DIEGO'S POV “Dana!” sigaw ko at hinabol ko ito. Alam kong nasaktan ko ito nang husto dahil sa pagpapaalis ko sa kanilang mag–ina sa bahay ko, pero ang hindi rin nito alam ay nasaktan din ako nang husto. “Ako nakakausap sa anak ko, Sir Diego. At saka, ano bang ginagawa mo rito? Ba’t napadpad ka rito sa amin?” sunod–sunod na tanong ni Doralie sa akin. “Balak ko talagang pumasyal dito para ibigay ang pasalubong ko kay Dana at para sorpresahin siya. Pero, hindi ko alam na galit siya sa akin ngayon dahil sa nangyari noon,” malungkot na sambit ko. “Umaasa ka ba na gano’n pa rin ang trato sa ‘yo ng anak ko? May isip na si Dana noon at alam mong matandahin ‘yang anak ko, kaya hindi mo siya masisisi na gano’n siya sa ‘yo, Sir Diego dahil alam mong napalapit siya sa ‘yo ng husto,” matigas na

