STEVE Pagkatapos ng dramahan session na 'yun sa tabi ng batis ay pumasok na kaming dalawa sa loob. Mabuti nalang at dalawa ang dala kung kumot kaya iyon ang ginagamit namin ngayon pangbalot sa aming nanlalamig na katawan. Nakaupo lang kami sa may katre netong kubo habang nasa harap namin ang dinala kung lampara, nakasindi na ito. “Kumain na muna tayo, Sir.” Ani ko. Kumakalam narin kasi ang sikmura dahil hindi naman ako kumain ng pumunta ako rito, e. Tumango naman ito saka kami pumunta sa harap ng mesa dahil nandoon ang dala kung pagkain. Umupo kami na magkaharap at nagsimulang kumain ng dinala kung pagkain, hindi kami nag-uusap. Hindi ako makatingin sakanya dahil hubad ang kanyang katawa, sa ibabang bahagi lang ng katawan niya ang nababalutan ng kumot na dina

