Kabanata 2

2713 Words
Sighed Natigil ako sa pagsusulat at napabaling kay Alisha na kanina pa ako tinutusok ng lapis niya. Napatingin ako sa guro sa harapan na patuloy na chinecheck ang mga papel na hawak niya sa kanyang table bago ko inis na binalingan ang kaibigan. "Ano! " mahinang anggil ko sa kanya. "Ninja moves." nakangising sambit niya habang tumataas baba ang kilay. Inis akong tumingin sa teacher na ngayon ay nakatayo, nakalikod at naglalakad sa unahan. Bago ko binalingan muli ang kaibigan. "Ohh" inis na aniya ko sa kanya habang binababa ng konte ang papel sa arm chair ko. "Mind your own paper! May naririnig akong bumubulong bulong sa likod!" Agad kong hinablot ang papel at inayos sa pagkakalagay sa arm chair at saka napapikit sa inis at salubong na ang kilay nang nagpatuloy sa pagsusulat ng essay. Bwisit! Muntik na ko 'dun! Willing naman sana ako magpagaya, kaya lang nakakatakot pag nahuli. Strikto pa naman itong teacher namin. Syempre kaibigan kaya kahit bawal, tutulungan mo. Tss. "Prepare for tomorrow, we will going to have our graded recitation for this last semester. Dismiss." When I turned to Alisha she was already smirking. Annoyed, I stood up and fix my things. "He-he-he thanks Boss." Hindi ko siya binalingan. I just kept fixing my stuff. "He-he uyy uyy" she poked my waist with her finger. "Hehe sarry hmm.. Peace tayo boss. Hindi ako naka review eh. Tas may club meeting pa kanina." pagdadahilan niya pa My face got worse when she mentioned about the club meeting. Bigla ay naalala ko na naman ang gagawin na spoken poetry. Parang mas na stress lang tuloy ako. "Uyy. Anong problema? Bakit ganyan ang mukha mo? Sorry na... next time ako naman ang magpapagaya sayo." She smiled when I turned to her. I sighed and dropped my bag on my chair. "Hindi naman yun eh." Nangunot ang noo niya. "Eh ano?" I sighed again. "Hind ko alam kung pa'no ko gagawin yung poem para sa valentines day." "Aww, yung sa valentines both ba natin?" Tanong niya na tinanguan ko naman. "Oh eh anong problema mo dun? Eh diba magaling ka naman gumawa ng poem." My eyebrows rose. "I'm not! Marunong lang. Hindi magaling." Her eyes rolled. "Still, marunong ka pa din. As if naman sasalang tayo sa contest. It's only an entertainment for our booth." I sighed again. "Kahit na. Hindi ko pa din kaya." Tumaas ang kilay niya. "Hindi mo kaya o ayaw mo lang gawin?" I sighed again. Bakit parang pakiramdam ko tama siya. Na ayaw ko lang gawin dahil... "Kasi masakit?" Dagdag niya. There, nakuha niya. Ayaw ko ngang gawin kasi masakit. Ewan ko ba. Kapag inaaalala ko ang nakaraan at kapag bumabalik ang ala-ala. Imbis na masayang ala-ala ang bumalik ay puro masasakit na ala ala ang unang sumasagi sa isipan ko. "So, ano back out kana?" Tanong niya. Hindi ako agad sumagot. Sinagot ko lang siya ng buntong hininga. I do not know either. I'm confused. I can't decide! "Ano ka ba naman Belle! Kung tutuosin ikaw ang heart broken ngayon dito, kaya dapat napakalalim ng mga hugot mo diyan sa isusulat mo. Kayang kaya mo yang gawin!" Aniya niya. "Eh hindi ko nga kayang iexpress kapag iniisip ko yung past. Hindi ko pa kayang alalahanin lahat ng yun. Syempre hindi lang ito ang papaganahin ko." Turo ko sa sintido ko. "Pati ito." turo ko sa dibdib ko. Umawang ang labi niya at pinanlakihan ako ng mga mata. "So what kung masakit? So what kung balikan mo ang ala-ala? Hindi ibig sabihin nun ay hindi mo na kayang gawin ang poem. In fact, it will help you more, to bring out your thoughts and feelings through that poem. So even if you don't tell him directly how you feel, you can let him and everyone know, what is in your piece. Kung ano ba talaga ang nilalaman ng isip at puso mo. Hindi mo lang natulungan ang sarili mo. You can also inspires other people who also have the same experience as