“TOTOONG masaya kami dito basta dumarating ka, Lance,” wika ni Maning sa kanya. “Huwag mong samantalahin ang pagiging galante ng tao, hijo,” wika naman ni Mang Kardo. “Baka madala iyan, hindi na bumalik dito.” “’Tay, si Lance naman ang nag-aya na uminom kami, eh.” “Okay lang ho iyon, Mang Kardo. Basta ba kapag may ipinapagawa ako rito, nagagawa agad, eh,” wika naman niya. “Sinabi mo pa. Kita mo naman iyang dala mong jeep, hindi ka pa bumababa, tinitingnan na ng mekaniko,” sagot ni Maning. “Aber, Lance, kanino na naman ba iyang sasakyang iyan? Tuwing pupunta ka rito, iba-iba ang dala mo. Parati din namang may diprensya.” “Sa kaibigan ko ho iyan. Ako na nga ang nagprisinta na magpapagawa kasi tiwala ako sa trabaho

