CHAPTER THREE

1489 Words
Nanginig ang buong katawan ni Alejandra habang pinapanood ang balita tungkol sa sarili niyang “pagkamatay.” Nakatitig siya sa screen. Sa bawat salita ng newscaster at sa bawat luhang ipinapakita ni Hugo mas lalo niyang nararamdaman ang galit. “Gawa-gawa…” bulong niya. “Lahat ‘yan gawa-gawa.” Alam niyang darating ang araw na ito.Alam niyang ipapakita ni Hugo sa mundo na patay na siya pero siyempre, hindi nito sasabihin ang totoo. Na sinubukan siyang patayin. Na inilibing siya nang buhay. Napapikit si Alejandra, nanginginig ang kamay. “They want me erased,” sabi niya sa mahina pero galit na boses. “Ano’ng gagawin mo ngayon, ate Denise?” tanong ni Ella, nag-aalala. Napatingin si Alejandra sa kanya. “Natataakot ako…” sabi niya. “Baka pumunta ang pamilya ko sa Ilocos.” Napahawak siya sa ulo niya. “Napanood din nila ‘to. Alam ko ‘yon.” Huminga siya ng malalim. “Ayokong madamay sila. Kailangan ko silang tawagan. Kailangan kong sabihin na buhay ako.” Agad tumango si Ella. “Then tawagan mo na sila, ate. Baka mamaya bumiyahe na sila.” Mabuti na lang at kabisado ni Alejandra ang numero ng kapatid niya. Kung hindi wala siyang paraan para makipag-ugnayan. Una niyang sinubukang tawagan si Levi. Pero hindi na ito ma-contact…Napakunot ang noo niya. “Why isn’t he answering…” bulong niya, nag-aalala. Pero wala na siyang oras. Kaya tinawagan niya si Angelo. Ilang ring lang ay may sumagot. “Hello? Sino ‘to?” tanong sa kabilang linya. Nang marinig niya ang boses ng kapatid lumakas ang t***k ng puso niya. “Angelo…” mahina niyang sabi. “Ako ‘to… si Ate Alejandra.” Tahimik sa kabilang linya. Parang hindi makahinga si Angelo. “A-Ate?” nanginginig nitong sagot. “Ikaw ba talaga ‘yan? Buhay ka?!” Napapikit si Alejandra. “Yes… buhay ako.” “Makinig kang mabuti sa akin,” dagdag niya. “Hindi totoo ang balita sa TV…Pinagtangkaan akong patayin ni Hugo… at ng pamilya niya,” sabi niya. “Pero hindi sila nagtagumpay.” Nanigas si Angelo. “Ang alam nila… patay na ako. Kaya pinalabas nila sa lahat na aksidente ‘yon pero hindi ‘yon totoo. Inilibing nila ako nang buhay.” Napasinghap si Angelo. “What?!” “Mabuti na lang… may nagligtas sa akin,” dagdag ni Alejandra. “Angelo,” sabi niya, mas seryoso, “kailangan mong lumayo sa mga Gallarzo. Iisipin nila na nasa inyo ang kayamanan nila.” Natigilan si Angelo. “A-anong kayamanan?” “Lahat,” sagot ni Alejandra. “Kinuha ko ang lahat ng yaman nila bago nila ako sinubukang patayin. I’m going to use it,” dagdag niya. “Para pabagsakin sila.” Napahigpit ang panga ni Angelo. “Hindi lang para sa akin… kundi para sa lahat ng sinaktan nila.” “Ate…” mahina niyang sabi. “Pwede ka ba naming makita?” Napapikit si Alejandra. “Gusto kang makita ni Mama… gusto niyang kunin ang bangkay mo…” Mas lalong sumakit ang dibdib niya. “Kausapin mo si Mama,” sabi niya. “Sabihin mo sa kanya… ligtas ako. Darating ang araw na makikita niyo ulit ako,” dagdag niya. “Pero ngayon… hindi pa pwede.” “Bakit?” “Dahil hindi pa tapos ang laban ko.” “Ate,” sabi ni Angelo, “may taong tutulong sa atin.” Napakunot ang noo ni Alejandra. “Isang makapangyarihan,” dagdag niya. “Nilapitan namin ni Papa.” “Mag-iingat kayo,” agad na sagot ni Alejandra. “Baka kasabwat din sila ng mga Gallarzo.” “Hindi, ate,” sabi ni Angelo. “Sa tingin namin… mabuting tao siya.” “Still… don’t trust easily,” sagot niya sa English. “And don’t ever tell anyone na buhay ako.” “Yes, ate. Walang makakaalam.” “Pasensya ka na, Angelo…” mahina niyang sabi. “Kasalanan ko ‘to.” “Hindi, ate—” “Kung hindi ako nagpakasal kay Hugo…” tuloy niya, nanginginig ang boses, “hindi tayo aabot sa ganito.” “Wala kang kasalanan,” sagot ni Angelo. “Siya ang may kasalanan.” Napapikit si Alejandra. Sa kabilang linya, hindi alam ni Angelo na ibang tao na ang kaharap niya ngayon. Hindi na ang dating Alejandra Gallarzo. Kundi si, Denise Aranda. “Mag-iingat kayo,” sabi niya. “Ikaw na ang bahala kina Mama at