Tahimik nilang binabagtas ang kahabaan ng highway. Wala mi isang sa kanila ang nagtangkang bumasag ng katahimikan. Mabilis ang pangyayari. Hindi akalain ni Alona na magtatapat ng damdamin sa kanya si Memphis. Ito tuloy biglang gumulo ang payapang niyang isip. "I'm sorry..." biglang basag ni Memphis sa katahimikan na nasa gitna nila. "But matagal na akong may pagtingin sa 'yo. Hindi ko lang masabi kasi napakailap mo. Natatakot ako kasi na kapag sinabi ko sa 'yo ang aking nararamdaman ay biglang mo akong layuan." Alona just heaved a deep sigh. "Pasensya na din. Naninibago lang ako siguro kasi wala pang nagtangka magsabi sa akin ng ganyan," tapat niyang pag-amin. "Alam mo naman umiikot lang naman sa paglilinis ng mga bahay ang mundo ko." Nakatingin siya sa labas ng bintana kaya hindi niy

