Kanina pa sila lihim na tinitignan ni Jaxel. They were too sweet and closed at each other. At sa hindi niya maunawaan na dahilan parang kumukulo ang dugo niya sa kay Damon. Jaxel control yourself, saway niya sa saliri. Hindi siya pwedeng magpaapekto lalo nga't wala siyang nararamdaman sa dalaga. "May palabok kayo?" tanong ni Alona sa may waitress. "Yes, Ma'am." "Iyon na lang. Isang palabok, isang cheeseburger at buko pandan shake." "Is that it? Baka may gusto ka pang kainin? 'wag kang mahiya, ililibre kita," sabi ni Damon sa dalaga. "Tama na iyan. Kumain din kami ni Boss bago tumungo dito. Iyon nga lang parang hinalukay ang sikmura ko kanina habang nakasakay kami ng chopper. Buti nga 'di ako nagsuka." "So you're afraid of heights?" Tinignan siya ni Damon. Tumango-tango ang dalaga h