Papa.” “Oo, ate,” sagot ni Angelo. “Mag-iingat kami.” “Wag na wag kayong pupunta ng Ilocos kung wala kayong proteksyon.” “Understood.” “At ikaw…” sabi ni Angelo, “mag-iingat ka rin.” Bahagyang ngumiti si Alejandra. “I will.” Pagkababa ng tawag napahinga nang malalim si Angelo sa kabilang linya. Pagkababa ng tawag, ilang segundo pang nakatulala si Angelo. Hawak pa rin niya ang cellphone. Mabilis ang t***k ng puso niya. “Ate…” bulong niya, halos hindi makapaniwala. “Buhay siya…” Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad siyang tumayo at naglakad papunta sa kwarto ng mga magulang niya. Mahinang kumatok siya. “Pa… Ma…” Walang sagot kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nakita niya ang ina na nakahiga, pero gising, nakatitig sa kisame. Halata ang pagod sa kaiiyak. Ang ama naman ay nakaupo sa gilid ng kama, tahimik. “Anak?” tanong ni Vic. Pumasok si Angelo, seryoso ang mukha..“Pa… Ma… may sasabihin ako.” Napatingin sa kanya si Leah, namumugto ang mata. “Ano ‘yon?” mahina niyang tanong. Lumapit si Angelo. Huminga siya ng malalim. “Tumawag si Ate.” Parang tumigil ang oras. “A-ano?” napaupo si Lea. “Ano ang sinabi mo?” “Tumawag si Ate,” ulit ni Angelo. “Kausap ko siya kanina.” Nanlaki ang mata ni Vic sa sinabi ni Angelo. Hindi siya makapaniwala. “Angelo… huwag kang magbiro ng ganito,” sabi niya. “Hindi ako nagbibiro, Pa,” sagot ni Angelo. “Buhay si Ate. Tinawagan niya ako kanina, hindi nga ako makapaniwala pero totoo pong buhay si Ate.” Napahawak si Leah sa bibig niya. “Paano? Paanong nangyari yun??…” nanginginig niyang sabi. “Narinig ko sa balita… sinabi nilang—” “Hindi totoo ‘yon, Ma,” putol ni Angelo. “Gawa-gawa ‘yon.” Napahawak si Vic sa ulo niya. “Ipaliwanag mo nga,” sabi niya, mababa ang boses. “Pinagtangkaan siyang patayin ni Hugo,” sabi ni Angelo. “Pero nakaligtas siya.” “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Vic. “Inilibing siya ng buhay,” sagot ni Angelo. Napasinghap si Leah.. “Diyos ko…” bulong niya. “Pero may nagligtas sa kanya,” dagdag ni Angelo. Napaluha si Lea. “Anak ko…” iyak niya. “Buhay siya…” Tumayo siya at lumapit kay Angelo, hinawakan ang mukha nito. “Sigurado ka ba?” tanong niya. “Boses niya talaga?” Tumango si Angelo. “Yes, Ma. Siya talaga.” Napahagulgol si Lea—pero ibang iyak na. Hindi na puro sakit. May halong pag-asa. “Salamat, Diyos ko…” paulit-ulit niyang sabi. Nakatingin lang siya kay Angelo. “Nasaan siya?” tanong niya. Umiling si Angelo. “Hindi niya sinabi.” “Bakit?” “Para sa safety niya… at sa atin,” sagot ni Angelo. “Sinabi niya… lumayo tayo sa mga Gallarzo,” dagdag niya. “Dahil iisipin nila na nasa atin ang kayamanan nila.” Napakunot ang noo ni Vic. “Kayamanan?” tanong niya. “Lahat daw,” sagot ni Angelo. “Kinuha ni Ate bago siya pinatay.” Nanlaki ang mata ni Lea. “Ano…?” “Gagamitin daw niya iyon para pabagsakin sila at pagbayarin ang mga Gallarzo. Hindi siya papayag na matapos ito ng ganun lang..“She’s fighting back.” Napatingin si Vic sa asawa niya. Unti-unting nagbago ang ekspresyon nito. Mula sa sakit papunta sa galit. “At tayo?” tanong ni Vic. Tumingin si Angelo sa kanila. “Huwag daw tayong lalapit sa Ilocos,” sagot niya. “At huwag na huwag nating ipapaalam na buhay siya.” Napaupo si Lea sa kama, nanginginig pa rin. “Gusto ko siyang makita…” bulong niya. “Darating ang panahon,” sabi ni Angelo. “Pero hindi pa ngayon.” Napatingin si Vic sa anak niya. Tumango si Vic. “Kung gano’n…” sabi niya, “hindi na tayo basta nagtatago.” Napatingin sa kanya si Lea. “Lalaban na tayo,” dagdag niya. Hindi na sila isang pamilyang nagluluksa. Isa na silang pamilyang may lihim at may laban na haharapin. “Tuloy ang tulong na hiningi natin kay Senator. Alam ko na matutulungan niya tayo. Tuloy ang laban natin para tuluyang makalaya ang ating anak, Leah. Tutulungan natin si Alejandra.” “Yan po ang plano ko, Pa at alam ni Ate ang plano natin,” ani Angelo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD