Malakas pa din ang ulan ng dumating sila sa may prisento. Napaangat ng tingin ang lalaking nasa may unang lamesa. "Malakas ang ulan, Bro, sinugod ninyo?" "Kailangan eh. Andiyan pa ba si Hepe?" tanong ni PO3 Richard sa kanyang kasamahan. "Nandiyan pa pero paalis na yata?" "Pasok na lang po kayo sa office niya Sir Jax. Tiyak na matutuwa iyon kapag nakita ka niya," udyok ni PO3 Richard sa kanya. Tumango lang siya saka dumiretso na pumasok sa opisina ng hepe. "Hindi ba't sabi ko paalis na ako?" banas na sabi ng hepe. "Sorry, I thought I am welcome here," pasaring na wika ni Jaxel. Mabilis na napaangat ang tingin ng hepe. "Jaxel? Damn! What brings you here in my precinct?" Umupo si Jaxel sa silyang nasa harapan. "My car got stuck at the highway. Ito kasing secretary ko biglang naga

