Masaya siyang makisalamuha sa mga kasamahan ni Orlando. Maliban sa very accommodating ang mga ito ay talaga naman hindi mahirap pakitunguhan ang mga ito. Walang boring moment kapag kasama ang mga ito. Hindi niya tuloy namalayan na hapon na. Kung hindi pa tumunog ang three o'clock prayer ay hindi niya namalayan na alas tres na ng hapon. "So ano babalik ka na ba?" untag na tanong ni Orlando sa kanya. Tumango siya at ngumiti. "Wala naman akong pagpipilian 'di ba? Saka baka dumaan muna ako ng palengke para bumili ng prutas at Biogesic." "Mabuti naman. Sa uulitin, kahit anong mangyari, 'wag ka basta-basta susuko. Naalala mo ba ang payo ni Mother Superior Ave sa atin?" "Na hindi puwedeng sumuko ng walang laban?" "Tama," sumang-ayon na wika ni Orlando. "Pero may idadagdag ako diyan, hindi mo

