Monkey
When the class was over I went straight to the school's mini garden. Umupo ako sa gawang semento na bench at may maliit na table na gawa din sa semento na katabi ng puno. Ang puno ay nagsilbing silungan ko dahil natatakpan ng mga sanga at dahon nito ang init ng araw na tumatama sa upuan ko.
Inilagay ko ang mga gamit sa ibabaw ng table saka nagsimulang mag isip kung ano nga ba ang simula ng tulang isusulat ko.
For a few more minutes, my mind sailed to what had happened in the past and when I finally thought about the beginning of the poem, I sighed and then began to write the first paragraph.
“Belle, uy.” I turned to the source of the voice. “Are you okay? Ang lalim ng iniisip mo ah. Kanina ka pa tulala diyan.” Nakangiting tanong ni Red. “Care to share it with me, para bumabaw naman.”
I sighed heavily and shook my head. “Wala ‘to. I just remembered something." sagot ko sa marahan na boses.
"Something? Baka someone." Nakangiting sambit niya. Tipid naman akong ngumiti at umiling saka nag-iwas ng tingin.
I thought he was going to leave me alone, but he didn't, instead, he kept on staring at me as if he was reading my thoughts.
“Okay lang nga ako. Don’t worry.” I said and averted my eyes.
Actually, I'm not okay. I am worried for our family’s livelihood. Nalaman ko kasi na balak bawiin ng kapatid ng lola ko ang palayan, na siyang nagmamay-ari ng lupa, at hindi na iyon ipapahawak sa aking Ama na siyang nag mamanage ng palayan ngayon. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari. All I knew was that there was an argument going on between them causing my Grandmother to withdraw the farm land from the hands of my father.
Though, my father pushed himself to work and handle the farm land even though there was an argument going on between him and my grandmothers sister. Pero kahit na nagtatrabaho siya ay hindi iyon nagiging sapat sa pang araw araw na pangangailangan ng aming pamilya. I know, I shouldn’t have think of this. That I should focus on my study. But I also couldn’t help but to think and get worried. Lalo na't madalas ay naririnig ko ang mga pagtatalo ni Mommy at Daddy sa bahay.
Minsan naiisipan ko na maghanap ng trabaho, pero hindi ko din alam kung kaya ko bang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho lalo na’t wala naman akong ibang alam na gawin kundi ang mag-aral. My sister is now having a hard time to pursue her study in college. My youngest brother also needs to buy his vitamins and milk since he's still a baby. Sabayan pa na nagkasakit din ang aking Ama kaya mas lalo lang na kaylangan naming ng pera.
“Makikinig ako. I won't tell it to anyone. I promised. ” He replied.
I sighed heavily. Red and I are only classmates, but I didn't know that I would be closer to him just because of our frequent conversations. Since that day after I shared my story with him he became interested in me. He always approached me and asked how was my family, or if I was okay.
Somehow, I felt like someone cares for me and for my family. Don't get me wrong. Alisha is like that to me too, but we don't talk very often because she also has a problem with her family. Kaya kahit ako na kaibigan niya ay hindi masabi sa kanya ang sarili ko din na problema.
I'll admit. Magaan ang loob ko kay Red. Everytime we talk, I felt at ease. Masaya din siyang kasama, lagi din niya akong tinutulugan sa mga projects pagdating sa arts since magaling siya dun. He's not that smart, though he's good at sports and arts. Simula din ng naging malapit kami sa isa't isa. Lagi na kaming magkatabi sa upuan. Kaya madalas, kami ang magkapartner kapag may mga school activities.
“Ikaw ah, nagtatampo na ako sa’yo. Napapansin ko na madalas kayong magkasama ni Red. Anong meron, hmm?” kuryusong tanong ni Alisha pagkatapos umalis ni Red sa aking harapan at sundan niya ito ng tingin palabas ng classroom kasama ang iba pang kaibigan na lalaki.
Bahagya akong natawa at napailing ng bundulin niya ang braso ko. “Ikaw ah, may hindi ka sinasabi sa akin.”