you." Napakurap kurap ako. Noon pa man ay siya na lagi ang mahilig magbigay ng advice sa aming dalawa. Hindi ko nga alam kung saan niya nakukuha ang mga sinasabi niya. Kung makapag bigay ng advice, akala mo naman ay experience niya na. "You can never avoid that kind of feeling, belle. It's natural, lalo na kung isinasapuso mo talaga ang isinusulat mo. So even if it hurts you, just continue to express what you feel. Ilabas mo lahat...diyan sa pagsusulat mo." turo niya pa sa kinauupuan ko. I keep on staring at the ceiling. I'm on my bed now, trying to remember what my best friend said awhile ago. Kaya ko nga bang gawin ang poem? I gripped in my shirt when I felt a small pang in there, especially when I heard Red's voice. "You can do it, Belle. I believe in you." Red told me while looking deeply in my eyes. I close my eyes when I felt the tears rolled down my cheek, iniisip ko palang nasasaktan na ako. I believe your words pero sa huli niloko mo din naman ako. Your words are nothing to me now, but lies. I turned around and forced myself to sleep. Sa huli ay ilang beses akong umikot sa kama bago tuluyang lamunin ng dilim. I woke up early today. I turned to the window to see the gloomy sky. I sighed. I'm going to go to school again, pero imbis na ganahang pumasok ay nawawalan ako ng gana. Para bang hindi ko maramdaman ang excitement na pumasok. Pakiramdam ko ay kaylangan ko lang pumasok para mag-aral at mag-aral at mag-aral. That's all. Wala ng ibang dahilan. For the second time in this morning, I sighed. Ganito ba talaga pag first heart break? parang nawalan ka na ng gana sa mga gagawin mo araw-araw. If I only knew that this could be the effect on me, I would have never tried to enter a serious relationship. After all, I'm still young. I need to focus on my study. Bumangon ako at umayos ng upo saka binalingan ang orasan. 5:45 am. Still early, though I need to force myself to go to school. Bigla kong naalala ang gagawing poem. Nakapag deicide na ako. I will start writing today. Mabilis akong kumilos at ginawa ang dapat gawin para sa araw na ito. Nang matapos ay nagpaalam na ako kila mama. I put my headphones on and play the music on my phone while I'm on my way to school. I continued to walk with my head down while humming the song. Natigil lang sa paglalakad ng may makitang mga paa sa harapan ko. Sumama ang muka ko at nag angat ng tingin sa walang hiyang humarang sakin. My head immediately heated up when I didn’t like its presence. He's tall, masculine body, broad shoulder, tan skin, slim face, black ayes, small lips, and handsome face. It was my first description of him when I look up from his shoe up to his face. "Hi." nakangiting bati niya na halos hindi na makita ang mga mata. "Yes?" Tanong ko. "Totoo bang wala na kayo ng boyfriend mo?" Tanong niya. Mas lalo nagsalubong ang kilay ko. "Ano ngayon?" Pagtataray ko. He lost his smile before he looked down and cleared his throat. "I just want to be friends with you. I'm Nate, it's my pleasure to meet you." inangat niya ng bahagya ang mga kamay niya pero tiningnan ko lang 'yun saka binalik ang tingin sa kanya. Kaibigan ba talaga o manliligaw siya? I know this moves. At hindi ko iyon gusto. Ano kaya kung deretsuhin nalang niya ako. Ayaw ko din sa lahat ay iyong magpapakilala at sasabihin na gustong makipag kaibigan iyon pala ay manliligaw naman kalaunan. Paano pala kung tinanggap ko ang pakikipag kaibigan niya at pinayagan ko din siyang manligaw, tapos hindi pa naman ako nakakapag move on. Tapos sa huli ay binasted ko siya or pwede ding...Sagutin ko. Though, hindi ako ang kawawa, kundi siya. Dahil sa huli, aasa lang siya and worst he will end up getting hurt. Tapos baka ako pa sisihin niya dahil pinaasa ko siya, while in the first place sinabi ko naman na wala siyang pag-asa. "Well, it's