Enjoy na enjoy siya sa pag-awit kaya hindi niya namalay na nakatulog na ang kanyang amo. Mabuti na lang at tumunog ang kanyang telepono. Napatigil siya tuloy sa pag-awit. Hindi niya sinagot ang tawag hindi dahil galing sa unregistered number kundi gabi na. Kung hindi siya nagkakamali ay mag-aalas onse na. Sino naman kaya ang tatawag sa kanya sa ganitong oras? Napakunot ang kanyang noo. Sinadya niyang hindi niya sinagot ang tawag. Paano kung importante?, untag ng utak niya sa kanya. Kahit na, kung talagang importante ang tawag ay tatawag uli iyon. Kusang namatay ang tawag. Inilagay niya ang kanyang phone sa may sofa. Agad siyang tumayo, at inayos ang kumot ng amo. "Pasalamat ka't hindi kita kayang iwan sa situwasyon mong ito," mahina niyang wika. "Hindi ko alam kung iyang pagtaboy

