Madaling araw pa lang ay gising na ang diwa ni Alona. Hindi siya nakatulog nang maayos dahil sa kakaibang ikinikilos ng kanyang amo. Subrang maalahanin at mabait ito sa kanya nang sunduin siya nito sa opisina. Hindi lang iyon, sabi pa nito ay lilipat sila ng building para maiba daw ang atmosphere niya. "Hindi kaya naengkanto siya?" Lihim siyang natawa sa kanyang saliri. "O baka ako ang naengkanto?!" Bakit nga kaya parang may kakaiba sa ikinikilos ng amo? Hindi niya tuloy mapiligan ang saliri na pag-isipan ito ng masama. Hindi kaya may hidden agenda ang amo niya kaya nagbabait-baitan ito sa kanya? Kung magkagayon man, ano naman ang mahihita nito? "Hays, makabangon na nga," saad niya, at napaupo sa kanyang kama. Ngunit nang makita niya ang ayos ng kwarto ay napakurap siya. Imposible nam

