Simula
Disclaimer: This is an original work of the author. Some of the names, characters, places, and events are the product of the author's imagination. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is purely coincidence.
All rights reserved 2022. RROZELA
PLAGIARISM IS A CRIME!
No parts in this book may be reproduced in any written, electronic, recording or photocopying without the permission of the author.
Ang Gago Kong Ex
"Guys naka post na daw yung mga nakapasok sa top!" I heard my classmate anmounce as I entered our classroom.
"Tara tingnan natin." Dali daling nagsilabasan ang mga kaklase ko. Ang iba sa kanila ay nabangga pa ko sa pagmamadali na makalabas ng classroom.
"Sorry, Belle." Aniya ng bumangga sa akin. Hindi ko na siya natanguan ng higitin siya ng kaklase ko.
"Belle, tara tingnan natin." Alisha told me. Hindi pa man ako nakaka alis sa kinatatayuan ko ay hinigit niya na ako.
Hinayaan ko lang siya na higitin ako. We almost stumbled in a hurry to get down the stairs. When we got to the ground floor she pulled me again until we came to the opposite side of the bulletin board. Hindi ko iyon makita dahil madami ang estudyante na nakaharang sa harapan namin.
"Sabi na. Hindi na naman ako nakasama." Said the woman in front of me.
"Huwahh! Markie congrats! Ikaw na naman ang nasa top 1." Sigaw ng kaklase ko na nasa unahan namin.
Sinulyapan ko si Markie na katabi ng kaklase ko sa unahan. Ngumiti siya at nakipag kamayan sa kaklase ko.
"Wow, ang daming nakapasok sa top." Aniya ng kaklase ko na nasa pinaka unahan.
"Hayst. Sana pasok ako."
Binalingan ko ang kaibigan ko na tumitingkayad at sinusubukang makita ang nasa unahan namin.
"Belle, ba't wala ka sa top 10?"
Bigla akong napabaling sa kaklase ko na bakla na lumapit sakin.
"What?!" my friend next to me shouted in shock. Bigla tuloy tumingin samin ang mga kaklase ko.
"Wala ata si Belle sa least, nawala siya sa top 5." rinig kong sambit ng isang kaklase ko sa unahan. When she looked at the back, her lips parted after she saw me. Hindi niya ata alam na nasa likod lang nila ako.
"Guys, look! Himala, nakapasok si Red sa top." hindi makapaniwalang sambit ng kaklase kong babae.
Agad ko siyang tiningnan at nagsipag lingunan naman ang mga kaklase ko sa akin. Walang emosyon ko naman silang tiningnan.
"Teka! padaanin ang maganda!Tabe!" Panghahawing sigaw ni Alisha sa mga kaklase ko. Agad naman siyang inirapan ng kaklase ko na muntik ng matalisod sa panghahawi niya. At dahil hawak niya ang kamay ko ay mabilis din niya akong nahila paunahan.
Pinadausdos niya ang hintuturo sa salamin ng bulletin board at isa isang tiningnan ang mga pangalan.
"Luh?" She said in surprise and turned to me.
She was about to speak but the bell rang. Agad na nagsialisan ang mga kaklase ko ng tumunog ang bell.
"Anyare ba't wala ka diyan? " She pointed to the list.
"Malay ko kay ma'am. Tanongin mo." Nagkibit balikat na sambit ko.
"Hayst, buti naman at umabot pa 'ko." she said with a sigh as she pointed to the list.
"Hayst. Tara na nga. Kainis ka naman eh. Dahil ba ito dun sa walang hiyang e----" hindi na niya naituloy ang sasabin ng pagharap namin ay nandun na sa likod namin ang gago kong ex.
"Oh?...Red kumusta?" Nakangising sambit ni Alisha. "Congrats, pasok ka sa top. Last nga lang." Pang iinis pa niya kay Red. Umiwas naman ako ng tingin.
When I looked back at him he was already looking at me before he glanced at the bulletin board behind us.
"Let's go." I said coldly and grabbed Alisha's hand so we could leave in front of him.
Umusbong ang galit sa dibdib ko. Not because I didn't get to the top, but because I saw my ex's stupid face again.
Pupuntahan ko si ma'am. Paniguradong may magandang dahilan 'yun kung bakit hindi ako nakapasok sa top.
"Teka lang. That's the way to our classroom. Where are you going?" Alisha asked and shook my hand.
