"Anong nangyari? Bakit parang sumigaw si Alona? usisa ni Nay Rosing sa kanyang alaga, at nang hindi ito umimik ay pinandilatan niya ito. "JAXEL? Tapatin mo nga ako, ano ang ginawa mo sa batang iyon?" Napahilamos si Jaxel ng mukha, at napabuntunghininga. "Hindi ko alam, Nay. Hindi ko din maunawaan ang aking saliri." Natigilan si Rosing sa winika ng alaga. Pinagmasdan niya ito ng maigi para tantiyahin kung nagsasabi ba ito ng tunay. "Don't tell me may pagtingin ka sa kanya?" tanong niya sa mahinang boses. "You seem lost." Nais man sumagot si Jaxel pero hindi niya na nagawa dahil nasulyapan niyang lumabas na ng kanyang banyo si Alona. "Nay Rosing?" gitlang tanong nito, at napatingin sa amo na nakaupo sa kama, nakababa ang tingin at hindi maipinta ang mukha. "May narinig kasi akong sigaw?

