Kabanata 1

1973 Words
Hirit "Can I have your free time today? Wala akong ganang kumain eh. Let's go somewhere else. Don't worry sasamahan naman kitang kumain." I assure my cousin while were walking out of the school gate. "Anong walang ganang kumain? Hindi! Kakain ka." Sagot naman niya habang mariin ang titig sa akin. "Rina please...ayoko talagang kumain." nakakunot na sambit ko. Pero imbis na kausapin ako ay hinila niya lang ako. Pumunta kami sa malapit na kainan sa labas ng school. Hindi kami mayaman kaya sa maliit na kainan lang kami kumain. Agad akong pumwesto sa mga upuan. Hindi ito katulad ng isang simpleng karinderya. May tindahan din sila at may kainan pero may tambayan sa gilid at may bilyaran. "Kung hindi ka kakain, then hindi din ako kakain." Sambit niya at umupo lang sa harapan ko at tinitigan ako. Nagtagal naman ang tititigan naming dalawa. I sighed heavily. "Ano? Pag-usapan natin ang problema mo." Aniya niya. I sighed again. "Oo na, kumain nalang tayo." Aniya ko sa napipilitan na tuno. Mas gusto ko na kumain nalang kaysa pag-usapan namin si Red. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, pero nitong mga nakaraang araw ay madalas wala akong ganang kumain. Hindi rin ako makaramdam ng gutom o kahit magcrave manlang sa kahit anong pagkain. Bumalik sa lamesa ko si Rina dala ang in-order niyang pagkain para sa aming dalawa. "Alam mo, kahit wala kang gana. Kumain ka pa din. Pano na ang pag-aaral mo? Wala kang lakas at energy kung hindi ka kakain. Manghihina ka at magkakasakit ka. Kapag nagkasakit ka, mag-aalala sayo si Tito at mamomroblema sila sa panggastos sayo. Tapos ano? Hindi ka makakapasok at marami ka ng abscesses, and at the end of the day. Bye bye diploma kasi bagsak ka na." Sermon niya sa akin. Napabuntong hininga ako at tumango. "Oo na nga. Kakain na nga diba? So shut your mouth and just eat your food." Saway ko sa kanya Lalo pa ng bahagya Kong makita ang tindera na ngumiti sa akin at mukhang narinig kami. "Tama ang kaibigan mo, hija. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom." Sambit sa akin ng tindera at binalingan ang mga estudyante na kumakain. "Lalo na kayong mga estudyante! Nag-aaral pa naman kayo. Mas mag-aalala ang mga magulang niyo kapag nagkasakit kayo! Ang pinaka-importante ay ang kalusugan. Yang pag-aaral, mauuwi sa wala yan kapag nagkasakit kayo!" Pangangaral ng tindera. "Correct! Baka bago kayo makagraduate. Nategi na kayo." Sagot naman ng tenderang bakla habang nilalagay ang baso ng tubig at pitsel sa aming lamesa. "Tama. Tama!" Sabay kaming napabaling ni Rina sa sumigaw na estudyante sa kabilang table at sinulyapan ako. "Si Red na naman ba ang problema mo, Belle? Sus! Hindi kayo bagay nun! Marami pang ibang lalaki diyan. Yung loyal at hindi ka sasaktan!" Sigaw niya. "Eh sinong mas bagay sa kanya? Ikaw?!" Sigaw naman ng pinsan ko. Siniko ko si Rina sa sinabi niya kasabay ng sigawan ng ibang kumakain na estudyante. Lalo na ang mga lalaki. "Oh, eh bakit? Kayo kasing mga babae hanap niyo puro gwapo. Lagi naman kayong sinasaktan." Hirit ng lalaki. "Hoy! Bakit naman napunta sa amin ang usapan?!" Sigaw naman ng isang babaeng estudyante sa kabilang table. "Eh bakit kayong mga lalaki. Kapag tinabihan ba kayo ng pangit, oo agad kayo!" "Woaahhh!" Sigawan ng mga estudyante. Habang tumatawa naman ang mga babaeng kasama ng nagsalita sa kanilang table. "Sus pag pogi! Kinikilig pa nga kayo eh! Pag pangit sasabihin niyo manyak!" Sigaw naman ng isa pang lalaki sa harapan ng table namin. "True! But sad!" Sigaw ulit ng bakla habang hawak ang kanyang pamaypay. "Pag pogi go agad! kapag pangit leave agad!" "Dapat nag face mask ka nalang para naging pogi!" Biglang sigaw ng isang estudyante. Halos lumabas sa ilong ko ang tubig na ininom ko sa narinig. Sinulyapan naman ako ni Rina at tinawanan. Yan kasi, pinatulan pa yung sinabi ng isang estudyante. Ang