"Kakausapin ko si ma'am. Baka may magandang dahilan 'yun kung bakit hindi ako nakasama sa top." I pointed the way to the faculty room.
"Oh siya tara. Akala ko wala ka ng pakealam. Tatahimik tahimik ka pa kanina. Ano ba eksena mo ngayon? Kunwari walang pakialam pero sa loob loob gusto ng malaman? Aba'y bakit nga ba ganun 'yun? Okay naman ang mga quizes at exams mo, gumagawa ka naman ng mga project at assignments. Oh! eh, baka naman dahil na naman 'yan dun sa walang hiyang ex mo. Naku boss! uso mag move on, oh! Ang daming lalaki diyan. Gusto mo hanapan kita?" Sunod-sunod na lintanya niya.
Agad akong tumigil sa paglalakad at inis na bumaling sa kanya. Mabilis naman siyang natahimik ng makita ang iritado kong tingin.
"Pwede ba hinaan mo yang boses mo. Ang dami dami mong sinasabi." Iritadong saway ko sa kanya.
"Okay. Okay. Fine. Relax. Ang init na naman ng ulo." Napapangusong sambit niya.
I shooked my head and walked again, leaving her to went straight to the faculty room. Huminto ako sa tapat ng naka-awang na pinto at kumatok doon.
"Yes. come in!" Sigaw ng isang teacher na malapit sa pinto.
"Good morning Ma'am. Si Ma'am Yna po?" Tanong ko.
She turned her swivel chair and shouted. "Ma'am Yna! Someone is looking for you! Mga anak mo yata 'to!"
"Oh! Belle? Alisha?"
We immediately saw Ma'am Yna in one of the cubicles. She peeked out and stood up.
"Why are you here? your class is already starting." Dagdag pa ni Ma'am.
I entered the room and approached her cubicle. Sumunod naman sa akin si Alisha.
"Can I have my class card ma'am? Wala po kasi akong parents or guardians na pwedeng mag-attend ng parents meeting last saturday. Kaya hindi ko po nakita yung marka ko." Sambit ko.
"Oh. I see. I forgot to tell you. Kasama ka sa top, but I did not compute your final grade last week kasi nagsubmitt ka ng portfolio after the deadline of the submission." Aniya niya.
"Ma'am inayos ko pa po kasi yung marka ko. I went to LCR office many times pero lagi pong sarado ang opisina nila, and we're busy in making our research paper too. Mabuti nalang po ng pumunta ako dun the other day, bukas na ang office nila kaya napalitan nila ang ratings ko for work immersion."
"Anong sabi ng head niyo?" Tanong niya.
"Pumayag po siya na palitan yung marka ko. I explained it to them. Sinabi ko po na hindi po fair para sa akin yung ratings ko, while my classmates is having a greater than 90 average score while I only got 83. Alam naman po nila na ginawa namin yung best ng partner ko during work immersion, so they understand it eventually ma'am."
"What is your last score again?" Tanong niya.
"My last score is 83 then they make it to 91 po." I said, because that was my last ratings when we did the work immersion.
I complained to their office because my grade was too low. Ako lang ata ang nakakuha ng ganuong marka. Samantalang sobrang taas naman ang mga nasa classmate ko.
We have been asign to different offices in Municipio when we conducted our work immersion. Sabi ng mga kaklase ko ay strikto daw talaga sa amin at mas marami sa opisina namin ang ginagawa. It's funny because we do a lot of work but my partner and I still got low marks.
Akala siguro nila. Mananahimik lang ako. Well, hindi ako yung tipo na mananahimik nalang kapag marka ko ang pinag-uusapan. Especially when I know that we did our best but the result was unfair.
"Are you satisfied with your final grade?" tanong ni ma'am.
"Yes po ma'am. Sayang naman yung award na makukuha ko duon kaya okay nadin po ang 91 sa akin. At least they raised it to 91." Sambit ko.
Ilang bases na tumango si ma'am saka ibinigay sa akin ang class card ko. I took my card out of the little brown envelope, and when I saw my ratings I saw no problem there.
"May marka ka na diyan sa Immersion subject. Yan yung reason kaya hindi kita naisama sa list of honors. I haven't computed your final grades at that time. I only did it last night, but no worries, you're still on the list of the top achiever. I think it's on 94 point something." Aniya niya.
"It's okay po ma'am. Thank you po." nakangiting sambit ko.
"Sige na. Pumasok na kayo at baka mapagalitan pa kayo ng subject teacher niyo."
