Pinaupo siya muna ni Orlando sa ilalim ng umbrella tree habang kausap nito ang kanyang supervisor. Napapangiti tuloy si Alona habang pinagmamasdan ang kaibigan. Malaki na ang pinagbatayan nito at talaga naman propesyonal na propesyonal kung magsalita at kumilos. At kahit sino ang makipag-usap dito ay walang ni isa mag-aakala na galing ito ng bahay ampunan. Sina Shawn at Orlando ang naging Kuya nila sa bahay ampunan. Sila din ang mga tagapagtanggol nila tuwing pinapagalitan sila ni Mother Superior. Napangiwi siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone lalo't nang makita niya na ang amo niyang tupakin ang tumawag. She immediately put her phone in silent mode. Ayaw niyang kausapin ito kahit pa sinasabi ng kanyang puso na tanggapin ang tawag ng amo. Kung anuman ang kailangan nito ay

