“MABAIT iyang si Lance,” sabi sa kanya ni Mang Kardo habang hinihintay nilang bumalik ang binata. Sa mag-amang Mang Kardo at Maning na rin niya nalaman na single pa si Lance. Nag-iisang namumuhay kaya parang foster family na nito ang pamilya ni Mang Kardo. Bumalik sa compound ng Meralco si Lance upang kunin nito doon ang sasakyan nito. Napag-alaman na rin niyang hindi pala dito ang owner-type jeep na nakita niyang sinasakyan nito kanina. Dinala lang iyon ng binata sa talyer upang ipagawa ang diprensya. “Eh, unang kita pa lang ho kasi namin kagabi, nagkainitan na kami, eh,” mababa ang tinig na sabi niya. Mas gusto niyang maniwala na ang mag-amang kausap niya ang mabait kaysa kay Lance. Parang mas may tiwala pa siya sa dalawang kaysa kay Lance na buhat nang makita n