I nodded and left the faculty room. Alisha followed me.
"Kasama ka naman pala." nakangusong sambit niya sakin.
"Ilan average mo? " tanong ko sa kanya.
"93. Oh? ba't mo natanong? Porket mataas ka ng one point sa akin. Tss." Umirap siya.
"Tss. Wala naman akong sinabi. Nagtatanong lang." Natatawang sambit ko sa kanya pero mas ngumuso lang siya. Napapailing akong naglakad habang naka nguso naman siya.
Education is very important to me, because it is the only way I can repay my Father's hardship for working abroad.
My father was an architect in Abu Dabi. Yes! He 'was' an architect, but he stop from working and went back in Bicol, because he can't work anymore. His body gave up on him, kaya nagpatuloy nalang siya sa pagsasaka. Imagine from architect to farmer? Though I never look down on him, I was very proud to have him as my father. Kahit mahina na ang katawan niya ay gusto niya pa din magtrabaho para buhayin kami.
Habang dumadaan sa pathway patungong classroom ay napapatingin sa bintana ang mga estudyante, at alam ko na ako ang tinitingnan nila.
I swear, I really want to roll my eyes right now. Maputi kasi ako. Hindi ako nagmamayabang, nagsasabi lang ako ng totoo. Dito kasi sa probinsya, kapag maputi ka, lagi ng nakatingin sa'yo ang mga tao. Akala mo naman artista ka.
Minsan sasabihin nila: para kang white lady, pahinge nga ng puti mo, may lahi ka ba? At syempre ang sagot ko naman: Yes, I am a half spanish, chinese and filipino. Minsan tatawa nalang din ako kahit wala namang nakakatawa. Alam mo yun? para hindi awkward.
I am not the most beautiful in our school, but I have the looks. I am not that smart, but I am a hardworking student, that's why I made it to the top.
"Hay naku! Pahinge nga ng puti mo, feeling ko everytime na kasama kita naiitsapuwera ako." Napapairap na sambit ni Alisha sa tabi ko.
Natawa ako sa sinabi ng kaibigan. See? Even my best friend usually said that.
Ano ba ang ayaw nila sa pagiging kayumanggi at maitim? Kung tutuusin ay mas mukha pa silang tunay na Pilipino kaysa sa akin. Though, I'm a proud filipino even if I am white.
Minsan napapaisip ako duon sa mga taong gustong magpaputi at kung ano ano nalang ang iniinom, nilalahid, at tinuturok sa katawan. For me, you should be yourself. Love yourself even if you don't like your color. Hindi ka naman mamahalin ng taong mahal mo dahil sa maputi ka. You will never know how powerful love is, that even all the things can conquer it all. Looks doesn't matter, richest doesn't matter too. At the end of the day, It will all depends on our feelings. Na kahit pangit ka, pandak ka, hindi ka matalino, at hindi ka mayaman. Mamahalin ka padin ng tao dahil sa kanyang nararamdaman. Sa huli, baliwala lang lahat ng pagpapaganda.
I smiled at my bestfriend when I heard her said...
"Sana all, talaga."
Alisha is my bestfriend, we just met last year. I am a transferee student that time. Wala kasing senior high sa private school na pinapasukan ko noon, that's why I transfer in public school to continue my study. Well...aside from that, wala na kaming ipang tu-tuition sa school ko, kasi sabi ko nga, my father can't work anymore in Abu Dabi, kung saan mataas din ang sahod na nakukuha kumpara dito sa Pinas. Kaya ito, kahit hindi gaanong organize sa school na 'to, kaylangang pagtiyagaan para lang makagraduate ng senior high.
"Hoy! Saan kayo pupunta?! Irereport ko kayo sa adviser niyo!" Sigaw ng kaibigan ko sa mga nahuli niyang estudyante na dumaan sa likod ng classroom kung saan may shortcut para makapag cutting class.
"Wala kang pakialam!" Pabalik na sigaw ng isang grade 7 student na lalaki. Pairap ko naman itong sinulyapan.
"Abay gag*--"
"Let them go. We'll be late." saway ko sa kanya.
See?? May mga officer naman sa school na ito pero parang walang ginagawa. Kahit nga ata teachers or security na mag rounds ay wala. Sa dating school kasi na pinapasukan ko, wala kang makikita na student sa labas during class hours, syempre private eh, masyadong strict. Kaya nga pinag tyatyagaan ko nalang ang mga nakikita ko kahit na minsan nakaka-umay na.
