CHAPTER 6: SEASON 1 - KATE POV

2750 Words
Kahit sa pagdilat ng mata ko hindi pa rin maalis sa isip ko ang bruha kong amo! Swear to God, nanggigigil pa rin ako sa kaniya! Pagnaaalala ko ang eksena sa unang araw ng trabaho ko parang gusto ko syang sabuyan ng harina at i-bake! "What do you think you’re doing? May sinabi ba akong gawin mo iyon?" –Gabbie "Wala! Pero hindi kasi ako plastik! Obviously, they are insulting your cafe and your food! Hindi ako para wala lang gagawin! Dito ako nagwo-work so it is part of my life now! They can’t just insult anyone, anywhere they like!" "f**k!!! You don’t get the point! They are my VIP! Your opinion is not needed! Wala ka sa lugar para magdesisyon Kate! I am still the boss just in case you forgot! Now do as I say only if I say so!"— Gabbie "Fine!!! Hindi na ako makikialam sa kahit na sino! Don’t expect me to protect or defend your business from now on! Bakit nga ba ako nakikialam, pakialam ko kung bumagsak ang business mo dahil sa mga walang kwentang opinion ng iba, and here you are still defending them, good to you kung tumagal itong business mo!" Gggrr! Pag naalala ko ang mga sinabi niya and the way she say that to me na akala mo ay siya na ang humahawak ng buhay ko, siya na itong ipinagtanggol ko siya pa itong galit! I check the time and it is already 8:30 am, same routine si Vincent tatawag, pero wala ako sa wisho, wala ako sa mood sa lambingan portion lalo na at iniisip kong mamaya eh babalik nanaman ako sa bakeshop ng bruhang iyon! "Hey babe, I got your message, I am so happy for you na mayroon work ka na riyan, mukhang mabi-busy ka na ngayon ah, buti naman at mayroon pagkakaabalahan ka na riyan" Si Vincent na obvious naman he is just trying to make me feel better in excuse sa pagiwan niya sa akin so talagang happy siya na mayroon na ako pagkakaabalahan. Kung alam niya lang ang katotohanan, maging happy pa kaya siya? After we talk, wala naman akong magagawa kung hindi pumasok na sa work. Dead-ma na lang sa bruhang iyon and I will just do my job, sana lang wag muna siyang mag-attitude sa akin ngayon dahil sure akong sasabog na ako! Ilang lakad lang ay nasa cafe na ako or more likely bakeshop, pagpasok ko pa lang nakita ko na agad siya na naglalagay ng mga display cakes sa counter fridge. Tinapunan niya lang ako ng tingin then back to what she is doing, dumiretso naman ako sa loob and wear my apron, mayroon name plate na rin siya and ang cute ng pagkaka-print infairness. I walk towards sa counter table ko and fix things kung ano man ang maaayos ko pa nang magsalita siya. "Mayroon mga dumating akong ingridients and packs of juices, pakiayos and check na rin if tama ang counting" She said kahit hindi nakatingin sa akin. "Saan ang list ng mga iyon? I didn’t know part of my job is inventory and checking your products" Sagor ko naman na nakapagpalingon sa kaniya sa akin. "It is, mukhang hindi ka nagbasa ng kontrata mo, the list is inside my office" Sabi niya naman. Oh shoot! Oo nga nakalimutan ko ang copy of contract ko! "Well nakalimutan ko kasi kahapon dahil lang naman sa iyo! Anyway kukunin ko na rin iyon nang malaman ko naman ang ibat-ibang trabaho ko pa at hindi ako nagugulat!" Inis na sabi ko sabay lakad papasok ng office niya. As I stepped in, a bouquet of flowers is on her table, napahinto ako as I look into it. Parang biglang mayroong pumasok sa isip ko and nagpakaba ng dib-dib ko. I walk slowly towards the table and my hand is now reaching the flowers just to see kung kanino galing. I was just an inch to that flower at mahahawakan ko na nang biglang... "Did you get it?" Tanong ng bruha na biglang lumitaw sa pinto na nakapag patalon sa akin ng onti, I hope she didn’t notice my action. "Ahmmm hindi pa eh, hahanapin ko pa lang sana pero