not my pleasure to meet you. Now, will you please excuse me, nakaharang ka sa dinaraanan ko." inis na sambit ko sa kanya saka siya nilampasan. If I show him my rude behavior. He might get turn off and think that he doesn't like me anymore. Mas mabuti iyon para tantanan niya na ako. I also don't have plans to flirt or enter a serious relationship with anyone. Wala din akong balak na magpaligaw o mag-laro. I'm not like that. Bago ko pa siya malampasan ay hinawakan niya na ang braso ko at muling ibinalik sa kinatatayuan ko. "Teka, ang sungit mo naman. Nagpapakilala lang eh." Aniya niya. I immediately grabbed my hand out from his grasp. "Pwede ba sinasayang mo ang oras ko, nagpakilala ka na kaya layuan mo na ako." I tried to pass him but he blocked me again, so I immediately backed away in shock. "Ano bang problema mo! " sigaw ko sa kanya na ikinabigla niya. Napapahiya siyang napatingin sa paligid namin, agad ko namang sinundan ang tinitingnan niya. I could see that the students were now looking at us. Who is this man at bakit kami pinagtitinginan ng mga Tao? I angrily averted my eyes from the students and the people who were looking at us. Trying to calmed down, I sighed. "Please, just leave me alone. I don't have time for this. I'm on a hurry." nakikiusap na aniya ko sa kanya habang nakatingin ng mariin sa mga mata niya. Ang totoo hindi naman talaga ako nagmamadali, I just created it as an excuse, para makaalis na ako. Unti unti naman niyang kinalas ang pagkakahawak sa akin saka napapalunok na nagbaba ng tingin. Bigla ay nagbago ang mood niya. "I'm sorry." mahinang aniya niya saka dahan dahan akong binigyan ng distansya para makadaan. Hindi na ako nagdalawang isip at nilampasan siya pero agad din akong natigilan ng may mapansin na nakatingin sa akin. I turned to my side and saw the group of friends of my stupid ex, and there he was, sitting in the middle of his friends while anxiously looking at me. "Pare, tinitingnan ka." rinig ko pang aniya ng isa sa mga kaibigan niya. "Hi, Belle!" Bati ng isa pang lalaking kaibigan niya. Tiningnan ko lang ang kumakaway na lalaki at tinanguan siya saka nagpatuloy sa paglalakad sa pathway. Nang makarating sa Senior high school building ay nagvibrate ang cp ko sa bulsa kaya natigilan ako sa paglalakad. 1 message receive From 09********* Hi To:09********* Name? From: 09********* Red 2. Natigilan ako sa pagtipa at napa isip. Ba't naman ako tinetext ng isang 'to. Instead of replying back, I ignored his message. I put my phone back in my pocket and continue to walked. "Belle!" I froze when I heard that voice. Dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. When I confirmed who it was, I looked at him with my cold eyes. Si Red, ang gago Kong ex na tumatakbo papalapit sakin. "Are you okay? Ginugulo ka ba ng lalaking 'yun?" Nag-aalaalng tanong niya pero agad ding napalunok ng hindi ako sumagot. Ano bang pakealam mo? "By the way, kumusta ka na?" Dagdag tanong niya. Bakit kaylangan mo pang malaman? Are you sorry now that you cheated on me? And do you really have to keep your woman a secret from me? Kung pwede mo naman sabihin sa akin ang totoo at makipag hiwalay sa akin ng maayos. Sana hindi nalang ako napalapit sayo, sana hindi ka nalang nagkunwari na mahal mo 'ko, dapat sinabi mo nalang ang totoo hindi yung ginagago mo ko. Edi sana kahit nag break tayo ay magkaibigan padin tayo. I stared at him for a few seconds and then I realized. Na...Yes he is handsome. Tama nga ang sinabi ng mga estudyante. Na gwapo siya. Pero hindi ko naman hanap ang gwapo, sadyang gwapo lang talaga ang lalaking mahal ko, pero ang totoo, hanap ko ay iyong mamahalin ako ng totoo, hindi manloloko. Pero naniniwala din ako na kapag mahal mo, kahit pangit pa yan, ay nagiging gwapo sa paningin mo. Kaya nga ako