Nagising siya sa isang pamilyar na silid. Kinusot-kusot niya ang kanyang mata, paano siya napunta sa silid na ito ay natitiyak niyang may kinalaman ang kanyang amo. Nakunsensiya kaya ito, kaya binalikan siya sa bahay ni Mirasol? Pero paanong napunta siya sa silid na ito ng hindi niya namalayan? Tulog mantika na ba siya talaga para 'di niya naramdaman? Tinampal niya ang saliring noo. At pinilit ang saliri na bumangon. Kailangan niyang makausap ang amo nang maliwanagan ang kanyang isip. Akmang tatayo siya mula sa pagkakahiga sa kama nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang silid. Mabilis na napatingin ang kanyang mata sa nakabukas na pintuan. Kusang siyang ngumiti nang makita si Nay Rosing na may dala-dalang tray, at tila nabuhay ang kanyang diwa nang masilayan ang umuusok pang s