yung bulaklak mo kasi nakaharang sa table mo" Sabi ko na halos pigilan kong mautal. She just look at me na parang binabasa ang expression ng mukha ko. She gives me that look sabay tingin sa flowers and then put it away, nilapag niya iyon sa kama niya habang ang mata ko ay nakasunod trying to still sneak on whom the sender is. "Sorry, wait ako na ang maghahanap" Sabi niya naman pagkabalik sa table from her bed. She start na maghalungkat and ako naman ay tinatapunan ng tingin ang bulaklak na iyon. Shit, wag ko lang malalaman na kay Vincent galing iyon dahil talagang susunugin ko ang shop na ito! Nang mahanap niya ang list at ang kontrata ko ay agad niya naman itong inabot sa akin. No choice ako kung hindi lumabas na and do my work, s**t! Hindi ako mapakali hanggat hindi ko nakikita ang flowers na iyon! Habang gingawa ko ang dapat kong gawin, hindi talaga maalis sa isip ko ang bulaklak. Kailangan ko makahanap ng tyempo na makapasok sa office niya and check that f*****g flower! Habang nagaayos ako ng mga products, paisa-isa nang nagdadatingan ang mga customers. Nang medyo dumami na sila ay agad naman akong nataranta, s**t, ang hirap pala pagbiglang humaba na ang pila at ako na nga ang cashier ako pa ang nagpe-prepare ng order. Maya-maya pa ay lumabas na rin ang bruha sa lungga niya, mabuti naman at nakaramdam siya! We both manage to assist each and every customer hangang maghapon na. Mayroon mga little breaks din ako kanina pero kainis lang kasi balik sa loob ng office niya ang bruha, hindi ako makatyempo talaga! Nang medyo maggagabi na and I think it is almost dinner time, hanggang 10:30 pm kasi ang sarado ng cafe kaya inaabutan kami ng dinner. She suddenly walks out of the shop which I guess bibili siya ng dinner. Nang makita kong medyo nakalayo na siya, hindi na ako nagatubili pang pumasok sa office niya and then grab the bouquet and check the sender. "From Halter flower shop" bigkas ko trying to think kung sino ba yun, pero flower shop lang ang nakalagay. Nagiisip pa ako and still holding the flower nang magulat ako sa boses na narinig ko... s**t! "Maganda ba? Mukhang amaze ka sa bulaklak ah" Si Gabbie na lumitaw nanaman sa likuran ko holding a two plastic bag na mukhang food nga yata. "Ahmmm yeah ang ganda kasi...I mean namimiss ko na kasi na bigyan ako ni Vincent ng ganito" Sabi ko naman trying to calm myself sa pagkabigla ko. "Oo nga eh sa sobrang amaze mo nakalimutan mong private property ang pinasok mo na hindi ka allowed only if I told you so, mukhang nakakalimot ka sa papel mo rito Kate, do I really need to remind you ng salitang privacy?" Mataray na sabi nya. "Wow ah, galit lang? Excuse me wala naman akong intention dito sa office mo! Fine kung nalabag ko ang policy mo na iyan but like I told you na-amaze lang ako sa bulaklak kaya nakalimutan ko! Oh ito na ang bulaklak mo! Ang yabang mo!" Inis na sabi ko sa kaniya sabay lakad palabas ng office when she hold my right arm to stop me. "Tell me, na-amaze ka nga lang ba or there is something else? Kaya ko naman umintindi ng mga makikitid na utak lalo na yung tamang hinala" Sabi niya naman looking straight to my eyes. Ewan ko pero na caught off guard ako doon bigla, kaloka! Paano niya bang nalalaman ang mga bagay-bagay? Obvious pa rin ba sa kilos ko!? Haiiissstt kainis! "Ano ba ang gusto mong tukuyin? I already told you my reason, kung hindi ka maniniwala eh wala na akong magagawa roon! Excuse me!" Sabi ko naman at hawi ng kamay nya para umalis pero sabay hawak naman nya sa kaliwang arm ko naman. Damn this woman! Bwesit talaga ang babaeng ito! Iyong pagkakahawak niya sa kaliwang braso ko ay may kaunting pwersa which pulled me a little towards her, halos magkadikit na kami ngayon ng katawan and I can feel her breath. "Make