Hindi alam ni Alona kung matutuwa siya o maiinis sa kay Jaxel. Kanina pa kasi ito pasulyap-sulyap sa kanya. Pakiramdam niya mukhang may sasabihin ito, subalit nag-aalangan lang. Nagkunwari siya na hindi apektado, at pinagpatuloy niya ang pag-classify ng mga files. Matiyaga niyang binasa ang bawat papeles at nilagay ito sa mga folder na dapat nilang kalagyan. Sabagay simula nang umalis sila ng orphanage kahapon ay talagang nakakapanibago na ang mga galaw ng boss niya. Maging nang dumating sila ng bahay nito mismo. At nang haponan na, panay ang pag-asikaso nito sa kanya. Hindi niya lang binibigyan ng malisya dahil alam niya na iisa lang naman ang laman ng puso ng amo. Tumayo siya, at nagtungo sa may pantry ng opisina para magtimpla ng tsaa at kape. Agad siyang nagpakulo ng tubig at nagh