naniniwala sa kasabihang..."beauty came from the eye of the beholder." But for me, he's now ugly. Hindi dahil sa hindi ko na siya mahal. Kundi dahil, ngayon ko lang nakita ang ugali na nakapagpapangit sa kanya. "Ito, mas maayos nung wala ka." Malamig na sagot ko sa pangalawa niyang tanong. Kita ko naman na natigilan siya. He averted his eyes from me. Swallowed hard, rubbed his naped, then looked back at me again. He sighed. "Belle, I know we're not in good terms, but, I want you to know, that I always care for you. Pls. Huwag naman ganito." hahawakan niya sana ang braso ko pero agad ko iyong iniwas. Anong karapatan niyang hawakan ako? Kahit ang hawak niya ay pinandidirihan 'ko. "Hindi na kaylangan. Salamat sa pangungumusta, pero hindi ko kaylangan ang pag-aalala mo." Sagot ko. I quickly turned my back on him but he immediately blocked my way so I looked up at him, annoyed this time. Bakit ba ang hilig ng mga Tao ngayon na harangan ang dinaraanan ko! "Teka ganun nalang ba yun? Belle, may pinagsamahan tayo. Bago pa tayo naging mag on ay naging magkaibigan muna tayo. Hindi ba natin pwedeng ibalik yun? Kahit pagkakaibigan nalang sana oh--" Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan at sarkastikong tumawa dahilan para natigilan siyang muli. Anong akala niya sa pagmomove on madali? Kung sana ay ganun din ang nararamdaman ko para sa kanya. Edi mas madali nalang ang lahat para sa akin. "Well, that was before, hindi na ngayon." mariin na sambit ko sa kanya. Halos sigawan siya na ikinagulat niya. Napabuntong hininga ako at kinalma ang sarili bago ko siya hinarap. Hindi ba pwedeng hayaan mo muna ako. Hindi mo ba nakikita? Na sa tuwing nakikita kita ay galit ko lang ang sumasalubong sayo. Bumabalik ang mga ala-ala ko sayo...I admit, I'm hurt when I remember all the pain you've caused me, and I'm not happy with how I feel. Hindi ako manhid para hindi maramdaman lahat ng yan ngayon. Pero ngayon, nakikiusap ako. Hayaan mo muna ako.. Please... I promise, i will forget you...No. I will never forget you but my feelings will. And if that day happens. Maybe, I'll forgive you and we can go back to what we're used before. Nuong...magkaibigan pa tayo. "Belle?" Tawag niya dahilan para matauhan ako. I sighed. "Just please. Leave me alone." pagdidiinan ko. He stared into my eyes and sighed. When I couldn't hold his gaze, ako na mismo ang umiwas at nilampasan siya. Akala ko nuon, okay na ako. Pero, ng kinausap niya ako, hindi ko pala kaya. Para bang ang bigat ng presensya niya. Dahilan para hindi ko siya magawang harapin. Hanggang ngayon tinatanong ko pa din ang sarili ko kung bakit mo ko binitawan. Araw-araw naghahanap pa din ako ng sagot sa mga tanong. Pero para saan pa? kahit malaman ko pa ang lahat ng dahilan mo, wala na din namang mangyayari, dahil wala din namang tayo. Matagal mo ng... tinapos. Nang makapasok ako sa classroom ay dumeretso ako sa upuan ko, napabaling naman ang tingin ko kay Red na kakapasok lang din ng classroom, nakasunod pala sa akin. Umupo siya sa kanyang upuan pero hindi siya nakinig, ibinaba niya lang ang ulo niya sa arm chair. "Uy, anong nangyari dun? " nilingon ko si Alisha ng nginuso niya si Red. Umayos ako ng upo habang sinasabit ang bag sa likuran ng upuan ng kaklase ko. "Don't mind him. Nagkasagutan kami." "Oh, what did you two talked about?" Kuryusong tanong niya. "Sinabi kong tigilan niya na ako." "Ba't, ka niya titigilan." "Dahil nilalapitan niya ako." "Bat ka niya nilalapitan." "Ewan ko! " inis na anggil ko sa kanya ng mapansin na inaasar niya lang ako. "Bat ewan mo?" nakangising tanong niya ulit, pero sinamaan ko na siya ng tingin. "Sabi ko nga ewan mo he he." I sighed. Hindi ko na nabilang kung ilang buntong hininga na ang nagawa ko sa araw na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD