“IYAN ANG bahay mo?” aniya nang makarating sila ni Lance sa destinasyon nila. “Yes. Hindi mo type?” Hindi type? Pakiramdam niya ay umuwi siya sa bahay na kinalakhan niya sa Marikina. Malawak ang bakuran at mayroon pang fountain sa gitna. A Spanish garden and a Spanish house. Cobblestone ang tinutuntungan niya. At ang bawat mahagip ng mga mata niya ay larawan ng kaelegantehan. “Ganito ang bahay namin sa Marikina,” nasabi na lang niya nang anyayahan siya ni Lance na pumasok. It was really an old villa. Makikita iyon sa estilo ng kurtina at dekorasyon sa buong bahay. Malawak ang sala at malapad at matayog ang hagdang paakyat sa ikalawang palapag. “Ang laki-laki nitong bahay para sa nag-iisang kagaya ko. Kusina at kuwarto lang an