Hindi ko alam pero mas natawa lang ako sa reaksyon niya.
“Hala! Tawang tawa? Masaya ka nyern? Anong meron? dali! makikinig ako.” sunod sunod na sambit niya.
“Wala! We’re just friends!” Bawi ko.
“We’re just friends pero kung makatawa ka para kang kinikiliti diyan!”
Mas natawa ako lalo. Hindi ko talaga alam kung bakit.
“Hala siya!” nagugulat na aniya niya.
Napapailing naman ako habang natatawa. Hindi ko talaga alam kung bakit.
"Belle! Belle!"
I lost my smile when I heard the loud call from my friend kasabay din ng malakas na pagkalabog sa kung saan. Then I realized that I was smiling alone habang inaalala ang nakaraan. Kung hindi ko siguro narinig ang kalabog at pagtawag sa kung saan ay hindi na ako bumalik sa katinuan.
I will look like an idiot here, smiling alone with no one was around.
"Oh my God!"
Mabilis akong napabaling sa kaibigan ko ng sumigaw siya. Ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang isang lalaking estudyante na namimilipit sa damuhan.
"Damn!" Mariin na mura ng lalaki at napahawak sa likod niya.
Nagmamadali naman akong lumapit upang matulungan siya. If I was not mistaken I saw him fall from the tree. At hindi ko alam kung bakit at paano nangyari 'yun.
"Let me help you." Aniya ko at naglahad ng kamay. Inabot niya naman ang kamay ko pero agad din siyang bumalik sa pagkaka-upo na para bang nahilo.
"Sh*t" Mura niya ulit.
Nangunot ang noo ko. Lumapit pa ako at hinawakan ang braso niya para tulungan siyang makatayo. Rinig ko naman ang mga daing niya. Natigilan lang nga ng nagkatinginan kaming dalawa.
"Ikaw." Aniya ko ng maalala kung sino siya. Siya yung lalaki na nangungulit sa akin kanina sa pathway.
"Ahem."
Sabay kaming napalingon kay Alisha ng marinig ang pagtikhim niya.
"Ouch." Daing ng lalaki.
"Ano ba kasing ginagawa mo diyan?!" Sigaw ko sa kanya dahil sa iritasyon.
Baliw ba siya? Bakit nasa taas siya ng puno?
"Te-teka nga. Ano bang paki alam mo?" Marahas na tanong niya pabalik.
Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. So this is his true colors. Kanina lang ay akala mo kung sinong anghel kung makapagpakilala sa akin tapos ngayon sinisigawan ako?!
"Wala akong pakealam sayo. Sadyang naistorbo mo ang ginagawa ko." sambit ko din pabalik sa kanya.
Tinitigan niya lang ako pero naputol iyon ng bigla siyang dumaing.
"A--argghh. Sh*t ang sakit!" Anggil niya.
Nangunot ang noo ko. "What? sa'n ang masakit?!" Natatarantang tanong ko at tiningnan siyang yumuko habang hawak ang likuran. Hindi ko din alam kung sa'n siya hahawakan!
"Ang sakit ng likod ko." Anggil niya pa.
"Ang tanga mo naman kasi!" Naiinis na sambit ko sa kanya na siyang nakapagpatigil sa kanya.
"An---anong sabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Wala. Tara dadalhin ka namin sa clinic." nakakunot na sambit ko.
"Wag na. Kaya ko." Nakasimangot na sagot niya.
"What's wrong with you! Ikaw na tinutulugan, ikaw pa nagrereklamo!" Galit ng sigaw ko sa kanya at mabilis na lumapit. Kinuha ang kamay niya at nilagay sa balikat ko.
"Wag na--"
"Wag kang malikot. Arte pa eh. Bigat mo pa naman." Sambit ko at hinarap ang kaibigan ko. "Alisha! Tulungan mo 'ko dito."
"Wag na. Kaya mo na yan." Sagot niya at kinindatan ako bago kumaripas ng takbo pabalik.
What the hell!