I just focus on my studies so I can have my own diploma, job, money, house. Iyong matatawag kong pag-aari ko. Isang diplomang ipagmamalaki ko sa pamilya ko at patunay na nakapagtapos ako ng pag-aaral. Iyong hindi na kaylangang maghirap ng mga magulang ko sa pagtatrabaho, dahil ako na ang mgatatrabaho para sa kanila. 'Yung hindi nila ako kaylangan bigyan ng pera, dahil kayang kaya ko na 'yung ibigay sa kanila.
I smiled at the thought. Ang sarap isipin ng mga bagay na iyan. Na mamuhay sa mga pangarap...Nawala lang ang ngiti ko ng tawagin ako ng pinsan ko na tumatakbo na ngayon papalapit sa akin.
"Bakit?" I asked with a frown.
"May nagpapabigay." Lahad niya sa papel.
Napatingin ako sa dala niyang papel. Nakatupi pa iyon sa hugis puso.
"Kanino galing yan? " kunot noong tanong ko sa kanya. Hindi tinatanggap ang papel.
"I don't know. Someone gave it to me. I think He's a grade 11 student. Sabi niya may nagpapabigay daw sa'yo." nakangiting aniya niya. "Ano ka ba ate. Just open it. I wanna see it... Look, it's written in here. It's from your secret admirer!" napapatalong dagdag niya.
Napabuntong hininga ako at kinuha ang papel.
Smile before you open? From: Secret Admirer. ?
Nakakunot kong binuksan ang papel. Nahirapan pa akong buksan iyon dahil nakatupi iyon sa ibat ibang paraan para maging hugis puso. Kung hindi lang dahil sa kuryusidad ay baka napunit ko na ang papel.
Dear Crush qu,
Hi, do you know that I'm always looking at you from afar? Do you know that I likes you even is someone who owns your heart, kaya hanggang tingin nalang ako sayo. wag mo sanang mamasamahin but it is true that your bf chited on you or sould I say your ex boyfriend? Kilala ko c Red, I'm the one of friend and sorry if I don't tell it you too earlier. You know what? I'm going to crash his face on that day but one of my friend stop me. I hope you forgive me. Sana pala ipinaglaban ko yong nararamdaman ko para sayo. Sana niligawan den kita nung tyme na 'yun. Baka sakaleng mapansin mo 'ko at magostohan.
Your Secret Admirer.
Nakagat ko ang labi ko at pinigilan ang sarili na matawa pagkatapos mabasa ang sulat, pero hindi yata nakayanan ng mga kasama ko.
"Pft. Hahahaha." malakas na tawa ng kaibigan at pinsan ko.
"What the hell!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Alisha.
Napapatingin naman ang ibang student sa amin na papasok palang ng classroom nila.
"Huwag mo nang hanapin ate. Eww, I was excited pa naman tapos magbibigay nalang ng loveleter mali mali pa. Look! Almost every word are misspelled. Kaya siguro siya nahihiya na makita ka, kasi ang daming grammatical error." pagtataray pa ng pinsan ko.
"Hahahaha." I looked at Alisha who was still holding her stomach while laughing, kaya binatukan ko na.
"Stop it." saway ko.
"Eh pano kas-pfft.hahahaha." she even look up while laughing.
Babatukan ko na naman sana ulit pero unti unting nawala ang tawa niya at sumama ang tingin sa taas, napansin din iyon ng pinsan ko kaya sabay kaming napatingin sa taas.
Tumalim ang tingin ko ng makita si Red na nakahawak ang dalawang braso sa grills ng second floor, habang deretsong nakatingin sa akin. Yes... sa akin.
I noticed my cousin turning to me, but I didn't budge. Walang emosyon kong tinitigan ang gagong si Red na ngayon ay nakatingin na sa papel na hawak ko. Mariin kong hinawakan ang papel dahilan ng pagkakagusot nito. He looked back at me and raised an eyebrow.
"Ah...a-ate sira na yung papel." parang ngayon lang din natauhan ang pinsan ko ng masulyapan ang papel na hawak ko.
"Red! Nandiyan na si Sir! Pumasok na tayo!" Sigaw ng kaklase kong lalaki dahilan para mawala sa akin ang paningin niya at binalingan ang kaklaseng tumawag.
"Let's go." malamig na sambit ko sa kaibigan habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.