dami na tuloy humihirit. "Oh tingnan mo! Natawa si Belle oh!" Turo sa akin ng isang lalaki na nasa harapan lang ng table namin. "Uyy grabe talaga kayo mag judge sa aming mga babae. Hindi naman lahat ganyan." Sagot naman ng isang babae sa katabi lang ng table namin. "Bakit ba kasi ang pangit nating mga lalaki?" Biglang tanong ng isang lalaking estudyante. "Ikaw lang. Hindi kami kasali." Sagot ng lalaking nasa harapan niya. "Tanong mo sa tatay at nanay mo. Sila gumawa sayo." Sagot naman ng katabi niya na binatukan ng kasama niya. Humagalpak ng tawa ang halos lahat ng estudyante sa narinig. Napapailing na binaba ni Rina ang tubig na iniinom niya at nagtaas ng kilay sa akin. "Oh shake ka muna. Chocolate yan. Favorite mo." Aniya ni Rina pagkatapos naming kumain. "Okay ka na?" Dagdag niya. Napabuntong hininga naman ako at ngumiti. Wala na ang ibang estudyante sa karinderya. Ako nalang at si Rina at ang grupo ng mga babae sa kabilang table ang naruon. I smiled at her and get the cup of shake that she handed to me and put it infront of the wooden desk. Lumapit siya sakin at umupo sa katabing silya ko. Kinuha ko ang notebook ko para mag review sa quiz mamaya. "Ayaw mo talagang pag-usapan? Makikinig ako." Aniya niya. Umiling ako. "Hindi na. I need to review." Sambit ko at pinakita ang nnotebook. I heard her sighed ng hindi ko na siya hinayaang sumagot at binalingan nalang ang sariling notebook. I start to read the pages and minutes later I got distracted from analyzing the sentence when I heard an unknown sounds of a motorcycle going on our way. Tiningnan ko ang dalawang lalaki na nakasakay ng motor. Bumaba sila at tumingin sa gawi namin. "Rina. Libre mo nga ako." Aniya ng lalaking kabababa lang ng motor. Nagtaka ako sa lalaking tumawag sa pinsan ko. Matangkad, kayumanggi, hindi kagwapuhan, at ang daming earings. I know this guy, most of the students are talking about this man in school. Pala away ang isang ito, mahilig mag cutting class, at hindi mahilig mag aral, ganun din ang kasama niya, parehas lang ang impression ko sa kanilang dalawa. "Ayaw ko nga, wala akong pera." nakasimangot na ngayon ang pinsan ko. "Sige na parang wala tayong pinag samahan niyan eh." "Yuck. Excuse me?" Iritadong aniya ni Rina. Napabaling ang tingin ko ng lumapit ang isang lalaki sa'kin. "Diba ikaw yung girlfriend ni Red?" "Wala na kami." Mabilis ngunit malamig na sambit ko sa kanya. "Ohh. 'D nga? " nagugulat na tanong niya. Inirapan ko lang siya at sinulyapan ang pinsan ko pero lahat sila ay nakatingin sakin. Lumapit naman yung lalaking nagpapalibre. Tila nakuha ko ang atensyon. "Bakit kayo nagbreak?" He ask in curious face. "May iba eh." kibit balikat na sambit ko sa kanya. "Aww. Palibre nga." ako naman ngayon ang hinihingian niya ng libre. Napabuntong hininga ako at ibinaba ang hawak na notebook. "Fine. Hulaan mo na muna kung magka ano ano kami? " turo ko Kay Rina at sa akin. "Obviously. Edi magkapatid." napangising irap niya sakin but I just rolled my eyes. "Oh? Bakit hindi ba?" Taas kilay na tanong niya. Napa iling naman ako sa kanya. "Both of you are look alike and---" "Yeah. Pero hindi kami magkapatid. Magpinsan kami." napapabuntong hiningang aniya ko sa kanya. "Akala ko magkapatid kayo. Usap usapan din sa school pagmagkasama kayo." nagugulat na sambit niya. "Naniwala ka naman." inirapan ko siya saka nilatagan ng bente pesos sa lamesa namin. "Yes! Thank You." Natutuwang sambit niya. Marami ang nagsasabi na magkahawig kami ng pinsan ko. Pero ni minsan ay hindi ko yun pinaniwalaan. Ilang beses din kaming pinagkamalang magkapatid at sa tuwing magkasama kami ay pinagtitinginan kami ng mga studyante, even the teachers ask me if I am her sister. But it's all just a rumors, they weren't true. She's my cousin, her father and my mother are both siblings. May mga time na naiinis ako dahil inaasar kami na