Gabi na at nasa may dalampasigan pa din si Alona. Malamig ang dampi ng hangin at maririnig ang mahinang pagdampi ng alon sa may buhangin. Napakaganda ng buwan. Bilog na bilog ngunit tila nag-iisa sa langit. Wala man lang bituin na makikita sa paligid nito. Blankong siyang napatingala dito, at lihim na inusal ang lumbay na nasa kanyang puso. "Oh, Diyos ko! Kailan ko kaya matatanggap na wala na sila?" tanong niya sa kalangitan, at agad na tumulo ang kanyang luha. "Patawad po... kung may mga sandali na pinagdududahan ko ang inyong kalooban. Kung may pagkakataon na tinatanong ko kung bakit ganito ang aking kapalaran? Hindi ninyo ako masisi, sapagkat lahat na lang ng bagay at tao na mahalaga sa akin ay nawawala at pumapanaw. At sa bawat araw na lumipas, lalo kong nararamdaman ang bigat na

