Nasa may Imus, Cavite pa lang sila nang biglang pumatak ang malakas na ulan. "Damn, it's raining heavily," banas na wika ni Jaxel, at umayos ng pagkakaupo. Nagtatakang napasulyap si Alona sa kanya. "Boss, ulan lang 'yan. 'Di mo kailangan mabanas. Blessing po 'yan." Bumasimangot siyang tinignan ng amo. "I know, but didn't you just hate rain?" Iyon ang sabi niya pero iba ang pagkaintindi ng dalaga. "You mean may naaalala kayo tuwing umuulan? Alaala na nais ninyong kalimutan? Tama po ba ako?" tanong nito sa amo, at pigilan na ngumiti. "I don't want to answer that." Napangiti nang tuluyan si Alona. "Alam ninyo, Boss, okey lang minsan na magkwento ng mga ganyang bagay. Hindi ba't sinabi ninyo na magkaibigan na tayo. Kasi iyang pagkwe-kwento minsan nakakagaan iyan ng damdamin. Nakakapagp