"Alisha!" Tawag ko pa pero hindi niya na ako nilingon hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Inis kong binalingan ang katabi ko na may pangiti-ngiti pa habang nakayuko sa akin.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Iritadong tanong ko.
"Wala. Tara na. Ihatid mo na ko sa clinic." Nakangising sambit niya.
Bwisit!
Naiinis ako sa taong ito. Anong naisipan niya at tumaas siya ng puno? Hindi kaya sini-stalk ako ng isang ‘to. Badtrip! ayoko ng may sumusunod sa'kin dahil naiilang ako. Ni hindi ko man lang siya napansin kanina.
Bigla kong naalala ang pagkahulog niya sa puno. Unggoy. Monkey. Para siyang monkey.
"Okay na siya, nalagyan ko na siya ng bandage. Hindi din siya pwede na masyadong gumalaw. He needs to rest." I looked up when our school nurse came out.
"Salamat po." Sagot ko.
I went inside the curtain and looked at his condition, but I immediately looked away when I saw that he had no shirt on! Inis kong kinuha ang uniform niya na nasa paanan niya at saka inis na itinapon ang uniporme sa mukha niya. Sapul.
"Ano ba!” Sigaw niya.
"Wear your shirt." I complained after glancing at her body with the bandage.
When he didn't move I looked at him, but my eyebrows met when I saw that he was already smiling. Ano na namang inginingiti ngiti ng isang ito.
"Ano bang nginingiti ngiti mo diyan, kanina ka pa ah." anggil ko sa kanya.
"You're cute." he said softly.
I was a little taken aback when he said that, so I immediately averted my eyes while frowning.
"A--ano bang cute ang sinasabi mo diyan? "
"Ang cute mo kapag nagagalit."
What the hell! How can he easily tell that to me?
"Hahaha."
I was surprised when he laughed out loud. This monkey is crazy. Baka yung ulo niya ang nabagok kaya nakalimutan niyang tao pala siya.
"Hahaha ang cute mo." Patuloy niya. "Nag ba-blush ka ohh hahaha.” Dagdag niya na nakapag paiwas sa akin ng tingin. Para siyang bata. Just like a young monkey.
"Tigilan mo nga yan... Ang lakas mong tumawa." singhal ko sa kanya, pero imbis na manahimik ay mas lumakas lang ang tawa niya.
Ano bang nakakatawa?! Very annoyed with what he was doing, I approached to cover his mouth. Pero pilit niyang kinalas ang kamay ko, ng magawang kalasin ay hinawakan niya ang kamay ko at ipinirmi sa kama.
"Pffftt---" he looked at my face in amazement and then smiled.
He’s crazy!
Iritado ko siyang tinitigan pero agad na natigil iyon ng may humawi sa kurtina na namamagitan sa dalawang kama, kaya sabay kaming napalingon sa taong pumasok. It was Henry, she look so scared and upset.
Ano namang ginagawa nito dito?
"Belle---" natigilan siya sa pagtawag sa pangalan ko at napatingin sa kamay ko.
Sinundan ko ang tinitingnan niya at nagulat ako sa magka holding hands na kamay namin ni monkey. Umayos din ako ng tayo ng mapansin na bahagya akong nakayuko. Hindi ko man lang napansin. Naiilang na inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak ng unggoy na ito.
"What are you doing here?" Malamig na tanong ko sa kanya.
"Sa-sabi ni Alisha nasa clinic ka daw." naiilang na sambit niya. "You alright?" he asked and glanced at the person next to me even though he saw that I was fine.
Nagsalubong ang kilay ko nang tingnan niya ang kabuuan ko na tila hinahanapan ng galos o kung ano.
"Red!"
Sabay sabay kaming napalingon sa kaibigan ko na hinihingal na kakapasok lang din ng kortina. I glared at her. Bakit niya sinabi kay Red? Tss. As if this man could help us with what happened.
"Ahh…Boss hinahanap ka." naiilang niyang ngiti habang nakaturo kay Red at saka napapalunok na tumingin kay monkey na ngayon ay isinusuot na ang kanyang uniporme.
I sighed and turned to Red. "I'm fine. You shouldn't come here."
