Gabi na subalit hindi pa inaantok si Alona kaya naisipan niyang lumabas ng kanyang silid at diretsong tumungo ng rooftop. 'You awake?', text niya kay Damon subalit imbes na mag-text back ito ay tinawagan siya ng binata. Napailing at napatawa na lang siya. "Aba'y gising pa ang isang ito!" wika niya bago sagutin ang tawag. "Yes?" "So you can't sleep, too?" tanong ni Damon sa kanya sa paos na boses. "Hindi ba halata? Ikaw bakit ka pa gising?" "Kakatapos ko lang tumawag sa aking kapatid." "Wee? Hindi nga? Kapatid ka diyan, baka girlfriend mo," tudyo niya sa kaibigan, at naglakad-lakad patungo sa may kanang bahagi ng rooftop. Napakunot ang kanyang noo nang matagpuan na may isa pang hagdan doon. Bumababa siya at nakita kita na may ilang round table at upuan na nakahilera. "Ay ayaw man

