases?”
“Yes,” sabi niya. “I’m working on something… sensitive.”
“Careful ka dapat,” sabi ni Denise.
“Why?” tanong ni Abraham.
“Because not all truths want to be found,” sagot niya...
Napatingin si Abraham sa kanya mas seryoso na ngayon.
“You sound like you’ve seen that happen.”
Bahagyang ngumiti si Denise.
“Maybe I have.”
Habang iniinom ni Denise ang kape niya sa loob-loob niya, malinaw na ang isang bagay.. This man… can be useful. At kung kailangan niyang pabagsakin ang mga Gallarzo, kailangan niya ng kakampi na may kapangyarihan.
At ngayon ang taong iyon ay nakaupo sa harap niya. At hindi pa nito alam na ang babaeng kaharap niya ay ang mismong taong hinahanap ng katotohanan.