sure of what you are saying, pinakaayaw ko sa lahat ay iniimbistigahan ako lalo na ang pribadong buhay at espasyo ko! I don’t give a s**t to your dirty little scheme, tandaan mo, may binabayaran kang utang sa akin and I am the one who is giving a big credit here hindi ikaw!" Seryoso at inis nyang sabi sa harap ko na halos magdikit na ang mukha namin. Shit talaga! Ang yabang nya! Akala mo kung sino! I push her na nakapagbitaw ng kamay niya sa braso ko. "I dont give a s**t as well kahit nagbabayad ako ng utang sa iyo! That doesn’t mean you can treat me anyway you like! And I don’t care about your privacy or space dahil kung ako lang ang masusunod ni ayaw kong dumikit sayo or makasama ka man lang kahit isang sigundo!" Inis na sabi ko sa kaniya and this time talagang nakalabas na ako ng office nya. Padabog akong bumalik sa table ko, bwesit talaga ang ideya na ito! Well hindi pa rin ako titigil hanggat hindi ko naisu-sure na wala silang lihim na ugnayan ni Vincent!.. Habang naghihintay ako sa oras at hinihintay ko din ang iilang customer na nasa shop pa na umalis ay bigla namang kumalam ang sikmura ko. Naku naman! Nagugutom na ako! Haiiissst, pag ako nainis kakainin ko lahat ng tinapay dito ehh! Napayuko ako sa table ko para kalmahin ang tyan ko when I heard Gabbie speaking on me again and this time she is standing next to me. "You can’t do that here, nasa counter ka, hindi ka dapat mukhang nalugi..." she said habang nakayuko pa din ako and those words pissed me kaya napaangat ako ng ulo ko para sana tarayan sya nang napahinto ako.. "Your dinner, go inside my office, doon ka na kumain, I was about to give you that kaya lang nagwalk out ka na" she said looking straight to my eyes... Gustohin ko man magtaray eh natatalo na ako ng amoy ng pagkain sa loob ng plastik bag na iyon, jusko ang tyan ko, tinatangalan ako ng pride! No choice but to agree with my starving tummy, hinawakan ko ang plastik sabay lakad papuntang office nya. Hindi na ako nagatubili and just dig in sa pagkain, kahit di ko bet ang sisig ay maituturing ko nang next favorite meal ko juskolord! This sisig saves my hungry whole being! Nang matapos akong kumain ay nagulat ako nang makita ang oras, s**t! 10 pm na pala! Ako ang dapat magsasara ng shop pero nang mapatakbo ako sa labas, I can see Gabbie doing my work. Medyo nahinto ako sa ginawa nyang iyon, somehow I find her this nice...pero still I can’t trust her... "Hindi mo naman need gawin yan, part nang trabaho ko yan di ba? " tanong ko sakanya "Yes but it seems you enjoy your meal so much, how can I stop you in the middle" sagot nya naman while locking the counter fridge. "Well gutom na gutom na kasi ako, kaya sorry! Next time kasi huwag kang OA magpagalit!" Sabi ko naman and was about to fix the other things when I heard her laughing na ikinabigla ko naman. Napatitig ako sakanya, she smile and laugh so lovely, first time kong nakita syang ganun, nakatitig lang ako sakanya when she is already in front of me na pala. "Hey Kate, are you okay?" Tanong nya nanakapagpabalik sa ulirat ko. "Yeah! Ahmmmm inaantok na ata ako" sabi ko naman sabay fake ng hikab at lakad papuntang loob and take off my apron. Shit! Bakit ba ako napatulala sakanya? Buset talaga! After kong maalis ang apron ko, I walk to my table and get my bag. Papalabas na sana ako ng shop nang bigla nanaman sya nagsalita. "Hey, can I talk to to you for a minute?" Sabi nya naman, haiisstt ano nanaman kaya ang sasabihin ng bruhang ito! I waited for her sa labas ng shop while she is locking the main door then she finally face me. "They are my family" bungad nya sa akin na ikinalito ko. "I dont get it, who is your family?" tanong ko naman habang napapaisip ako sa sinasabi nya when I remember those VIP, kaya napatingin