"A--anong ginagawa mo dito?? " he glanced at the monkey on the bed.
I blocked his sighed. "I brought him here, mukhang nabalian."
"I'm fine." I turned to the monkey when he spoke. Nagsalubong naman ang kilay ko at sinulyapan ang ayos niya.
“No, you're not. Stay there and rest. Tatawagan ko ang nurse para bantayan ka.” Sagot ko.
"Ahh--Belle may klase pa tayo.” Alisha interrupted us. “hindi ka pwedeng um-absent, terror pa naman yun---"
"Ihahatid na kita." The monkey's quick response caused my eyebrows to meet.
He was already looking at me and tried to get out of the bed so I immediately stopped him.
"Why?" naguguluhang tanong ko. As if we're that closed para ihatid ako. "You need to take a rest, and don't try to leave until the nurse said so."
"Okay, na nga ako. Hindi naman na masyadong masakit ang likod ko. Ihahatid na kita."
Naiirita ako sa kakulitan ng unggoy na ito pero pinigilan ko ang sarili na sigawan siya. "Hindi din nga pwede dahil kakalagay palang ng bandage sa katawan mo, you have to rest." Sagot ko ulit.
"This is nothing, hindi naman masyadong masakit." Sagot din niya pabalik.
Iritado ko siyang tiningnan at walang pag-aalinlangan na lumapit at pinindot ang tiyan niyang may bandage.
“Ouch.” Daing niya. Kita ko din ang gulat niya sa ginawa ko.
"Hindi mo naman ako kaylangan ihatid. Wag ka nang makulit.” Sagot ko ulit. “At bakit mo ba ako ihahatid, eh hindi naman kita close?” Naguguluhang tanong ko.
Nakita ko na natigilan siya pero agad ding nakabawi. "Eh pano yan, walang aalalay sa akin." nakangising aniya niya.
Ano bang sinasabi niya. Kaylangan niya ba nun? Ang gulo niya!
"Remember, You two are the reason why I fall on that f**cking tree." Dagdag niya.
Mas lalo akong nairita ng marinig ang mura niya, I was about to scold him but Alisha already interrupted us.
"Abat! are you blaming us?!" inis na sambit ni Alisha at nagsimulang magtaray. I sighed.
"Oo naman talaga, I was surprised when you shouted. Ang lakas ng boses mo! Kung makatawag ka sa kaibigan mo, akala mo naman may emergency." The monkey also answered back and turned to my friend.
"Aba'y loko ka ba! Kung hindi ka naman kasi tanga, sa tingin mo mahuhulog ka duon kung wala ka sa puno. Sinu-stalk mo ata ang kaibigan ko eh!” Alisha shouted back.
Napapikit ako sa lakas ng boses in Alsiha.
"Hindi---"
"Pwede ba tumigil nga kayo, can’t you see, nasa clinic tayo pero nagsisigawan kayong dalawa." mahinang singhal ko sa kanilang dalawa. Mabilis naman silang natigilan.
"Fine, I'll pick you up here after the class. Magpahinga ka na muna diyan. Okay na?" Sagot ko para matapos na.
Napapangangang tumingin sa akin si Alisha.
"What?" I replied annoyingly at her reaction.
"S—sige, siguraduhin mo lang ah." sagot ng batang unggoy!
Iritado ko naman siyang tiningnan at napabuntog hininga.
"Tara!" tawag ko kay Alisha, nagpatiuna akong lumabas ng curtain at agad ko namang nakasalubong ang nurse na kakapasok lang din ng pintuan.
"Students, hindi kayo pwedeng magsigawan dito, at bakit and dami niyo na dito sa loob? diba may mga klase pa kayo." Saway ng nurse. Siguro narinig din ang sigawan namin sa labas kaya agad siyang pumasok para sawayin kami.
"Sorry po. Pakibantayan nalang po yung…lalaking ‘yun, aalis na po kami." Sagot ko. Hindi naalala ang pangalan ng unggoy.
"All right. You can go."
Nauna akong lumabas at hindi na nilingon ang dalawa kong kasama.