kambal. I always want to look unique. Iyong wala akong kahawig. Pero hindi talaga ata maiwasan na ipagkumapara kami pagdating sa mukha, hanggang sa nakasanayan ko nalang. "Ano ngang pangalan mo?" "Belle." Simpleng sagot ko. "Hi, Belle. Nice to meet you." Nakangiting pagpapakilala niya. "Ram nga pala." He added. "Can I have your number?" The other guy gave me his phone and I didn't bother to think. Mabilis ko iyong kinuha at tinype ang number sa phone niya. Nang ibalik ko sa kanya ang phone niya ay parang nagulat pa siya. Hindi siguro inaasahan na ibibigay ko ang number ko. "Baka fake 'to ah?" Tanong niya pa at inilahad ang phone sa akin. "If you have doubts then call my number." Aniya ko. Ginawa naman niya. Sinulyapan ko ang cellphone ko sa ibabaw ng wooden table ng tumunog iyon. Sinulyapan ko siya at nakita ko ang pagngisi niya. "Thanks." Aniya niya at inangat ang phone. Tumango naman ako sa kanya at binalik ang tingin sa notebook na hawak ko. Agad din natigilan ng kalabitin ako ng pinsan ko. Taka ko naman siyang tiningnan. "Bakit mo binigay yung number mo? " bulong niya pero nagkibit balikat lang ako. Hindi naman talaga ako nagbibigay ng number ko sa iba pero feel ko ang maging friendly ngayon. "Hindi pa ba kayo papasok?" The one who took my phone number asked. "Hatid na namin kayo." "Nah. You can go. Susunod nalang kami." Sagot ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtango ng lalaki. Hanggang sa unti-unti silang umatras at lumabas ng karian. Nang maka alis sa karendirya ay nagtungo na kami pabalik sa school at papunta sa kanya kanyang classroom, pero hindi pa man ako nakaka akyat sa pangunahing baitang ng hagdan ay may papalapit na sa gawi ko. "Belle." agad akong napabaling sa isang club officer. "Hmm...Ate V. Bakit? " tanong ko sa kaniya. "Bakit wala ka sa meeting natin kanina?" Nakasimangot na tanong niya sa'kin. Eh. May meeting ba? Nakalimutan ko. "Ahh. I forgot. Na late ako." Pagdadahilan ko habang napapakamot sa ulo. "Hayst. Ok... listen to me. Sa valentines day ay may both tayong gagawin. And since absent ka sa meeting, ako nalang ang magpapa liwanag sayo." Aniya niya. Tumango naman ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Our club members decided to have a live band at may kasamang spoken poetry, para may pakulo. And guess what? you're the chosen performer for the spoken poetry. " Excited na sambit niya habang tumataas ang dalawang kilay. What? "Ano? Payag ka na?" Tanong niya habang nakangisi. Ng hindi ako sumagot ay lumapit siya at niyugyug ang magkabilang braso ko. "Payag na yan." Pamimilit niya sa akin. "Pe-pero hindi po ako magaling sa spoken poetry, Ate. I can only do a poem hindi po ang spoken poetry." pagdadahilan ko sa kanya, dahil magkaiba padin 'yun. "Ok na 'yun. Basta may ipeperform ka. Isa pa, hindi lang naman ikaw ang gagawa ng spoken poetry. Lima kayo. Paniguradong maraming manunuod." Excited na sambit niya. "Pero ate. I've never done spoken poetry before--" "No but's. Sige ka magtatampo ako sayo." Nakangusong pigil niya sa akin. Napabuntong hininga naman ako. "Sige na! Hihintayin ko ang drafts ng poem mo ah! and then practice ka sa M.R. after nilang gamitin. I have to go. See yah." sigaw pa niya. Magsasalita pa sana ako pero naglakad na siya palayo habang kumakaway sa akin. Bagsak ang mga balikat ko habang papaakyat ng hagdan. Bat ako pa? Anong isusulat ko? About Love? Relationship? Of course you idiot! Valentines nga eh, kaya dapat tugma sa event. Pero pwede din naman na about sa love for family and friends diba? "Sh*t! Sh*t! Sh*t!" inis na sigaw ko habang nagpapadiyak sa hagdan papaakyat ng classroom. "Ms. Alvarina! No cursing!" Saway sa akin ng isang guro na pababa pala ng hagdan. Ni hindi ko manlang siya napansin. "So-sorry po ma'am." Nahihiyang sambit ko at halos hindi makatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD