STEVE “Ano ba kasi ang nangyari, 'teh. Feel ko talaga mabubuntis kana, e.” Kanina pa ako kinukulit ni Patty, tinatanong kung ano ang nangyari kagabi pagkagaling namin sa batis. “Anong mabubuntis ka diyan? Baliw, walang nangyari nag-usap lang kami at ikinuwento ko na saʼyo 'yun,'di ba?” Sagot ko. Nakaupo kami sa may upuan dito sa may bakuran namin, mayroon naman puno ng mangga dito at sobrang silong kaya naiisipan ni itay na gawan ng mauupuan. “Eʼdi ba nga, dalawa lang kayo magkasama tapos malamig pa ang simoy ng hangin at sigurado ako---” “Hindi ka ba nandidiri, Patty? Gaga, walang nangyaring ganyan sa iniisip mo.” Sinabi ko agad dahil kung ano ano naman ang kanyang naiisip. “Iba ka kasi maglakad kaninang umaga, 'teh. Parang ano?!” “Baliw, alam mo ng papag l