ako ulit sakanya and she look at me like finallly nagtagpo rin kami! "Okay, so pamilya mo ang nangiinsulto sa iyo ng ganun? and you even let them do that?" Takang tanong ko. "Well I guess honest opinion will always be the best, coming from them baka nga kulang pa lahat ng ginagawa ko which is why what you did isnt appropriate" she said at halos mapatitig lang ako sa mga sinabi nya, Seriously? Is that how she look at it? manhid ba itong bruhang ito or sadyang mahina lang ang pick-up? geezz! "Ang layo ng pagkakaintindi mo sa pinararating nila, kahit sinong taong makakarinig ng opinion nila eh hindi makikita yang pagkakaintindi mo!" sabi ko naman sabay irap, honestly naiinis ako sa mga taong masukista na wala sa lugar, "Whatever it is, I am sorry for the way I was treated you yesterday pero next time just be carefull in dealing our customers, pwede naman magkontrol ng pagiging pranka di ba?, I am making business here Kate please just bear with my policy hanggat andito ka nagwowork" seryoso nyang sabi which is kahit naiirita ako eh somehow naiintindihan ko, And I like the way she said her sorry, simple but I can feel the sincerity, "Okay, pero not all the time I will just sit quietly habang may mga trigger sa paligid ko, just make sure no one will provoke me, hindi ako katulad mong masukista sa sarili, and a bit of advice lang, honesty is what should a family gives but more specially, respect...criticism is different from insult" sabi ko naman and then head my way going home, Hindi ko na sya hinintay pa though iisang lugar lang naman ang uuwian namin, kahit nagkausap kami ngayon ng maayos, I still dont trust her, hindi ko alam kung sino ang nagbigay ng bulaklak na iyon, wag na wag ko lang talaga malaman na kay Vincent iyon dahil hinding hindi ko sya sasantuhin. Nangangalahati na ako sa nilalakad ko nang bigla syang humabol sa akin. "Wait...!" sigaw nya Lumingon naman ako and I saw her running towards me holding a paper bag sabay abot sa akin. "Here, I bake it for you" nakangiting sabi nya "Sa akin?" tanong ko naman and then check what it is inside, my eyes is litteraly wide open nang makita ko ang mini round cake made by mocha-caramel icing and filling, s**t gustong gusto ko ito talagang matikman nang makita ko sa counter fridge. May sasabihin pa sana ako nang nauna na pala sya sa akin papasok ng apartment, hindi ko maintindihan bakit may mga paganitong nalalaman ang babaeng iyon, though I find it sweet... Nang makarating ako sa elevator, mukhang nasa unit na nya sya, I try to look again sa cake habang nasa elevator ako and doon ko lang nakita ng buo, "Congrats on your first day of work", So it is her welcoming cake pala, this is really nice... Habang papalapit na ako sa pinto ng unit ko knowing that across is Gabbie's unit, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag thank you sakanya kaya... "Knock...knock..." kumatok na ako and she opens it. "Hey" sabi nya "Ahmmm thank you for this...and goodnight" Sabi ko sabay talikod at pasok sa unit ko.... Shit, bakit ba ako biglang kinabahan? I mean for f*****g sake, she looks really different in pyjamas! yung straight hair nya na nakalugay lang, she faced me wearing those smile, Goodness, ang lakas ng kabog ng dib-dib ko when someone knock at my door na lalong nakapagpatalon sa akin sa gulat. When I open the door, it is non-other than her.... "Y-yes?" nauutal na tanong ko She holds two bottle of beer at inangat ito sa harap ko. "Beer? Welcome celebration at least" she said and again wearing that smile.... "Ahmm sure..." sagot ko na ikinagulat ko pagkatapos....fuck why did I say yes? And her smile is flashing in my eyes again... "How can I say no...." sabi ng mahadera kong utak!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD